KRESHA’S POV
Pasimple akong lumabas ng kotse ni Kyle. Mahirap na dahil baka may makakita sa amin lalo na kung si Vince. Kumaway pa ako sa kaniya bago ako pumasok sa loob ng condo.
Kakauwi lang niya kaya naman naisipan niyang mag-date kami. Sa malayong lugar kami namasyal kaya safe kami doon na walang makakakita sa amin.
Ilang minuto lang ay nakarating rin ako sa floor unit ko. Nang makarating ako sa harap ng pinto ay agad ko naman iyong binuksan. Pero hindi ko inaasahan na bubungad sa akin si Vince sa sala.
Nakaupo siya habang seryosong nakatingin sa akin. Hindi ko alam na andito na pala siya.
“Where had you been?” tanong niya pa at tumayo para lapitan ako. Kinakabahan ako dahil ang seryoso niya.
Ano bang nangyari? Bakit ang seryoso niya masyado? May hindi ba magandang nangyari? Unti-unting lumakas ang kabog ng dibdib ko.
Malakas ang kutob ko na may hindi magandang nangyari.
“Sa Cafe,” kinakabahang sagot ko sa kaniya. Nakita ko naman na hindi nagbago ang expression niyaa at nanatili pa ring seryoso. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.
“K-kanina ka pa ba?” tanong ko para mawala ang kaba ay pumasok na ako at ibinaba ang gamit ko. Hindi ako tumingin sa kaniya dahil feeling ko ay sasabog kami parehas.
“Yes, two hours ago,” sabi niya pa na ikinagulat ko. Hindi ko maintindihan kung tama ba ang kutob ko o nagkataon lang.
“Bakit? Naghintay ka ng two hours?” nagtatakang tanong ko.
Nagulat ako nang biglaan siyang lumapit sa akin kaya naman natigilan ako seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Kaya naman hindi ko talaga maintindihan kung ano ang nasa isip niya.
“How’s your day?” tanong niya pa kayaa naman huminga ako ng maluwag.
“Im good, Hon. Are you okay?” tanong ko sa kaniya ako naman ang nagtanong sa kaniya.
“Yeah,” sabi niya bago umupo. Ang weird lang dahil hindi ako sanay na ganito siya kumilos. Kaya sobra akong naninibago. May problema ba siya na dapat kong malaman?
“So why you did’nt told me that my wife visited you last day?” tanong niya habang nakaharap sa t.v. Agad naman akong nagulat. So alam na niya ang tungkol doon?
“Paano mo nalaman?” tanong ko sa kaniya. Nakakagulat lang na nalamang niya ang tungkol sa bagay na yon.
“So is it true?” tanong niya habang seryoso pa ring nakatingin sa akin. Hindi ako sumagot. Ang totoo ayokong mag-away sila kaya naman hindi ko na sinabi pa ang tungkol doon.
“Bakit hindi mo sa akin sinabi kaagad?” tanong niya niya muli.
“Dahil ayokong lumaki pa ang gulo. Ayokong mag-away kayo ng asawa mo dahil lang sa akin,” sabi ko na ikinagulat rin niya. Maski ako nagulat hindi ba dapat mas gustuhin kong magalit siya para ma-solo ko na si Vince? Pero bakit parang mas gustong magka-ayos sila ng asawa niya?
“What? Bakit mo to ginagawa?” tanong na naman niya kaya nagsimula ang kaba sa dibdib ko.
“Vince, hindi ba mali talaga na magsama tayo? Ilang taon na tayong ganito. Pero hanggang ngayon sa kanila ka pa rin nauwi. At alam kong umaasa ka rin namagkaka-ayos pa kayong dalawa,” sabi ko sa kaniya. Nakita naman na nagtaka siya sa sinabi ko.
“Bakit mo sinasabi ang bagay na iyan? There’s have a problem?” tanong niya sa akin.
“Meron. Hindi mo alam kung paano ako laitin ng iba lalo na nang asawa mo. Alam mo ba ang trauma na inaabot ko sa tuwing may titingin sa akin? Na baka husgahan rin nila ako gaya ng ginagawa nila,” sabi klo sa kaniya bago ako pumunta sa harap niya at umupo.
“Vince, ang laki ng kasalanan ko sa pamilya mo. Imbes na tulungan kitang maayos iyon ako pa ang nagsira sa pamilya mo. Maling-mali ang lahat ng nangyari,” sabi ko pa at umiling-iling.
Nagulat naman ako nang pumunta siya sa harap ko at hinawakan ang kamay ko.
“Mahal kita, Faith,” seryosong sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.
Agad ko naman binawi ang kamay ko sa kaniya bago tumayo.
“Sawang-sawa na ako sa ganito. Napapagod na ako magtago. Hindi ko pinangrap ang maging pangalawa o ang maging kabit, Vince. Kahit sa panaginip hindi ko naisip na mangabait,” sabi ko sa kaniya.
Tumayo naman siya at tumingin sa akin.
“So, what do you want?” tanong niya habang seryosong nakatingin sa akin.
Hindi ko siya magawang tignan sa mata niya dahil alam kong makokonsesya ako. Pero ayoko na ring may niloloko kaming tao. Pati ang sarili ko niloloko ko na siya pa rin ang mahal ko. Kahit na alam ko sa sarili ko na si Kyle na ang laman ng puso ko.
“Tell me, what do you want?” tanong nia pa. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
“How about you? Ano ba talaga ang naangyari at hanggang ngayon hindi mo pa rin ako magawang pakasalan?” tanong ko naman sa kaniya. Nanatili siyang nakatingin ng seryoso sa akin.
“Bakit hanggang ngayon ay sa asawa mo pa rin ikaw umuuwi? Uuwi ka lang sa akin kapag libre o naisipan mo. Bakit hanggang ngayon hindi mo ako kayang panindigan?” tanong ko at kulang na lang ay lumuha ako sa harap niya.
“I told you the reason. Naghahanap pa ako ng tiyempo. Ayokong masaktan ang anak ko-”
“Yung anak mo nga ba talaga? O si Hanny?” tanong ko sa kaniya na ikinagulat niya.
“What do you mean?” nagtatakang tanong niya muli. Huminga ako ng malalim bago ngumiti ng mapait.
“You still love your wife and I know that. Huwag na tayong maglokohan pa, Vince. Dahil alam hanggang ngayon ay nasa iisang kwarto pa rin kayo at nagtatalik pa rin kayo. Nagkaka-ayos na kayo ulit ng asawa mo,” sabi ko sa kaniya.
Nakita ko na namang nagulat siya. Hindi niya pwedeng ideny sa akin iyon dahil si Kyle na mismo ang nagsabi.
“Am I right?” mapait akong ngumiti sa kaniya.
“Faith, ano bang sinasabi mo? I love you, kung gusto mong patunayan ko sayo. Ako mismo ang aalis sa bahay at sasabihin ko sa kaniya ngayon ang lahat,” seryosong sabi niya dahilan para matigilan ako.
“Aaminin ko sa kanila ang tungkol sa atin. Dadalhin kita mismo sa bahay para sabihin sa kanila,” sabi niya pa.
“No need, Vince. Ayoko na ng ganito. Hindi ko deserve ang maghintay na lang sa wala,” sabi ko sa kaniya.
Lumapit naman siya sa akin.
“So ano ba ang gusto mo?” tanong niya muli sa akin. Seryoso na akong tumingin sa kaniya.
“Tigilan na natin ito, Vince. Maghiwalay na tayo,” sabi ko sa kaniya.
Hindi ko kayang sabihin ng diretso ang tungkol kay Kyle. Kaya sinabi ko na lang ang iba pang dahilan para maghiwalay kami.
Nagulat ako ng lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
“No, hindi ako papayag. You’re mine, Faith,” sabi ni Vince na ikinagulat ko.
“Vince itigil na natin ito. Marami na ang nasasaktan dahil sa atin,’ sabi ko sa kaniya.
Niyakap niya ako ng mahigpit. Naawa man ako pero hindi pwede. Kailangan kong makipaghiwalay sa kaniya bago malaman ni Kyle ang lahat. Bago niya malaman ang tungkol sa amin ni Vince.
“I’m sorry,” sabi ko at malungkot na bumitaw sa kaniya. Nakita ko namang naluha siya kaya bigla akong nanlambot. Inilihis ko na lang ang paningin ko para lang hindi ko siya makitang naiyak dahil sa akin.
“Please,Faith,” sabi niya at niyakap ako patalikod.
Kailngan kong mamili. At ngayon buo na ang desisyon ko. Si Kyle ang pipiliin ko. Masasaktan ko si Vince pero mas mabuti na iyon kaysa naman na tuluyan ko siyang masaktan dahil sa mga kasinungalingan ko.
Matapos iyon ay pumasok na ako sa kwarto at ini-lock iyon. Napaiyak na lang ako sa unan na kayakap ko. Alam ko namang darating rin itong araw na ito. Na may masasaktan. Kaya sobra akong nalulungkot dahil mabait na tao si Vince.
Pero kailangan kong mamili sa kanila. Hindi ko pwedeng itago na lang ito habang buhay dahil malalaman at malalaman rin naman nila ang lahat. Kaya hangga’t maaga ay dapat sabihin ko na sa kaniya ang lahat.
Narinig ko ang pagbuka ng pinto kaunod noon ang pagsara nito Kaya mas lalong bumuhos ang luha ko. Bigla namang tumunog ang cellphone ko. Nakita kong si natawag si Kyle pero hindi ko iyon sinagot. Hinayaan ko lang na tumunog lang siya nag tumunog. Maya-maya ay bigla rin iyong nawala at kusa na lang na namatay ang cellphone ko.
Akala ko ay tapos na pero muli itong tumunog nang tumungo. Gaya kanina ay hinayaan ko lang na tumunog iyon at hindi sinagot. Wala ako sa mood makipag-usap sa mga tao ngayon.
Ang gusto ko lang ay ang mag-isa nang makapag-isip ako ng maayos. Nasaktan ko si Vince. Pero nasaktan rin ako nang malaman ko ang totoo galing kay Kyle kanina. Nagkwento siya sa akin na masaya siya dahil parang nagkaka-ayos na ang mga magulang niya.
Kaya naman nasaktan ako dahil ang tagal kong umaasa na makikipaghiwalay na siya kay Hanny pero hindi. Ramdam ko rin sa kaniya na mahal niya pa ang asawa nibilis akong nagdesisyon. Isa na iyong sign para tuluyan na akong magdesisyon kung sino nga ba ang dapat kong piliin.
Ngayong nakapili na kao hindi ko na kailangan pang magtago. Pwede ko nang gawin ang mga gusto ko nang wala akong nasasaktan o naapakang tao.