Chapter 1-Love at First Sight

1664 Words
JOLLY Bakit ko ba sinasamahan 'tong anak ni Amber na si Sasha? Nakakairita ang paglalakad nito na parang nililipad ng hangin at ang pananalita nitong parang painosente ang tono. Kanina ko pa siya tinatanong kung saan siya pupunta gayong nasa loob ng kastilyo ang mga magulang nito kasama ang hari't reyna ng Cairos. Sampong taon na ang nakakalipas nang ikasal ang bagong gising na arang sa lalaking Hearthopia. Isang malaking himala ang nangyari dahil nagpatuloy ang pagtanda ni Cael nang pakasalan ito ni Miranda na hanggang ngayon ay hindi parin magawang yakapin ang sinumpaang tungkulin bilang reyna. Mukha naman silang masaya sa harap nina Amber at Silex kanina dahil bukod sa parang magkaedad na lang ang royal couple ay tila may namumuo silang pagtingin sa bawat isa. Ten years ha? Ten years bago magkadebelopan? Ano sila mga tuod? Si among Amber nga ten minutes lang gusto na niya si Silex samantalang sila? Ten years? "Wow! Andaming tawo!" usal ni Sasha na natigil sa paglalakad kaya bumunggo ako sa binti nito. Napakamot na naman ako sa pagkakabigkas niya sa salitang 'tao'. Bukod sa hindi nito namana ang makintab na puting buhok ng mga magulang ay hindi rin nito namana ang kagalingan ni Amber sa pananalita. Isang batang bulol na malayo sa katalinuhan ng ina. "Ta-o! Hindi tawo!" pagtatama ko kay Sasha na parang naaaliw sa nakikitang kumpol ng mga trivialis na nasa harapan ng palasyo at nag-aabang sa paglabas ng royal family, ang royal couple, ang King Father at ang crowned prince and princess na sina Lara at Laurent. "Tawo... ta-o parehas lang naman diba? Na-naintindihan mo naman diba?" malumanay na tanong pabalik ng batang hinahangin ang itim na buhok sa mukha. "It's the thought vhat counts!" "Naintindihan ko kasi sanay na ako! "'That' hindi 'vhat!'" inirapan ko ito saka lumukso sa likuran nito at tinanaw din ang mga taong may hawak na banderitas at buslo ng mga bulaklak. Anibersaryo ng pag-iisang dibdib nina Miranda at Cael pero parang may isang magandang balita ang dalawa. Sana isang magandang balita ang hatid nila. Humakbang pa palapit si Sasha. Sumiksik ito sa kumpol ng mga tao at nagpaumanhin sa kanyang mga nasasagi. Hanggang ngayon ay hindi ko parin nakukuha ang paliwanag nito kung bakit niya gustong pumunta dito. Nang nasa harap na kami ng tarangkahan kasama ang mga nananabik na trivialis, nilingon ako nito saka nginitian. "So what?!" naiirita kong turan sabay paghalukipkip. "Ang saya diba? Nakikita mo kung anong nakikita ng mga ordinaryong tawo!?" "Tao!" "Ganito 'yong pakiramdam na nakikita mo 'yong royalty. Nakaka-excite!" untag pa nito saka pinagsalikod ang mga palad sa harapan. Hinampas ko ang pisngi nito gamit ang naiirita kong buntot. Tila wala naman itong naramdaman. Palibhasa't mana sa ama, batak sa mga binabanggang bato ang katawan pati mukha tuwing lihim na nag-eensayo. Pasalamat siya't hindi ko pa pinaparating sa ina nito ang kalokohan niyang makipagbasag-ulo sa mga halimaw sa Garon forest. "Kung gusto mong makita ang royalty, eh di bumalik tayo sa loob! Any moment baka dumating na sina mama lala at papa lulu kasama si Peorion! Eh diba sampong taon mo din hindi nakita si 'Porion' mo?" Lihim akong natuwa sa ideya kong suhulan ang pananabik niya. Tiyak papayag itong bumalik sa loob gayong nalaman na niyang baka dumating na ang second royal family. "Talaga? Si Porion?" nagningning ang mga mata nito. Tila mas lalong nanabik nang marinig ang pangalan ni Peorion. "Pe-yor-yon! Ilang taon mo nang pinapractice yan Porion ka parin ng Porion!" bulyaw ko sa tainga nito. Konting konti na lang talaga kakalmutin ko na tong batang 'to. "P! Sabi ko nga shortcut na lang. Vhat Porion is hard to pronounce. So I call him 'P'!" "So okay na tayo? Babalik na tayo sa loob para makita mo na si 'P'?" iritable kong tanong. "Mas maganda parin dito. Dito ka muna. Alam kong nauubos na ang pasensya mo at naiirita ka na saakin, ilang araw na lang naman ang hihintayin mo at matatapos na ang baby sitting duty mo Jolly. Magkakapusa na ako!" Sigaw nito dahilan para lingunin siya ng mga nakapaligid na trivialis. Kaagad siyang humingi ng paumanhin at nagkunwaring nakatingin sa terrace kung saan lalabas ang royalty. "Ang gandaaaa!" Sabay-sabay napalingon pabalik sa terasa ang mga trivialis. Nanabik sa paglabas ng hari't reyna. Ang akala nila'y naroon na nga sila dahil sa sinambit ni Sasha. "Ang ganda ng palasyo mula dito!" pagtatama ng baliw na anak ni Amber sa naunang tinuran. Magdidisi-seis na ito at parang bata parin umasta. Amber was far different from this girl. Kaya hindi ko alam kung paano siya nagkaanak ng kagaya ni Sasha. Bumuntong hininga na lamang ako at sumandal sa ulo ni Sasha. Nakakabagot. Naiwan sa loob ng palasyo ang mga sariwang carrots at labanos. Doon ako nanghihinayang. Ayoko namang suwayin si Amber nang sabihan ako nitong samahan ko si Sasha sa labas. Amber is a bit strick on Sasha's whereabouts but she always supports Sasha's willingness to embrace the ordinary life. Sasha loves mingling with ordinary people. She loves hearing stories, ordinary stories far from her parent's adventures and misadventures. She loves the nature and everything that goes around it. Ilang taon ding namalagi si Sasha sa Westeros and she liked her ordinary and peaceful life there kasama ang nakababatang kapatid nitong si Gester. Now that they're back just recently in Central Cairos, Amber and Silex didn't want their kids faith in simplicity gone, kaya hinahayaan lang nila ang mga anak na mabuhay sa kinagisnan. Amber is now a preceptor in Cairos Acedemy. Nangyari ang pinangarap nitong maging katulad ni Mistress Fhaun minus the singlehood. Silex works as a head bounty keeper to the royal family kaya madalang lang din itong makasalamuha nina Sasha. Their family is ideal. Simple at masaya. "Hayan na sila!" sigaw ng isang trivialis sa aking likuran dahilan para mapalingon ako sa terasang napalalamutian ng wild flowers. Nagpalakpakan ang mga tao. Ang iba'y naghiyawan pa sa paglabas nina Cael at Mirandang nakuha pang kumaway sa mga mamamayan. Napakagandang pareha ang nakatunghay saamin; ang gwapo ni King Caelius at ang ganda ni Queen Miranda. Kasunod na lumabas mula sa likuran si haring Theodore Holoma kasama ang anak nitong si Lara at isang gwapong binatilyo na kahawig ni Laurent. Marahil ay si Peorion na 'yon. Nang lingunin ko si Sasha'y laglag ang panga nito at halos hindi kumurap habang nakatingala sa terasa. Wala itong nakapang salita habang naghihiyawan at nagsasabog ng mga bulaklak ang mga trivialis sa paligid. Nakita ko pang pumasok ang isang petal ng bulaklak sa bunganga nito pero hindi man lang niya 'yon napansin dahil abala ito sa pagtitig sa binatang nasa tabi ni Lara. Alam na! "Huy Sasha! Mukha kang tanga diyan!" pagtawag ko ng pansin dito sabay hampas sa mukha nito gamit ang aking buntot. Hindi ako nito pinansin. Ang lakas ng loob ng baliw na bulol na 'to na huwag akong pansinin. "Oh em gee! Jolly 'yon na ba si Po-por-porio- si P?" "Alangang 'yan si uncle Laurent mo? Bulol ka na nga may amnesia ka pa?" "Ang gwapo niya!" Tila kinikilig na sabi ng anak ni Amber. "Ang ganda ng mata, ang tangos ng ilong, ang pula ng mga labi niya tapos ang tangkad pa niya! Ang gwapo ni P Jolly! Bumalik na tayo sa loob!" Nagniningning ang mga matang bulalas ni Sasha na kaagad umikot para bumalik sa loob ng palasyo. Hindi ako nasabihang makikipagbuno ang baliw na anak ni Amber sa mga nagsisiksikang trivialis. Dahil natural na malakas ito kagaya ng kanyang ama, mabilis nitong nalusutan ang mga nagkumpulang mamamayan ng Cairos. Matulin ang naging pagtakbo nito patungo sa shortcut kung saan may lihim na lagusan patungo sa loob ng kastilyo. "Bakit ka ba nagmamadali?" hinihingal kong sabi habang nakakapit sa buhok nitong sing itim ng mga mata niya. "Mamaya ka na magtanong. Hindi naman ikaw ang napapagod ah!" pagrarason nito habang binabaybay ang madilim na tunnel na lulusot sa dungeon paakyat sa bulwagan ng kastilyo. "Magpapakilala ako kay P!" "Saka ka na magpakilala pag nabibigkas mo na ng tama ang pangalan niya!" "Eh di prince na lang! Mas safe!" pagpapalusot ng baliw na bulol na batang may itim na buhok. Nakarating kaagad ito sa secret dungeon at mabilis na tinungo ang hagdanan patungo sa bulwagan ng palasyo. Ni hindi ko narinig ang paghingal nito habang hindi nagbabago ang bilis ng kanyang pagtakbo at pag-akyat sa napakataas na hagdanan. "Dahandahan naman Sasha! Mahuhulog ako!" kunwari'y reklamo ko upang mapigilan ang babae. Tiyak magkakagulo kapag naaubutan nito si Peorion habang nakikipagtawanan sa iba. Binalak kong pigilan siya sa pagpasok sa kastilyo pero hindi ito nagpapigil. Ni hindi ito huminto para magpahinga. "Kumapit ka kasi kung takot ka mahulog! Malapit na tayo!" Malakas na usal ng babae. Kasunod na narinig ko ang pagbukas ng malaking pintuan ng bulwagan. Hindi ko namalayang nandoon na pala kami sa sobrang bilis nitong tumakbo. Ang ikinagulat ko'y hindi kaagad pumasok sa loob ang bata. Nilingon ko ito at bumungad saakin ang nagtataka niyang mga titig sa naabutang eksena. Pumalatak sa tainga ko ang malutong na tawa ng isang dalagita. Maputi ito, makinis, ginto ang buhok, diyamante ang mga mata, maganda ang hubog ng katawan, maamo ang mukha na parang isang anghel sa lupa. Si Shen ang kasama ni Peorion. May isang pusong wasak at luhaan ang lalabas sa kastilyo at uuwi na lang sa bahay mag-isa. Mag-isa kasi hindi pa ako nabubusog sa sariwang carrots at labanos! Tinabig ako ni Sasha. Hindi ko 'yon inasahan. Mabuti at nabalanse ko ang katawan ko kaya hindi masakit ang pagbagsak ko sa marmol na sahig. "Magkaibigan lang sila ano ka ba?" pakonsuelo kong sabi sa anak ni Amber pero nang lingunin ko ito'y wala na siya. Mabilis talaga umiwas ang mga nilalang na nasasaktan. Gaya no'ng isang 'yon. Napangiti ako nang makita ko ang mangyayari sa bulol na 'yon sa daan. Nakakakilig. Mas nakakakilig pa yata sa unang tagpo nina mama lala at papa lulu. Mukhang may isang humahabol na prinsipeng magliligtas sa bulol na pusong sawi! ###
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD