Kabanata 50

2003 Words

Hindi agad nakapagsalita si Hiraya dahil sa mga rebelasyon na iyon ng kanyang tiyo, hindi rin niya lubos maisip na sasabihin nito ang proposal na iyon sa kanya at talagang binanggit na rin nito ang salitang kasal. Mukhang mahirap na itong pigilan o kumbinsihin, agad-agad nagdedesisyon ito ng hindi na iniisip ang maaaring mangyari. Napaisip siya bakit gano'n lamang kadali dito ang lahat na magdesisyon ng ganun, hindi man lamang ba nito iniisip ang kanyang kapatid. Hindi man lang ba nito iniisip ang kanyang lolo? Ang pamilya nila, magiging kahihiyan silang dalawa hindi man lang ba nito iyon naisip. Tapos ang ipinagkatiwala ditong hasyenda, basta na lamang nito iiwan? Basta na lamang nito ipagpapalit ang lahat ng iyon, makasama lang siya. Nakakamangha para sa isang babaeng katulad niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD