Chapter 1
Kresha's POV
"KRESSHAA!!! GIRRLL!!! IM BACK!" Isang tili ang nanggaling mula sa labas ng coffee shop ko. Mabilis naman akong lumingon kung sino ang taong tumawag sa akin noon.
"Ferlyn? Is that you?" nagtatakang tanong ko.
"My ghad, Friend! Nagpakulay lang ako ng buhok di mo na ko nakilala?" sabi niya bago pumasok ng tuluyan sa coffee shop.
"Ang ganda mo ngayon ha? Yan ba epekto ng nasaktan?" pang-aasar ko pa sa kaniya.
"Of course not! Hindi naman ako desperada katulad ng iba! Duh!" sabi niya pa at umikot ang mata.
Tumawa lang ako dahil sa reaction niya.
"Nga pala, Girl. Nabalitaan mo na ba ang nangyari kay Jane? Wag ka, Girl! Nakabingwit ng yayaminin si Bakla. Ang kaso..."
Napatingin ako sa kaaniya ng tumigil siya sa pasasalita.
"Kaso?" tanong ko sa kaniya.
"May sabit! May asawa yung matandang lalaki. So ang kinalabasan, she is a mistress," sabi niya pa. Napatigi na naman ako sa sinabi niya.
"Ewan ko ba bakit siya pumasok sa relasyong ganon. Marami talagang mga babaeng mas gusto ang lalaking may asawa kesa sa single! Hay nako!" sabi niya pa at dumiretso sa counter.
"One avocado shake, please..." sabi niya bago humarap sa akin.
"Hey, Girl! Are you okay?" tanong niya nang mapansing tumahimik ako.
"Of course!" nakangiting sabi ko pa.
"Ang hirap na nga ng buhay dumagdag pa sila sa problema ng Pilipinas!"
Hindi na ko naka-imik pa.
*****
Isang malalim na paghinga ang ginawa ko. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Bakit ba sa dami-dami ng topic iyon pa?
Busy ako kaka-isip ng tumunog ang cellphone ko. Agad naman akong napatingin kung sino ang tumawag.
"Hon?" tanong ko sa kabilang linya.
"Hon, Im sorry. Tristan is here. He want to spend my time to him," sabi niya.
"No, Hon. It's okay. No worries..." sagot ko naman sa kaniya.
"Babawi ako sayo, okay?" duugtongg niya.
"Okay, Hon. Enjoy. I love you," sabi ko pa.
"I love you..."
Hindi pala siya pupunta.
Ilang oras ang lumipas, di ko magawang makatulog kaya minabuti kong bumaba na lang at uminom ng wine. Kailangan ko rin siguro to. Ayokong magpaka-stress sa mga bagay-bagay na walang maitutulong sa buhay ko.
***
Nagising ako nang tumunog ang alarm clock. It's already six in the morning. Kaya naman bumangon na ko. Maaga pa ako dahil may meeting rin ako kay Mr. Vargas.
Matapos kong mag-ayos ng sarrili, minabuti ko nang umalis ng maaga. Gaya ng inaasahan nakarating ako ng maaga sa coffee shop. Umaga pa lang ang dami nang tao. Sinalubong naman ako ng assistant ko.
"Ma'am Faith, pinapasabi po ni Mr. Vargas na dumiretso na raw po kayo sa meeting place niyo," bati sa akin ni Jaylie.
"Okay, thank you," sabi ko at bago dumiretso sa office ko. Kinuha ko muna ang mga document na kailangan ko bago ako lumabas ng office at sumakay ng kotse.
Ilang minuto lang ay nakarating agad ako sa meting place namin. Isang restaurant. Di naman kalayuan sa Coffee Shop kaya mabilis akong nakarating. May naka-reserve na palang table sa amin.
"Thank you," sabi ko sa isang waiter na nag-assist sa akin.
Maya-maya tumawag si Vince sa akin. Agad ko namang sinagot iyon.
"Hon..." pagbati ko sa kabilang linya.
"Good morning, Hon. Where are you? Are you in Coffee Shop?" tanong niya.
"Im here at restaurant, Hon. I have an appointment with Mr. Vargas," masayang sabi ko sa kaniya
"I miss you, I want to see you. Bukas na bukas, pupunta ako sayo," sabi niya pa.
"It's okay, Hon. Enjoy your day with your son. Maybe he missed you so much. Minsan lang siya nandito sa Manila, pagbigyan mo na," sabi ko sa kaniya.
"But I really miss you, My love," sabi niya. Natawa naman ako.
"Hon, relax. Two days lang tayo di nagkita," natatawang sabi ko pa.
Maya-maya ay nakita kong dumating si Mr. Vargas.
"Hon, Mr. Vargas is already here. I call you later," sabi ko sa kaniya
"Okay, Hon. I love you."
"I love you more," sagot ko bago ko pinatay ang tawag.
Ilang oras kaming nag-usap about sa deal namin ni Mr. Vargas. Nagmadali naman akong bumalik sa coffee shop.
Pagdating ko, puno ng tao ang coffee shop ko. Agad naman akong tumulong sa kanila para makabawas sa trabaho.
Nawala sa isip ko na weekend pala kaya ang daming tao.
Ilang oras ang lumipas, hindi pa rin nawala ang mga tao. Patuloy silang dumadami.
"MARS!" busy ako sa pag-serve ng tawagin ako ni Hersenia.
"Oh, Senia! Im glad to see you here!" masayang bati ko sa kaniya.
"Well, Mars. May bago akong chika sayo. Alam mo na, masyado tayong maraming nasasagap. Ikakasal na pala si Brent?" sabi niya pa na ikinataas ng kilay ko.
Pero bago ako makapagsalita, nagsalita na siya agad.
"Oh! Alam kong kilala mo siya, oo siya nga! Yung Ex mo! Ex manliligaw mo na binusted mo dahil kay Vince–"
Agad kong tinakpan ang bunganga niya dahil baka may makarinig sa kaniya rito.
"Huwag ka ngang maingay!" sabi ko at lumingon-lingon pa sa paligid.
"Ewan ko ba sayo, sa dami ng gwapong manliligaw sayo kay Vince ka pa pumatol!" sabi niya na ikinatigil ko.
"Oo, Mars. Sabihin na nating gwapo, mayaman at ang yummy ni Vince. Pero mali pa rin na pumatol ka. May pamilya na siya–"
"Pero naghiwalay na sila ng asawa niya," depensa ko sa kaniya.
"Nag-annul na ba sila? Ilang taon na kayo hindi ba? Bakit maski sa anak niya hindi ka niya maipakilala?" tanong niya sa akin na ikinatigil ko.
"Humahanap pa siya ng tiyempo," sagot ko naman.
"Tiyempo? Mars, kung mahal ka niya. Dapat matagal na siya nakipag-hiwalay sa asawa niya. At pinakasalan ka na niya. Pero ano? Iisa lang ang inuuwian niya, ang asawa niya–"
"That's enough," walang emosyong sabi ko sa kaniya.
"Sorry, Mars. Im just concerned about you," sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
She's right. Bakit ganito? Ang tagal na niyang bumebwelo sa anak niya. Bakit di niya pa masabi dito?
Natahimik ako buong maghapon kaka-isip sa bagay na iyon. Tatanungin ko ulit mamaya si Vince.