Carol's POV Habang paalis na ang sinasakyan ko na private plane ay hindi ko mapigilang malungkot, hindi ko alam kung gaano ako katagal mananatili sa Palawan. Sana lang matapos namin ang dapat ayusin para makauwi ako agad at muling makita si Alex. Gusto ko sana syang alukin na sumama sakin pero alam ko na mas malaki at mabigat ang responsibilidad nya sakanilang kumpanya. Natulog ako sa buong byahe, wala ako sa mood makipagusap sa kahit na kanino , pakiramdam ko nga bumalik nanaman ako sa dati kong ugali na mainiton ang ulo at suplada dahil lang sa wala si Alex sa tabi ko. " Kamusta ka na? " biglang sumulpot mula sa kawalan si Jeux. Alam ko na kasama sya sa byahe pero ngayon ko lang sya nakita. " Nakasimangot ka ata, " naupo sya sa aking tabi. Lumingon ako sakanya. Nakabuhaghag ang

