
⚠️❌ BABALA: Bawal itong basahin ng malakas. Dahil nakakapaso 🔥🥵 Sadya ba siya ibinigay para maging kapatid ng tatlong lalaki o may nakatagong ibig sabihin ang huling habilin ng kanilang ama? Maagang naulila si Reylin Averia, at tanging si Don Simon King na lang ang tumayong pangalawang ama niya. Nang pumanaw ito, nabigla ang magkakapatid na sina Keiran, Duncan, at Ronan sa kondisyon ng mana: Kailangan na tanggapin nila si Reylin bilang kapatid sa batas. Puno ng galit at maling akala, dinala nila ang dalaga sa mansyon para pahirapan. Ngunit bakit sa bawat araw na lumilipas ay lalo silang nahuhulog sa dalaga? Bakit tila bawal ang damdaming namumuo sa gitna ng pagiging magkapatid sa papel? At ano ang tunay na dahilan kung bakit ganito na lamang pinahalagahan ng kanilang ama ang babaeng itinuturing nilang madumi at makasalanan? Unti-unting mabubunyag ang mga lihim na babaligtad sa lahat. Hanggang sa mapagtanto nila: baka hindi lang basta kapatid ang itinadhana para sa kanila… kundi pagmamahal na higit pa sa nakikita ng mata at nauunawaan ng isip. Pag-ibig na magpapatibay sa buklod ng kanilang pamilya.

