Alex's POV Hindi ako mapakali dito sa office. Tila may nais puntahan ang aking mga paa. Kaya tumayo ako, kinuha ang aking mga gamit at nagmamadaling lumabas. Bahala na kung anong mangyari, pero hanggat hindi ko sya nakikita ay hindi ako matatahimik. Hindi ako nakatulog ng buong gabi dahil sa kakaisip sa ginawa ni Red kay Carol. Pilit ko lang itinago ang galit at pagpupuyos ng aking damdamin dahil ayaw kung magalala sya ng husto. Hindi ko lang lubusang matanggap ang nangyari, kung paano muntik nanamang pagsamantalahan ni Red si Carol at kung paano nya ito pinagbuhatan ng kamay. At sa tuwing makikita ko ang namumulang mukha ni Carol at sabog na labi nito ay lalo lang tumitindi ang galit ko. Kung hindi lang talaga masamang pumatay ng tao ay ginawa ko na. Sinupresa ko si Carol ng breakf

