KRESHA’S POV
Nagmamadali akong umuwi sa condo. Hindi! Hindi ako pwedeng maunahan ni Alison. Nagpabalik-balik ako sa may harap ng sfa habang iniisip kung paano ko makakausap ng maayos si Kyle nang hindi ako sinisiraan si Alison.
Sa ngayon kailangan kong pagkatiwalaan si Vince. Ang sabi niya ay susubukan niyang harangin ang sinumang magsasabi kay Kyle ng tungkol sa amin. Wala rin naman akong magagawa dahil tama siya. Kasama niya si Kyle sa bahay nila. Kaya malalaman niya ang bawat kilos nito.
Maya-maya lang nang biglang may kumatok mula sa pinto. Kaya aagd akong sumilip at buksan nang makita ko si Senia ang tao.
“Mars? Ayos ka lang?” tanong ni8ya sa akin. Pinapasok ko naman siya kahit na kinakabahan ako.
“Kinakabahan ako, Mars,” hindi ko mapigilan ang pagsasabi ko dahil sobra akong kinakabahan ngayon.
“Ano ba ang nangyari?” tanong niya pa kaya naman tumingin ako sa kaniya ng seryoso bago huminga ng malalim.
“Nakita nila kami,” sabi ko pa. Nakita ko naman na nagtaka siyang tumingin sa akin kaya naman muli akong huminga ng malalim.
“Paano? Anong ibig mong sabihin?” nagtatakang tanong niya sa akin habang hinihintay ang isasagot.
Kinakabahan akong tumingin sa akniya dahil alam kong magagalit siya kapag nalaman niya pumayag ako sa gusto ni Vince.
“Nakita nila na naghahalikan kami ni Vince,” sabi ko na ikinagulat niya.
“Huh? Paano? Naghalikan kayo ni Vince? Bakit?” tanong niya sa akin habang gulong-gulo sa sinabi ko. Huminga muli ako nang malalim.
Unti-unti kong kinwento ang lahat ng nangyari kanina sa amin ni Vince sa park. Hindi pa ako tapos magkwento nakita ko na ang unti-unting pagbabago ng expression ng mukha niya.
“So, nagpauto ka na naman sa kaniya? Hindi mo ba napapansin na ginagamit ka na lang niya para siraan ka kay Kyle!” sabi ni Senia at halata sa boses niya ang pagkainis sa akin.
“Mars, sorry. Inisip ko rin kasi na sapat na iyon para makapagpaalam kami sa isa’t-isa at tuluyan nang putulin ang relasyon na meron kami noon,” sabi ko pa sa akiya.
“Pero hindi lang relasyon niyo ang magpapaalam kundi pati reloasyon mo kay Kyle dahil mukhang nakahanap ng tyempo si Alison na masira ka kay Kyle,” sabi niya pa.
“Ang sabi ni Vince ay susubukan niyang pigilan sila Alison na makausap si Kyle. Sa ngayon kailangan ko siyang pagkatiwalaan,” sabi ko pa.
“Seriously? Magtitiwala ka pa rin sa lalaking yun after all of his shits?” tanog niya pa sa akin.
“Mars, wala akong magagawa ngayon kundi ang maghintay na magkausap kami ni Kyle,” sabi ko sa kaniya.
“So, ano pa ang hinihintay mo? Bakit hindi mo pa siya tawagan at hinihintay mong si Vince pa ang gumawa ng way na magkausap kayo ng anak niya?” tanong niya habang nakataas ang kilay niya.
“Kanina ko pa sinusubukang tawagan siya pero out of coverage area ang phone niya,” sabi ko pa.
“Bakit hindi mo na lang siya puntahan sa bahay nila?” tanong niya ulit sa akin na tila naghahanap ng way para ako na ang gumawa ng paraan para makausap si Kyle.
“Andon ang Mommy niya. Sa tingin mo palalampasin niya ang lahat kapag nalaman niyang ex ko ang mag-ama niya?” tanong ko naman sa kaniya.
Natahimik siya. Hindi madaling makapunta sa bahay nila dahil baka si Hanny Reyes ang makasagot ng tawag ng guard at malaman pa niya ang pakay ko.
“Ang sakit naman sa ulo ng Alison na iyan. Kung alam ko lang edi sana pinakulam ko na siya!” galit na sabi ni Senia.
“Natatakot ako sa maaring mangyari kung malalaman mismo ni Kyle galing kay Alison,” sabi ko pa at huminga ng malalim.
“Mars, kalma. Kailngan mong makausap si Kyle sa lalong madaling panahon bago ka maunahan ni Alison,” sabi niya pa kaya tumango naman ako.
***
Nagising ako nang makatanggap ako ng tawag galing kay Vince kaya agad ko iyong sinagot.
“Good morning, where are you?” tanong niya sa akin kaya naman sumagot ako ako na nasa condo ako.
“Maagang umalis si Kyle. Hindi ko alam kung saan siya papunta,” sabi niya kaya naman naalarma ako sa sinabi niya.
“But don’t worry. Pinasundan ko siya sa isa sa mga tauhan ko,” sabi niya pa.
Agad akong tumayo at nagbihis.
“He is on the meeting right now,” sabi niya at may binanggit pa siyang restaurant kaya agad akong nag-ayos bago ibinaba ang tawag. Kailangan ko siyang makausap bago siya makausap ni Alison.
Ilang oras akong nag-drive papunta doon. Nakarating ako sa restaurant pero hindi ko siya nakita. Nilibot ko ang buong restaurant pero wala siya. Unti-unti na akong kinkabahan.
Maya-maya tumawag si Vince sa akin. Agad ko naman iyong sinagot.
“Kasama ko siya. Pumunta ka ngayon dito,” sabi niya at agad naman akong lumabas ng restaurant bago ako pumunta doon. Malapit lang naman kaya hindi nagtagal ay nakarating rin ako doon.
Sa garden ng restaurant ay nakita ko si Vince. Nag-iisa siya kaya dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Tumayo naman siya ng makita ako at ngumiti.
“Asan siya?” tanong ko nakita ko namang ngumiti lang siya kaya nagtaka ako.
“Niloloko mo ba ako, Vince?” tanong ko sa kaniya at tinignan siya ng masama dahil feeling ko pinaglalaruan niya lang ako.
“No, nasa loob siyya ng banyo. Babalik na rin siya maya-maya. Kaya hintayin mo na lang na matapos kami,” sabi niya at ngumiti pa. Nawala ang kaba ko dahil sa sinabi niya. Akala ko ay niloloko lang niya akong kasama niya si Kyle.
“Why are you here?” tanong ng isang lalaki na ikinatigil ko.
Dahan-dahan siyang lumapit habang seryoso ang mga tingin sa mata ko. Kapwa kami ni Vince nagulat nang bigla siyang sumulpot.
“Kyle…”
Bumilis ang t***k ng puso ko. Seryoso ang bawat tingin niya sa akin a tila ba galit. Hindi ko alam pero mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko sa kinikilos niya.
“Why are you here? What are you doing here?” tanong niya sa akin kaya naman nagbalik ako sa reyalidad na mas nagbigay ng tripleng kaba sa dibdib ko.
“G-gusto sana kitang maka-usap, Kyle,” sabi ko sa akniya habang nautal na simabit iyon.
Bakit ganito ang pakikitungo niya sa akin? Tama ba ang kutob ko na alam niya na ang tungkol sa amin ni Vince?
Kinakabahan ako habang natagal ang oras na kapwa kaming tahimik. Feeling ko ay anytime may magagalit sa amin. Hindi ko alam. Para bang bigla akong nanghina sa naisip ko.
“For what?” malamig na tanong niya sa akin kaya naman mas lalo akong nanghina dahil parang bumalik yung unang araw na nakita ko si Kyle. Parang hindi niya ako kilala ngayon na tila wala kaming pinagsamahan.
“Tungkol sa akin, Kyle. Sa totoong ako,” sabi ko at nilakasan ang loob na salubungin ang mga tingin niya.
“What about you?” seryoso pa ring tanong niya.
Kinakabahan akong tumingin pero nilakasan ko ang loob ko para makausap ko siya ng matino. Hindi na ako pwedeng umatras pa. Kailangan ko nang aminin ang lahat sa kaniya. Tapos na ang oras ko para humugot ng lakas masabi lang ang lahat sa kaniya.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
“Tungkol sa nangyari sa akin,” sambit ko pa. Pero natigilan ako sa sinabi niya.
“Tungkol sa inyo ni Dad?”