bc

Finally Weightless

book_age16+
202
FOLLOW
1K
READ
family
confident
inspirational
drama
comedy
bxg
highschool
another world
chubby
waitress
like
intro-logo
Blurb

Napakadaming bagay ang hindi mo pa nasusubukang gawin. Naranasan mo na bang maglaro sa ulan? Manuod maghapon ng nakakaiyak na movie? Kumain ng madami o mag-cutting classes? Naranasan mo na bang ma-inlove? Kung may tatlumpung bagay ka na gusto mong gawin, ano kaya iyon? Sundan natin ang istorya ni Tabitha habang sinusulat niya ang tatlumpung bagay na gusto niyang gawin.

Matapos mo ka kaya hanggang sa huli ang isang tulad nito na Love Story na Hindi Love Story?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“For your project, gusto ko na gumawa kayo ng “The Thirty Things That I Wanted To Do Most In Thirty Days”,” malakas na hiyaw ni Ms. Merlinda sa klase. Nanahimik ang mga nagkwekwentuhan kong mga classmates at napatingin sa Religious Study teacher namin na parang nababaliw siya or something. Kahit ako na walang pake sa mga ganyang bagay ay napatigil sa aking pag-aayos ng bag at napamaang sa nakangiting babae sa likod ng desk sa unahan ng classroom. Kamapanteng tumango ang guro namin at nagpatuloy ng makuha niya ang full and undivided attention naming lahat. “Ilalagay ninyo sa isang sheet ng long white paper ang project na iyan. It can be anything! Kumain ng madami, magwala, umikot-ikot. Just be sure that it can be done in one day. I don’t care what you put it in there as long as feasible at within reality,” paliwanag niya sa amin. Tumayo bigla si Berna, ang biba naming classmate, “Ma’am paano kung ilagay ko na gusto kong makipag lambingan?” nanunudyong tanong niya sa matandang dalaga naming teacher. Ine-expect ko na magwawala si Ma’am pero to our surprise ngumisi pa ito at tumango, “If that’s what you want to do then you are free to put it in there!” masayang sagot nito kay Berna na tumango at sumigaw ng “NOW WE’RE TALKING!” Nagtawanan na din kaming magkakaklase sa sinabi ng strict naming class adviser. “You will submit it to me next month. It’s August 25, 2015 today at gusto kong pag-isipan ninyo ng mabuti ang isusulat ninyo. Don’t write random things, I swear malalaman ko kung sino ang nag-isip talaga sa pag-gawa ng project na iyan. Fifty Percent iyan ng grades ninyo for the whole school year so take it seriously,” paalala ni Ms. Merlinda at tumango na siya, hudyat na pwede nang magpulasan ang kanina pang gigil na gigil na lumabas niyang mga estudyante. As usual naunang tumayo ang grupo ni Berna. No doubt magtsitsismisan na naman sa ilalim ng puno ng mangga. Kasama niya ang magkapatid na sila Marieta at Eunice pati and to everyone’s curiosity, si Bea. Ang pinakatahimik sa aming klase. Kung paano niya nakakasundo ang tatlo ay hindi ko alam pero heto na silang apat na nakalabas na agad ng pintuan. Tumayo na din ang katabi ko na si Rigel na humihikab at halatang handa na namang mamahinga sa kung saang sulok pero mabilis siyang naharang ni Ms. Merlinda at pinagpahi ng mga nakasulat sa board. Masaya namang nakikipagkwentuhan si Iggy, kapatid ni Rigel kay Ambo sa isang sulok. Malamang nag-uusap na naman kung saan sila kakain. Ang couple na sila Ezekiel at Lyshta ay magkatabi na naman sa isang sulok at pareho na namang nagsusubuan ng siopao as usual habang may sinasabi si Elyon sa teacher ko. Minabuti ko na tumayo na din at humanap na ng kakainan for lunch. Hindi ako nakapag-breakfast kaya nagwawala na ang aking tiyan. Pagkalabas ko ng classroom ay bumungad sa akin ang madaming estudyante ng I.N.H.S na nagmamadali na ding makakain. Inayos ko ang aking buhok at mabilis din akong nakisabay sa agos ng mga estudyante pababa ng hagdanan. “Hi Tabitha! Sabay tayong kumain?” Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Paul. Ang isa sa mga nagpipilit na manligaw sa akin. Umiling ako at pilit na ngumiti for the nth time, “No thanks. Madami pa akong gagawin.” Bago pa makabawi ng banat si Paul ay nagsumiksik ako sa gitna nila Rosa at Dikto na holding hands pa habang nababa ng hagdan. “Hey!” inis na sigaw ni Rosa sa akin ng mabitawan niya ang kamay ng jowa niya dahil sumangat ako sa gitna nila. Nakakunot din ang noo sa akin ni Dikto kaya nagsorry agad ako. “Pasensya na! Ngayon lang naman! Nagmamadali lang!” mabilis kong sambit at bumaba na agad ako only to find out na hindi pa pala tapos ang kalbayro ko. Nakaabang si Harold, ang isa pa sa mga lalaki pilit nagpapalipad hangin sa akin. As usual parang hinimod ng baka ang buhok nito pero I don’t really get what the other girls are seeing. Oo may hitsura siya pero c’mon! Ugali pa lang blown away ka na sa hangin! Kumindat pa ito sa akin at muntik pa akong masuka. Buti napigilan ko. “Hey babes, care to join me with lunch? I know you want to”, mapangakit na sabi niya sa akin sabay tingin sa aking mukha at katawan. Nangilabot ako sa sinabi niya pero all-smiles pa din ako. “In your dreams Ronald,” pangiinis kong balik sagot sa kanya. Madaming babae ang sumimangot sa akin na parang nagtatapon ako ng grasya or something. Mukha namang na-offend si gags at kumunot ang noo, “Tabitha, Harold ang pangalan ko. Not Ronald”. Inis na tugon niya sa akin. “Oh! I’m so sorry Arnel. Forgive me. Una na ako ha?” nakangiti kong sagot habang natango bago kumaripas ng takbo kasi for sure kukuyugin ako ng fan club niya. Thankfully matiwasay akong nakaabot sa labas ng school or so I thought. Here I was happily thinking that I escaped my suitors only to find out na nakaabang sa akin ang isang binata na nakasuot ng black hoody at hindi ko maaninag ang mukha niya o kahit mata niya dahil naka shades siya. Bago pa ako makaiwas ay meron siyang binato sa akin. Instinctively, sinalo ko iyon. A green apple. “Eat, you look dead on your feet,” utos niya sa akin in an English na halatang may accent. Bago pa ako makaisip ng witty na reaction (o maibato pabalik ang apple) ay naka-alis na agad siya. Napatingin na lang ako sa hawak kong green apple at wala pang three seconds ay kinagatan ko na ito. Gutom na talaga ako. And to my surprise, nagustuhan ko ang lasa nito. Sour yet sweet at the same time. Sa hindi ko malamang dahilan... Napangiti na din ako. -0- 1. I don’t care kung pinagtitinginan ako ng ibang estudyante. Wala din akong pake kung wa-poise na ang ginagawa ko. Basta ako, kakain ako ng madami today! Sinigang, Adobo, Mechado, Tulingan, Carbonara at Parfait. Bring it on. May pera ako kaya I can buy whatever food I want. Ang sarap talagang kumain. Parang tsaka mo lang nararamdaman na buhay ka kapag nakain ka diba? Iba’t ibang lasa, iba’t ibang kulay. YUM! Nakatitig na nakatitig sa akin sila Berna, Bea, Eunice at Marieta habang nakain ako. Parang hindi sila makapaniwala sa nakikita nila. Si Tabitha Abanilla, ang pinaka-poised and self-conscious student ng 2-B (not to mention the most beautiful and sexy) ay walang habas ngayong nakain to her heart’s content. Wala akong pake kung nakakataba ang mga kinakain ko. Actually gusto ko ngang tumaba. Hmmmm what a good idea. And I’m just getting started. Lumipas ang afternoon period at antok na antok ako sa dumaang klase. Figures, busog na busog ako at hindi ko na nga maisara ng maayos ang zipper ng palda ko. Buti na lang hindi ako nahuhuli ng teacher ko pag napapaidlip ako saglit. *RRRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNGGGGGGGGGGGGGGG* “Yah! Recess na girls! To the fairy cave!” malakas na sigaw ni Eunice bago pa man magpalabas ang math teacher namin. Tayuan naman ang apat niyang friends at mabilis na nagpulasan palabas ng classroom. Napailing na lang si Mr. Kuro (half-japanese siya) at pinayagan na rin ang rest ng klase na lumabas ng room hanggang sa ako na lang ang natira. Ipinatong ko ang malaking supot na punong-puno ng mga junk foods at soda. I wet my lips and helped myself to some Piattos and Chippy. Grabe, this is life talaga! Hindi ko akalain na pinagkakait ko sa sarili ko ang makakain ng ganito since goodness knows when. Hindi nagtagal at naubos ko na lahat ng dala ko. I feel so full, dirty yet fulfilled. Ang sarap palang kumain ng mga pagkain gusto mo talaga! “You’re eating those?” Napalingon ako sa nagtanong at nakita ko na naman ang binatang naka-hoody na nagbigay sa akin ng green apple kahapon. Tinaasan ko siya ng kilay sabay subo ulit ng isang kamas ng Pringles, “Malamang. Anong ginagawa mo dito? Section 2-A ka diba?” tanong ko sa kanya. Pero sa halip na sumagot ito ay naglabas ito ng isang green apple sa bulsa ng jacket niya at ipinatong sa table ko then walang imik-imik ay tumalikod na siya at lumabas na ng room. Napaikot na lang ang mata ko sa kisame at itinuloy ang aking panginginain hanggang sa maubos na ang junk foods ko at ang matira na lang sa paningin ko ay ang green apple ni guy from 2-A. Dinampot ko ito at tinitigan... Well, nagpapataba ako. Sayang naman kung hindi ko kakainin diba? Food is food and it’s tasty as yesterday!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Godfather My husband

read
269.7K
bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

Contract - Tagalog

read
754.6K
bc

NINONG II

read
619.9K
bc

Just Another Bitch in Love

read
28.6K
bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
483.1K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook