Chapter 2

2711 Words
ALAS-ONSE na ng gabi pero dilat pa rin ang mga mata ni Margareta. Sumasakit na ang likod niya sa kapabiling-biling sa kama. Kahit anong aliw niya sa kanyang sarili ay hindi maalis-alis sa kukoti niya ang imahe ni Alezandro Del Fuego at ang kakaibang pusa na humarang sa kanya sa daan. Mabilis ang t***k ng puso niya. Bumangon siya at humakbang palapit sa bintana. Hinawi niya ang kurtina at binuksan ang sliding window na yari sa matibay na kahoy. Saktong pagbukas niya ng bintana ay sumalubong sa kanya ang mainit na hangin na nagmumula sa labas. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mamataan ang pusang itim na nakaupo sa lilim ng puno ng sampalok. Kumurap lamang siya ay bigla na lamang nawala sa paningin niya ang pusa. Iginala niya ang paningin sa paligid. Napakislot siya nang bigla siyang hampasin ng malakas at mainit na hangin. Nag-aapurang isinara niya ang bintana. Kinilabutan siya. Pagkuwa'y bumalik na lamang siya sa kama at humiga. Nagkumot siya hanggang leeg at mariing ipinikit ang kanyang mga mata. Muli na namang sumagi sa isip niya ang imahe ni Alezandro. Paulit-ulit niyang sinasariwa sa isip ang kakaibang karesma ng lalaki. Kahit anong gawin niya ay hindi mawaglit sa isip niya ang lalaki. Pakiramdam ni Margareta ay nakalutang sa ere ang katawan niya. Mariing nakapikit ang mga mata niya ngunit nararamdaman niya na tila may mainit na bagay na humahaplos sa kanyang pisngi. Gusto niyang imulat ang kanyang mga mata ngunit hirap siyang ikilos ang kanyang katawan. Ilang sandali pa'y naramdaman niya muli ang mainit na bagay na tumutulay sa leeg niya-pababa sa puno ng kanyang dibdib. Naramdaman niya ang pag-angat ng suot niyang pantulog. Nakarating na ang bagay na humihipo sa kanyang mayayamang dibdib. Hindi kasi siya nagsusuot ng bra kapag natutulog. Mayamaya, ang mainit na bagay na iyon ay sumasakop sa bawat dunggot ng kanyang dibdib. Napaigtad siya at hindi niya napigil ang munting ungol na namutawi sa bibig niya. Naisambunot niya ang mga kamay sa kobrekama. Hindi niya maintindihan ang mga kaganapan. Hindi rin niya masabi kung parte ba iyon ng panaginip niya. Ang alam niya'y gising siya. Nararamdaman niya ang init na dumadalantay sa mga ugat niya. Hindi na niya namamalayan ang pangyayari nang umailipin sa kaibuturan niya ang nakakahibang na sensasyon. Gustong-gusto niya ang kanyang nararamdaman. "Uhhhmmm..." halinghing niya nang muli na namang tumulay ang mainit na bagay sa kanyang katawan patungo sa kanyang puson. Pagkuwan ay pababa sa pagitan ng kanyang mga hita. Nadama rin niya ang paghawi ng suot niyang panty. Tila mayroong sariling buhay ang mga hita niya at kusa na lamang iyon naghiwalay... NAGMULAT ng mga mata si Margareta nang umalingawngaw ang alarm clock sa ulunan niya. Napamulagat siya nang mapansin niya ang kanyang sarili. Nakataas ang suot niyang nighties at ang panty niya ay nakababa hanggang tuhod. Bumalikwas siya ng bangon. Inayos niya ang kanyang sarili. Nababalot ng kaba ang pagkatao niya sa isiping may nanloob sa kuwarto niya at pinagsamantalahan siya, ngunit wala naman siyang naramdamang masakit sa katawan niya. Sarado ang pinto maging ang mga bintana. Alas-singko pa lamang ng umaga. Maglalaba kasi siya kaya naka-set ng alas-singko ang alarm clock. Hindi na niya inintindi ang mga nangyari. Iniisip niya na panaginip lamang ang mga naramdaman niya. Maagang pumasok si Margareta sa Rancio sa akalang hindi pa naaayos ang service nila. Hindi pa sumisikat ang araw nang makapasok siya sa malaking tarangkahan ng Rancio. Wala siyang makitang sasakyan kaya naglakad na lamang siya. May tatlong oras pa siyang libre kaya sa halip na tahakin niya ang daan patungo sa mansiyon ay lumiko siya patungo sa kural ng mga kabayo. Gusto niyang mamasyal muna sa ibang bahagi ng Rancio. Kapag nasa mansiyon na kasi siya ay hindi na siya makakalabas. Natatanaw na niya ang mga kabayo. May ilang manggagawa na nagsisimulang magtrabaho. Habang papalapit siya sa mamang nagpapastol ng mga baka ay naagaw naman ang atensiyon niya ng isang lalaki na tumatakbo mula sa direksiyon ng slaughter palapit sa kinaroroonan niya. Natulala siya nang mahinuhang si Zandro iyon na suot lamang ay itim na boxer at hapit na itim na sando. Rubber shoes na puti ang suot nito sa mga paa. Nang papalapit na ito sa kanya ay ganoon na lamang ang kabog ng dibdib niya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya sa lalaki. Hindi hindi siya makakilos. Pakiramdam niya'y nakapako ang mga paa niya sa lupa. "G-good morning, Doc.," naiilang na bati niya nang huminto sa harapan niya si Zandro may dalawang dipa ang agwat sa kanya. Hinahapo ito at nangingintab ang katawan dahil sa pawis. Itinukod nito ang mga kamay sa mga tuhod nito. Awtomatiko'y napatingin ito sa kanya. Lalo lamang tumahip ang dibdib niya nang magtama ang mga paningin nila. Napaka-sexy ng lalaki, lalo na nang pawisan ito. Hindi siya magtataka kung bakit maganda ang hubog ng pangangatawan nito. Batak ito sa trabaho. Marahil ay dahil sa kakapaanak sa mga baka o kabayo. Obvious na alaga rin ng ehersisyo ang katawan nito. Tumayo nang tuwid si Zandro. "Ikaw si Margareta Espejo, di ba?" pagkuwa'y tanong nito. "O-opo," mabilis niyang sagot. Humahakbang ito palapit pa sa kanya. "Bakit hindi ka na lang mag-stay in rito sa Rancio para hindi ka nahihirapan sa pag-uwi? Kapag dito ka natutulog, hindi mo kailangang magising nang maaga para lang hindi ma-late sa trabaho," anito. Huminto ito isang dipa ang pagitan sa kanya. Hindi niya masaway ang sarili na ipaglakbay ang paningin sa katawan ng lalaki. Nilinis niya ang kanyang lalamunan nang pakiramdam niya'y may bumara roon. "Hindi po kasi ako puwedeng matulog sa ibang bahay. Hindi rin ako puwedeng mawala ng bente kuwatro oras sa amin," sagot niya pagkuwan. "Bakit naman? Ayaw ba ng asawa mo?" seryosong tanong nito. "Huh? W-wala akong asawa, wala rin akong mga magulang. Tiyahin ko lamang ang kasama ko sa bahay," aniya. "So bakit hindi puwede? Dalaga ka naman pala." "Iyon na nga po. Mahigpit kasi ang tiyahin ko." Tumawa nang pagak ang lalaki. "Ang lifestyle mo ay katulad pa rin noong Spanish era. Hindi ako magtataka kung bakit single ka pa rin hanggang ngayon." "Bata pa naman po ako. Twenty-four pa lang ako." "That was a perfect age to get married. You're beautiful and—" pinasadahan nito ng tingin ang kabuoan niya, "-you're sexy and you have good quality as a woman," kaswal na wika nito. Awtomatiko'y uminit ang mukha ng dalaga. Kung tutuusin simple lang siyang manamit. Nakasuot nga lang siya ng pantalong maong na katamtaman ang hapit sa hita at binti niya. Puting blouse lang ang suot niya pan-ibaba. Naibaba niya ang tingin sa dibdib ni Zandro. "Salamat po," naiilang na sabi niya. "Hindi ka pa ba nagkaroon ng boyfriend since birth?" nakapamaywang na tanong nito. Inuunat-unat nito ang mga braso. Umiling siya. "Bakit? Bawal ba?" anito. "Hindi raw ako puwedeng magkanobyo ng kung sino-sinong lalaki. Kailangan daw ang lalaking pipiliin ko ay mamahalin ako at handang pakasalan," walang abog na sabi niya. Bumungisngis si Zandro. "Bakit hindi mo subukan ngayon? Kung susundin mo ang sinasabi ng ninuno mo, hindi ka makakatagpo ng lalaking magmamahal sa iyo. Malay mo, naririto sa Rancio ang lalaking mamahalin ka. Marami akong client na binata. Ipapakilala kita minsan, okay lang ba?" Hindi siya umimik. Dahil sa sinabi nito ay napatunayan niya na malabong magkainteres ito sa kanya. Malabong makukuha niya ang puso nito. "Pasensiya na po, hindi ako naghahanap ng boyfriend. Ang sabi sa akin ng lola ko, kusa raw dumarating ang mga lalaki sa buhay ng isang babae," aniya. "Hindi ka talaga makakapag-asawa kung ganyan ang paniniwala mo. Practical na ngayon ang mga babae. Karamihan, babae na ang lumalapit sa lalaki. Sa dami kasi ng babae, dala-dalawa na o higit pa ang iniibig ng mga lalaki. Minsan, palipas oras na lang." "Ganoon ka rin ba?" wala sa loob na tanong niya. Bigla na lamang naglaho ang pagkailang niya kay Zandro. Mariing nakatitig sa kanya si Zandro. "Yeah, I can't deny that, pero hindi ako ang tipo ng lalaki na mahilig mamangka sa dalawang ilog. Mabilis magpalit ng nobya, oo. Inaamin ko na madali akong magsawa sa babae. I called them, fling," anito. "Anong fling?" kunot-noong tanong niya. "Hindi siniseryoso. Mas mahalaga sa akin ang business at propesyon ko." Natameme siya. Ang totoo, maraming siyang college friends na mahilig makipagrelasyon pero hindi naman nagtatagal. Para siyang pinapaso nang mapansin niya na panay ang gala ng paningin ni Zandro sa katawan niya. "May lahi ka rin bang Spanish?" mamaya ay tanong nito. Itinuon niyang muli ang paningin sa mukha nito. "Ang grandparents ko ay purong Spanish, maging ang Papa ko. Ang mother ko lang ang Filipina," aniya. "Pareho pala tayo. Magkakasundo tayo pagdating sa kultura. Pero lumaki na rito sa Pilipinas ang Father ko at hindi siya lumaki sa puder ng parents niya. Kaya hindi na niya masyadong nasusunod ang kultura ng angkan namin. Pero pagdating sa kaugalian ay umiiral sa dugo namin ang Spanish," kaswal na kuwento nito. "Kaya po pala estrikto kayo," aniya. "Pero pakiramdam ko mas strict ang pamilyang kinabibilangan mo," komento nito. Hindi siya umimik. Hindi lamang niya masabi kung anong klaseng pamilya ang kinabibilangan niya. Nagmula siya sa angkan na bihasa sa paranormal na gawain. Siya na lamang marahil ang natitira sa kanilang lahi na hindi isina-puso ang mga kinagawian ng pamilya niya. Ang Tita Mercedes niya ay bihasa rin sa gawaing paranormal at isang psychic. Ni minsan ay hindi siya natukso na pag-aralan ang librong iniwan sa kanya ng Lola niya. Hindi na rin niya isinasagawa ang ritwal na itinuro ng Lola niya bago matulog. Nagdadasal siya ng pangkaraniwang dasal at hindi ang Spanish prayer na natutunan niya. Naimpluwensiyahan na rin siya ng modernong kalakaran ng buhay. Nanatiling walang kibo si Margareta hanggang may dumating na kabayo na may sakay na magandang babae. Ang babaeng iyon ang kasama ng mga Del Fuego kahapon. Iniwan na siya ni Zandro. Nilapitan nito ang babae at inalalayan sa pagbaba mula sa kabayo. Mabilis na iniwasan niya ng tingin ang mga ito nang maghinang ang mga labi ng mga ito. Nagkunwari siyang hindi nakita ang senaryong iyon. Malinaw na hindi lang basta bisita ang babae sa pamilya ng mga Del Fuego. Marahil ay girlfriend ito ni Zandro. Pakiramdam niya'y may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib niya at ganoon na lamang ang paninikip niyon. Bumagal ang t***k ng puso niya pero dumalas ang pagbuntong-hininga niya. Sinira ng senaryong iyon ang pantasya niya. Saka niya na-realized na wala siyang karapatang makaramdam ng pagkadismaya. Iginiit niya sa kanyang sarili na hindi ang katulad ni Zandro ang dapat niyang pangarapin. Isa iyong suntok sa buwan. "Nagugutom ka na ba?" narinig niyang tanong ni Zandro sa babae. "Hindi pa naman. Gusto ko pang mangabayo," tugon naman ng babae. "Sasamahan na kita, Renn, okay lang ba?" si Zandro. "Sure. Dapat sa likod kita." Nang sipatin muli ni Margareta ang dalawa ay nakasakay na ang mga ito sa likod ng kabayo. Nakaupo ang lalaki sa gawing likuran ng babae at ang mga braso nito ay nakapulupot sa baywang ng babae. "Bye, Margareta! Ipagluto mo ako ng java rice at sour soup. Mga eight nasa mansiyon na ako!" habilin ni Zandro habang papaalis na ang mga ito sakay ng kabayo. Tikom lamang ang bibig ni Margareta. Bumuntong-hininga siya. Matagal bago lumuwag ang paghinga niya. Pagkuwan ay nagpatuloy siya sa paglalakad. Binalewala na lamang niya ang mga naramdaman niya. Pagdating niya sa slaughter ay doon na siya naghintay ng masasakyan patungo sa mansiyon. Marami nang manggagawa at ang iba ay nagkakape pa lamang. Umupo siya sa silya sa loob ng waiting shed. Mamaya ay may humintong itim na kotse sa tapat niya. Bumaba ang matangkad na lalaki na naka-Amerikana. Maputi ito at halatang maganda ang pangangatawan. May dalawang pulgada ang haba ng buhok nito na abuhin at aalon-alon. Wala pang araw ay nakasuot na ito ng sunglasses. Hindi niya ito pinansin pero nang mamataang papalapit ito sa kanya ay ganoong na lamang ang kabang nadarama niya. Hindi talaga siya nasanay na may estrangherong lalaki na lumalapit sa kanya. Palagi siyang kinakabahan. "Hi!" nakangiting bati sa kanya ng lalaki. Napatayo siya. "Magandang araw po," naiilang na bati naman niya rito. Inalis nito ang suot na sunglasses at itinaas sa ulo nito. Guwapo ito, may kasingkitan ang mga mata at matangos ang ilong. Suplado ang hilatsa ng pagmumukha nito pero nababawi naman dahil palangiti ito. "Bago ka ba rito?" tanong nito. "Ahm, opo. Sa mansiyon po ako nagtatrabaho," aniya. "Ano'ng trabaho mo roon?" "Cook po." Nanlaki ang mga mata ng lalaki. "Really?" hindi makapaniwalang untag nito. Sinuyod siya nito ng tingin. Pagkuwa'y inalok nito ang kanang kamay sa kanya. "I'm Kenji Yukimura, isa sa manager ng Del Fuego Corporation," pakilala nito. Dinaup naman niya ang palad nito. "Margareta Espejo ang pangalan ko," aniya. Matagal bago nito nabitawan ang kamay niya. "Pleasure to meet you, Margareta. Masyado kang maganda para maging tagaluto ng mga Del Fuego. But impressive, ikaw ang tipo ng babae na masarap makasama sa buhay," nakangising sabi nito. Gumanti siya ng ngiti at hindi niya inaasahan ang pag-init ng mukha niya. Kapansin-pansin ang panay na paglalakbay ng paningin nito sa kabuoan niya. Kahit simple lang ang suot niyang damit ay nahuhubog pa rin ang natural niyang alindog. Nang mapansin niya ang tricycle na siyang service nila papunta sa mansiyon ay agad siyang nagpaalam sa kausap. "Mauna na po ako," aniya. "Okay," sabi lang ng lalaki habang sinusundan siya ng tingin. Nagmadali na siyang sumakay sa tricycle. Kasabay niya ang dalawang kasam-bahay na sina Lorna at Aleng Sandra. Labandera at tagalinis sa bahay ang trabaho ng mga ito. Noon lamang din niya nakausap nang matagal ang mga ito. Kapag nasa mansiyon kasi sila ay bibihira niya nakakausap ang mga ito. Hanggang kusina lang kasi siya at ang mga ito ay tuwing tanghalian lamang nakakapasok sa kusina. Pagdating ni Margareta sa mansiyon ay kaagad niyang inihanda ang lulutuin niya na order ni Zandro. May isang oras pa siya para maghanda. Hindi kasama sa breakfast menu na lulutuin niya ang order ni Zandro. Kinakabahan siya dahil tanghali na ay wala pa si Manang Rowena. Marami pa kasi siyang hindi alam lalo na sa mga gamit sa kusina. Kapag hindi papasok ang Ale ay mahihirapan siya at tiyak na gabing-gabi na siyang makakauwi. Bago sumapit ang alas-otso ay nakapagluto na siya ng almusal. Naihain na rin niya sa hapag-kainan ang mga niluto niya. "Tamang-tama kararating lang nila sir Zandro," ani Lowela—ang anak ni Manang Rowena na nag-aasikaso sa mga kobyertos na ginagamit. "Bakit wala pa si Manang Rowena, Lowela?" hindi natimping tanong niya. "Nako, nakalimutan kong sabihin sa iyo. May sakit kasi ang bunso kong kapatid kaya hindi makakapasok si Nanay." Bigla na lamang siyang kinabahan. Kung magkaganoon pala ay siya ang magluluto ng pagkain ng mga manggagawa at maging hapunan ng mga Del Fuego? Mayamaya ay dumating na si Zandro kasama si Renn. Nakapulupot ang mga kamay ng babae sa baywang ni Zandro. Isang daang porsiyento na magkasintahan nga ang dalawa. Hindi niya maintindihan bakit apektado pa rin siya ng katotohanang iyon. Bumalik na lamang siya sa kusina at sinimulan ang paghahanda ng mga rekado na lulutuin niya para sa tanghalian. Bihira siyang napapaluha habang naghihiwa ng sibuyas, pero sa pagkakataong iyon ay tila kusang tumutulo ang luha niya kahit hindi naman masakit ang mga mata niya. Panay ang singhot niya habang naghihiwa ng sibuyas. Hindi niya namamalayan ang pagbukas ng pinto at ang taong pumasok. "Wala ka bang kasama?" Napapitlag siya nang marinig ang tinig na iyon ng lalaki na malapit lamang sa kanya. Awtomatiko'y napatingin siya sa lalaking nakatayo sa gawing kaliwa niya. Mabilis na pinahid niya ng panyo ang pisnging binasa ng luha. Ganoon na lamang ang tulin ng t***k ng puso niya nang makita si Zandro. "Umiiyak ka?" seryosong tanong nito. "Ah, h-hindi po. Dahil po sa sibuyas na hinihiwa ko," aniya. "Akala ko ba immune na sa sibuyas ang mata ng mga cook," anito. "Hindi lang po maiwasan." "Ipagtimpla mo ako ng dark coffee, huwag masyadong matamis," pagkuwa'y utos nito. "Opo, Doc." Umalis naman kaagad ang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD