Halos inabot pa ng limang oras ang itinakbo nila mula ng kumain sila kanina ng lunch doon sa may tabing dagat. Hanggang sa napansin niya na unti-unting bumabagal ang takbo ng sasakyan ng kanyang tiyo nang ito ay lumiko sa isang mahabang daanang maraming nagagandahang malalaking puno. Nasa tig kabilang gilid ng mga kalsada ang mga iyon at para bang may nagmamay-ari niyon dahil sa laki at tanda ng mga puno. Siguradong inaalagaan ng kung sino, kasi nananatili pa.iyon doon, kung yun ay puno lamang na pampubliko siguradong iyon ay naputol na o kaya ay hindi ganun na kayabong at kataba. Parang kahit na nakasara ang bintana ng sasakyan ng kanyang tiyo, ramdam na niya ang sariwa ng hangin kaya nga nais sana niyang i-request dito na ibaba ang salamin ng kotse. Pero nahihiya lamang siya, gust

