Chapter 2-Ice Family

1747 Words
SASHA Pinkie swear!? Pinkie swear!? Kalokohan kang P ka, may pa-pinkie swear, pinkie swear ka pang nalalaman makakalimot ka din naman! Umalis lang ako may bago na siyang bestfriend? Wow! Vhat Porion is really something. Gwapo na nga siya, matipuno na ang katawan na parang isang magiting na mandirigma, pinagkakaguluhan ng mga kababaihan. Ang dami kong kaagaw sa atensyon niya. Tama 'yong sinabi ni mama, madalas pag gwapo kung hindi ka sasaktan paaasahin ka. Vhat guy is one of them. Nagpipigil ako ngayon habang naglalakad pauwi sa bahay. Walang laman ang kalye dahil halos lahat ng mga tao ay nasa palasyo. Ayokong marinig ang tawa ng Shen na 'yon. Parang natutuwang uwak dahil bigla na lang pumuti. Lagi na lang siyang bida simula pa noong bata kami. Lagi niya akong inaagawan ng laruan. Pati ng kalaro. Buti pa noong nandito pa si Blaire, siya ang lagi kong kakampi. Siya ang lagi kong nakakausap at lagi kong kakuntsaba tuwing naiinis ako kay Shen. Sana nandito parin si Blaire para may tagaawat sa kaingayan ng Shen Jasie Runes na 'yon. Nasaan na kaya ngayon si Blaire? Hindi pa ba siya nahahanap ni tito L-Laurent? Ang tagal na simula noong nawala na lang bigla si Blaire. Naalala ko nang mawala siya doon na rin nagdesisyon sina mama at papa na bumalik sa Westeros dahil sa di ko malamang dahilan. My parents never discussed about it eversince Blaire disappeared. Hindi ko na nakita sina Blaire at Po-por... P simula noon. Pero bakit kami bumalik sa sentro? Hindi kaya nahanap na siya ni tito L-Laurent kaya bumalik na kami dito? Oh baka naman papasok na ako sa Cairos Academy kaya kami bumalik? Sana mahanap na nila si Blaire. Namimiss ko na siya. Kung nandito lang siya hindi ako laging nag-iisa at hindi na ako maghahanap ng t-tawo para makalaro. Boto kaya saakin si Blaire na maging bestfriend ng kapatid niyang si P. Jay nakuh si P'. Bumabalik talaga ang gigil ko kapag naaalala ko si P habang nakahawak sa kanya si Shen at tumatawa. Nakakaramdam pa naman ako ng parang bulkan sa sikmura ko pag nagagalit ako. Tapos bigla na lang lumilindol pag hinahayaan kong tumindi ang galit ko. Bakit kaya ganon? Dapat ko na bang sabihin kina mama at papa ang nangyayari sa loob ng katawan ko? Baka kasi monster ako! Hindi ko kayang kumain ng tawo. Ayoko sa maalat na tawo! Baka hin- "Tabi!" isang malakas na boses ang narinig ko sa harapan kasabay ng kumakaripas na takbo ng isang kabayo. Nagulat ako nang iangat ko ang aking tingin ay isang puting kabayong lulan ang isang lalaking may magulong buhok ang babangga saakin. "Tabi!" Malakas uling sigaw nito. Hindi ako sanay na tumatabi pag may babangga saakin kaya hindi ako kaagad nakakilos. Either binabasag ko ang bumabangga saakin o kusang umiiwas. Napatitig lang ako sa pabanggang katawan ng kabayo at sa gulat na gulat na mata ng gwapong lalaking may magulong buhok. Nagtama ang aming paningin at tila nawala ito sa konsentrasyon kaya hindi na niya nagawang iiwas ang sinasakyang kabayo. Lihim akong nagpaumanhin sa lalaking may magulong buhok nang itaas ko ang kanang bisig ko paharap para sanggain ang mukha ng kabayo. Hindi nga ako sanay na umiilag. Nahawakan ko ang bunganga ng kabayo, tumilamsik ang malagkit na laway nito sa mukha ko nang pisilin ko ang mukha nito at iwinasiwas patagilid para hindi ako nito magalusan. Kasama ang lalaki sa pagtilapon ng kabayo -gulat at hindi makapaniwala sa ginawa ko. Natumba ang kabayo sa daan na tila wala namang tinamo kundi konting pilay lang sa kanyang unahang paa. Kung hindi ito nanlaban kaninang hinawakan ko siya, tiyak wala siyang tatamuin kundi konting galos lang dahil kaya ko siyang ihawi ng hindi nasasaktan. Ganoon kalakas ang katawan ko. Isang bagay na ayaw na ayaw ng mama ko dahil hindi daw angkop ang ikinikilos ko para maging isang Musa De C-Cawros. Sabagay hindi bagay sa isang halimaw ang patungan ng korona sa ulo. Halimaw nga siguro ako kasi sobrang lakas ng mga binti at braso ko simula pa noong bata ako. "That was fast lady!" narinig kong sabi ng lalaking magulo parin ang buhok. Nakayuko ako pero napagtanto kong lumapit ito saakin dahil nakita ko ang puting combat boots niya sa harapan ko. Ang kintab. "Why the hell did you do that?" Tanong nito. Nag-angat ako ng tingin. Sa dibdib niya umabot ang mga mata ko. Hindi ko inakalang matangkad din pala ito kagaya ni P. Nang magsalubong muli ang aming mga mata'y kumunot ang makakapal na kilay nito saka ipinilig ang ulo na tila kinikilala kung sino ako. His eyes deeply was scrutinizing my face and I didn't care if I have dots ony face because he's not Porion. Umangat ang isang dulo ng labi nito saka nagsalita. "Sasha?" "Huh? S-sino ka?" naguguluhan kong tanong. Wala akong kakilalang gwapong lalaking hindi marunong magsuklay. Ang weird ng lalaking 'to. Matapos akong muntik banggain kung maka-Sasha akala mo close kami? "Hindi mo ko naaalala?" Pag-uulit niya kung kilala ko siya. Naituro pa nito ang sarili sabay hawi sa buhok niyang magulo na halos didikit na sa kanyang balikat. "Sabing sino ka? Bulol ako pero hindi ulyanin." napaatras ako ng isang hakbang. Medyo nakakatakot ang asul na mata ng lalaki. Tingin ko'y taga Westeros ito pero imposibleng hindi ko siya kilala sa mukha dahil halos lahat ng mga tao doon ay kilala ako. Hindi dahil may spesyal saakin kundi ako lang ang western child na may itim na buhok. "Sasha! Heto!" Iniangat nito ang nakatabing ma buhok sa noo saka itinuro ang isang hugis nyebeng peklat sa kaliwang bahagi nito. Muling kumunot ang noo niya saka ngumisi na parang naaaliw sa pagtingala ko sa langit upang hagilapin ang sagot kung sino siya at saang lupalop siya galing. Madami na akong nasapak na masamang lalaki sa Cairos pati masamang halimaw sa Garon forest. Pero sino sa kanila itong lalaking ito? Hindi kaya isa siyang halimaw na nagkatawang trivialis? Pero ang gwapo namang halimaw nito, hindi nga lang marunong magpatakbo ng kabayo. Memory, please help me! "Sky!" isang baritonong boses ang pumutol sa pag-iisip ko. Mula iyon sa likuran ng lalaking binagyo ang buhok. Nakikilala ko ang boses na 'yon kaya kaagad akong sumilip mula sa nakaharang na katawan ng wirdong lalaki. Teka, tinawag niyang Sk-Skaaaaw ang kaharap ko? "S-Skaw?" nanlaki ang mga mata ko nang binalikan ko ng tingin si Skaaaw o si 'S' para mas madaling bigkasin. Nakakunot ang noo nito na nakangiti saakin habang umiiling-iling. Nang balikan ko ang lalaking tumawag sa kanya kanina ay nakita kong lulan ng puting kabayo ang hari ng yelo na pinaglihi sa sama ng loob (vhat's according to my mom which my dad seconded), si uncle chief na katabi ng isa pang kabayo kung saan naman nakasakay si aunt Ophelia na walang kupas ang ganda. "Uncle chief! Aunt Ophelia!" Nagagalak kong tawag ko sabay kaway sa mag-asawa. Kaagad bumaba si chief mula sa kabayo nito at inalalayan si Ophelia pagbaba. Nakangiti si aunt Ophelia saakin nang papalapit na samantalang napapailing si uncle chief habang pinapasadahan ang nakahigang kabayo sa daan. Sinalubong ako ng yakap at halik sa noo ni aunt Ophelia at ginulo naman ni chief ang buhok ko na medyo mas maayos sa buhok ni S. "Sasha! Ang laki mo na at ang ganda mong bata!" Natutuwang bati saakin ni tita Ophelia. "Nasaan ang mama Amber at papa Silex mo at bakit ka mag-isa dito?" Natunganga ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko kayang magsinungaling. "Na-nasa loob p-po ng kastilyo kasama ang royalty. U-uwi muna po ako kasi medyo masakit ang puso ko." Hindi ito literal. Nagitla ang ice family sa sinabi ko. Nagkatinginan ang mag-asawa na parang nabigla sa sinabi kong sakit. Mabilis pang tinignan ni tita Ophelia ang palad ko para siguraduhing maayos ako. Namumula pa ang maputi kong palad na nangangahulugang normal ang lagay ko. "Masakit ang puso mo kamo? Naninikip ba?" medyo eksaheradong tanong ni tita Ophelia. Sa pagpasada niya sa itsura ko, alam kong alam nitong maayos ang lagay ko dahil isa siyang eksperto sa paggagamot. Kaya naisip siguro nitong baka nagsisinungaling ako o baka ibang sakit sa puso ang tinutukoy ko. "Ma', baka nag-away sila ng nobyo niya kaya masakit ang puso niya o brokenhearted. Teenage terms ma!" natatawang banggit ni Sky na tinalikuran na ako at binalikan ang nakahiga parin niyang kabayo. "Ophelia" masuyong tawag ni chief sa asawa, we should take this horse to the healing house first. Sky, we'll talk later about this. Ihatid mo si Sasha pauwi." Narinig kong sabi ni uncle chief na nilapitan na ang kabayo upang dalhin sa healing house. Nang balikan ko si S ay nakatingin lamang ito saakin na parang nagulat sa suhestiyon ng ama. Ilang saglit lang ay nawala na ang mag-asawang Cla-Claw-Clod dahil sa lightning transmission ni uncle chief. Nakatayong parang bagong tanim na punong kahoy si Skaw sa harapko. Hindi makatingin ng diretso at tila nagdadalawang isip na ihatid ako pauwi (kahit na hindi naman na kailangan kasi takot naman ang mga halimaw saakin). "H-hindi ka na ba babalik sa kastilyo? Peorion is there, Shen is also there." Humakbang ako paalis. Normal lang na lakad na parang lumulutang sa hangin. Uuwi na ako kasi makakarinig na naman ako ng Porion at Shen. Lagi na lang Porion at Shen, Porion at Shen... hindi ba pwedeng Porion at Sasha naman? Sampong taon na ang Porion at Shen na 'yan, hindi pa ba sila nalalaos? Sus! "Sasha! Hey! Did I say something wrong again? Kapag hindi kita naihatid, baka pagalitan ako ni papa!" narinig kong sigaw pa ni S' na halatang naglalakad na para habulin ako. "Wag mo akong sundan!" babala ko nang di siya nililingon. "What if sundan kita?" "Baka hindi lang niyebeng peklat ang abutin mo sa noo, gagawin kong winter 'yan makikita mo!" Uminit na namang parang bulkan ang sikmura ko. Ang bilis ko magalit lately, bawal na bawal pa naman akong magalit sabi ni Jolly na walang loyalty kundi sa carrots at labanos. Isa pa 'yon. "Peorion and Shen would be glad to see you!" muling pakiusap nito na tila tumigil na sa pagsunod saakin. Porion and Shen na naman? Serwesly(seriously)? Bigla na namang nagsabog ng magma sa loob ng katawan ko. Pinilit kong pigilan pero parang umulit-ulit ang pagkakabigkas ng mga pangalang 'yon sa utak ko. Napakuyom ako ng palad. Hindi ko inaasahan ang pagyanig ng lupa ng sunod-sunod. Sabi na kasing wag nang uulitin ang Porion and Shen eh! ###
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD