Chapter 13-Underground Squad

1832 Words

Ilang minuto nang nakaupo sa sala ng House Zero ang A-Team babies kasama ang tatlo pang sina Brenah, Kaleb at Declan. Nasa pahabang sofa sina Peorion, katabi ni Shen, Sasha at Sky. Nasa pandalawahang upuan naman sina Brenah at Declan habang nakaupo sa pang-isahang upuan si Kaleb na bukod-tanging kampante sa grupo. Walang gustong umimik. Lahat at nakikiramdam sa susunod na mangyayari lalo na't tila hindi nagustuhan ng Gemini lalo na si Alpha ang nangyari. Mahigpit na ipinagbabawal ng akademya ang paglabas sa teritoryo ng eskwelahan at ang paggamit ng kapangyarihan sa kapwa estudyante. Nakaupo lang ako sa tabi ni Sasha na halatang kinakabahan din sa maaaring maging kaparusahan nila. Himalang pati ang madaldal na si Shen ay tahimik at nakamasid lang. Panay naman ang lingon ni Sky kay Sasha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD