Chapter 3-Unexpected Call

1600 Words
"Sasha! Honey may bisita ka!" iyon ang gumising saakin nang sumunod na araw. Bigla akong nagulat sa sinabi ni papa. May bisita ako? First time in ten years na may bumisita saakin. Now I have no idea kung sino ang mag-aabalang bisitahin si Sasha Ebony since wala namang regular na bumibisita saakin sa nakalipas na sampong taon. "Sasha! Bumangon ka na diyan o gusto mong paulanan kita ng mga gagamba para magising?" Boses 'yon ni mama na halatang may ginagawa sa kusina. Ayaw ko pa sanang bumangon pero narinig ko ang banta nito. Hindi ito marunong magbiro pagdating sa mga gagamba. Gagambaaaaaa!? Napabalikwas ako. Tila kinuryente ang mga kalamnan ko at nagising bigla ang diwa ko dahil sa gagamba. Mabilis kong tinupi ang pinaghigaan ko kahit na may mga naglalarong hamog pa sa paningin ko. Napahikab ako nang matapos akong magligpit saka unti-unting tinungo ang pintuan palabas ng kwarto. "Honey bangon na," masuyong tawag ni papa. Narinig ko ang paghakbang nito mula sa sala patungong kusina. Sobrang aga nilang magising. Ni wala pa ang haring tala sa silangan. Bakit kaya pag tumatanda ang tao paaga ng paaga ang gising? Nanawa na kakatulog? "Ate! Uulan na ng spiders diyan in three... two-" "Palabas na ko!" malakas kong sigaw para putulin ang pagbibilang ni Gester. Baka gumuho ang buong bahay kapag tumili ako at nagulat sa pagpapaulan ng gagamba ni mama. Inilang hakbang ko ang distansya ng kwarto ko na patungo sa sala. Hindi ko na halos makita ang daraanan dahil sa hindi magkasundong mga hibla ng itim kong buhok. Naabutan kong nagpapakitang gilas si Gester sa nakatalikod na bisita. Pinapalipad nito ang laruang bola gamit ang kanyang hintuturo na magsilbing magic wand. The kid is a lot l-lak(like) mom. He is a wizard with an incredible talent in memorizing and chanting spells. Bagay na hirap na hirap akong gawin. Pumalakpak ang lalaking bisita pagkatapos ng pagpapasikat ng nakababata kong kapatid. Hinawi pa nito ang mahaba at makintab na puting buhok saka kinurap-kurap ang mga matang kakulay ng karagatan. Napakaagang pagpapaalala na ako ay naiiba. "Sasha is there kuya Peorion!" tumigil ako sa paghakbang nang ituro ako ni Gester. Si P-Peor P' ang bisita? Hindi ko alam kung tatakbo ako pabalik sa kwarto para mag-ayos o magkukunwaring hindi ko sila nakita at lalagpasan na lang papuntang kusina. Sa dinami-dami ng panahong makikita ako ng crush ko? Bakit ngayon pang nasa state of calamity ang itsura ko? Huli na nang makapagdesisyon ang utak ko kung anong gagawin dahil nakalingon na ang napakagwapong mukha ng prinsipe. Nabato ako, naramdaman ko ang pag-init ng aking mga pisngi kasabay ng pagtuyot ng aking lalamunan. Ang lakas ng dating ni P', parang isang bagyong kayang tangayin lahat ng katinuan ko sa katawan. Vhat guy! "Ate, you look ugly!" putol ni Gester sa slow-mo moment namin ni Peorion. Humagikgik ang demonyo kong kapatid sabay takbo sa kusina. Napahawak ako sa magulo kong buhok at pasimpleng inayos 'yon na kunwari'y hindi ko inasahang maaabutan ko siya sa sala. "H-hello, g-gu-gudmorning Po-porio- P- mahal na prinsipe!" nabubulol kong bati sa nakatayong matangkad, gwapo, sexy, at hot na childhood crush ko kahit na nakaroba lang ito ng mamahalin at may damit pantulog sa loob nito. Lihim kong pinagalitan ang lapastangan kong dila. Trawdor (traydor) kang dila ka! Umayos ka huwag mo akong ipahamak! Nakataas ang isang kilay ng lalaki at halos malukot ang noong nakatingin saakin. Not a good sign. Sabi sa librong nabasa ko na regalo ni Moondane noong ika-labing apat kong kaarawan, the facial expression of a guy when he meets a girl for the first time (for the first time in ten years) would determine his impression towards her. If he smiles sheepishly, it's a good sign but if his brows meet on a wrinkled forehead, you are doomed. Yes I am doomed! Sino ba naman kasing may sabing maganda sa mata ng isang lalaki ang isang babaeng parang dinaanan ng bagyo ang buhok at hindi pa nakapagtanggal ng muta sa mata? May bakas pa yata ng tumulong laway sa bibig ko patungo sa kung saang bahagi ng pisngi ko. May design ang mukha ko nang makita ako ni P' at wala man lang ako sa kalingkingan sa ganda ni Shen na parang isang prinsesa! Nasaan ang hustisya mga tala? Na kay Shen? "Sasha!" isang matinis at maarteng boses na galing sa kusina ang pumutol sa awkward moment namin ni P-Porion. Hindi ko alam kung magpapasalamat ako o maiirita dahil nasa loob din pala ng bahay ang babaeng pinagpala -si Shen Jasie Runes na nakasuot ng magarang bestidang kulay rosas na bumagay sa malaporselana niyang kutis. Ang ganda niya, hindi ko 'yon maitanggi. Gandang nakakainis. "Shen!" nagulat kong sabi. Kumurapkurap ang mga diyamante nitong mata na parang ibinalik ang mga alaala namin noong mga bata pa kami. Mga araw na naglalaro kami sa likod ng kastilyo kasama sina Blaire, P' at S'. Hindi naman lahat ng araw bad days para saamin ni Shen. May mga araw din kasing magkasundo kami at may mga araw na naiinis ako sa kanya dahil sa sobrang perfect niya: maganda, matalino, pulido magsalita at nasasabi niya ang nasa loob niya kahit sino pa ang kaharap niya. Prangka siya sa puntong lahat ng nararamdaman niya ay nasasabi niya. Lagi ako nitong binubuyo noon kay P' pero sa kanya naman lagi nakatuon ang atensyon ni Porion dahilan kaya minsan naiinis ako. "Oh my gosh Sasha! Ang ganda-ganda mo na! It's been ten years. I miss you so much!" Tumakbo ito palapit saakin at mabilis akong nayakap ng mahigpit. Sakto namang namataan ko sina mama at papa na tila natutuwa sa muli naming pagkikita. Niyakap ko pabalik si Shen saka hinagod ang likuran nito. Ang bango niya. Nagtataka ako kung natulog ba ito sa paghahanda sa kasuotan niya o ganito na ang itsura niyang natulog. Sana naman magshew (magshare) ng konting hustisya si Shen nang mapansin ako ni P' na ngayo'y nakatanaw lang sa may pintuan at mukhang may iniisip. "Ang ganda ni ate Shen. She looks like a princess, but ate looks like a monster!" Singit ng madaldal na si Gester na nakatago sa likod ni mama. "Gester boy!" awat ni papa sa kapatid ko. Sabay huli sa patakbong demonyong bata. Nang kargahin niya ito'y saka ito nagsalita. "Ate is beautiful like your ate Shen. They are both beautiful. Y-your mom is the monster!" Nagulat si mama sa biro ni papa. Pinanlakihan niya ito ng mata saka kinurot sa tagiliran habang nakatawa. Papa's joke made me feel safe. Natatawang nanood sa kanila si Shen habang ako'y napapakamot na lang sa ulo patungong banyo para maghilamos. Nagmamadali akong mag-ayos habang naririnig ko ang tawanan nina mama at papa na sinasabayan ng hagikgik ni Gester. Ang pamilya kong masayahin, isang bagay na matatawag kong magandang bahagi ng buhay ko. Pagbalik ko'y naabutan kong magkatabi sina Shen at P' sa sofa na parang hinihintay ako. May nakalatag nang masarap na salad at mushroom soup sa harap nila na marahil ay hinanda kanina ni mama. Kasalukuyang ngumunguya si Shen sa masarap na sandwich habang may hawak lang na baso ng pinigang dalandan si Porion. Parehas silang nakatingin saakin nang paupo na ako sa pang-isahang sofa na nasa harap nila. "Okay," panimula ni Shen na tiyak ay aandar na naman ang kadaldalan. "So the queen is calling us. I just talked to her yesterday and I think she misses the five of us. I mean, now the four of us since Blaire is not yet here. Gusto niya tayong makasalo sa tanghalian. Just the four of us. Kaya it would be a super reunion!" Sa wakas ay natapos din si Shen. Makakahinga na siya sa wakas. Lagi kong tinatanong kong papaano niya nagagawang magsalita ng maarte at diretso ng hindi humihinga? Siguro ay talent niya 'yon. "So mamayang tanghali na ako pupunta sa kastilyo?" tanong ko habang pasimpleng sinusulyapan si P'. Bumuntong hininga si P. Ibinaba nito ang basong may lamang juice saka nagsalita. "Mom wants to see you Sasha. Nawala ka bigla kahapon kaya pinapasundo ka niya." Ngayon ko lang natitigan ng malapitan ang golden brown na mata ni P'. Kaya pala sobrang ganda ng mata niya dahil sa kulay nito at sa maitim na pilikmatang nakapalibot dito. Na kay P' din ba ang hustisya kaya sobrang gwapo nito? "Tita Lara wants to see m-me?" "Hayan ka na naman sa paulit-ulit mong style Sasha. Yes! Ninang Lara wants to see you. Saka sabi niya madami siyang gustong sabihin sa'yo bukod sa madami pa siyang pasalubong. Ako nga binigyan niya ng magagandang ribbons, saka colorful na scarf tapos may mga binigay p-" "Shen, shortcut na lang pwede? Maaksaya ka sa words eh," putol ko sa nobela ni Shen. "We are going now. Kaya magbihis ka na Sasha." P' said nonchallant. Parang kanina pa ito naiinip. "Sasha anak, magbihis ka na at baka naghihintay na ang tita Lara mo." Magiliw na sabi saakin ni mama. Sa tono ng pananalita at ikinikilos ni mama ay tila inasahan na niya ang pagkikita namin ni tita Lara. Parang alam na nito kung anong sasabihin saakin. May kalungkutan sa mata ni mama na nasa pintuan ng kusina. Nakatitig at tila itinatanim sa isip ang bawat detalye ng mukha ko. Bakit pakiramdam ko'y mawawala na ako sa buhay niya? Bakit parang nagpapaalam na siya saakin? May hindi ba sila sinasabi saakin? Bakit parang pati sina Shen at P' ay alam kung anong totoong dahilan ng pagpapatawag saakin ni tita Lara? Napakaraming tanong na ni isa'y wala akong makapang sagot. Siguro'y kailangan ko ngang puntahan si tita Lara para malaman kung ano ba talaga ang nangyayari. ###
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD