Alex's POV Ano nga ba ang mas masakit, ang makita ang taong pinakamamahal mo na kasama ang nauna nyang minahal, o ang pinaramdam nya sayo na ikaw ang lahat para sakanya pero nagsinungaling at niloko ka nya ng harap harapan. Pareho itong masakit para sa akin, kasi ako ang lugi, ako ang talunan, kahit na masasaktan ako sa labanan na ito, sumugal parin ako dahil nga sa mahal ko si Carol. " Ate... " biglang sumulpot si Cassy sa may pintuan ng office ko, bakit kaya sya napunta dito? " Are you busy? " Itinigil ko muna ang pagpirma sa mga papeles. " Hey, what are you doing here? " " Can I talk to you? " " Of course! Come in, magisa ka lang ba? " Nakangiti ko na tanong habang nililigpit ang mga folder. Walang kibo na pumasok si Cassy. " Sit down, " Inilapag ng kapatid ko ang dala nyang

