PEACHY Mahimbing akong natutulog sa isang buslo ng repolyo nang magising ako dahil sa nakita. Hinawi ko ang nakatakip na dahon ng kanina'y nginunguya kong gulay at mabilis na sinipat ang pinakamalapit na bintana sa kusina ng mga Silan. Kahit na gusto ko pa talagang ngumuya ng repolyo at mga mumurahing gulay ni inang Amber ay kailangan ko nang umalis at tunguhin ang kagubatang nasa likuran ng Cairos Academy! Kailangang mapigilan ko si Sasha sa kanyang gagawin! Hindi niya pwedeng galitin si Brenah dahil tiyak na magdudulot iyon ng delubyo kapag nangyari. Brenah cannot be provoked or else mapapahamak siya at ang mga tao sa paligid niya. I should have told Sasha about the secret na kamakailan lang dumapo sa balintataw ko pero wala pa akong tiwala sa bulol na 'yon. Kahit kasi bulol ito ay may

