Halos isang linggo pa rin na nanatili sila sa lugar nina Hiraya, inayos muna nila ang lahat. Hindi rin nila basta basta pinabayaan ang kanilang bahay. Ibinilin lamang ito ng kanyang tatay sa isa sa kaibigan nito. Ibinigay dito ang susi, bale hindi nila totally iniwan ang kanilang bahay hindi kasi nila alam kung ano ang naghihintay sa kanila sa hasyenda. Pero syempre ang unang plano ay doon na talaga sila maninirahan, siguro kapag ganun sabi ng kanyang tatay eh ibibigay na lamang nila ang bahay sa nangangailangan. Karamihan ay nalungkot sa balitang aalis na nga sila, naging mabuting tao kasi ang kanyang tatay doon sa lugar nila na iyon kaya naman marami talaga itong kasundo at nanghihinayang dahil nga mukhang hindi na nga daw sila babalik. Hindi naman nila dinala ang kanilang mga kagam

