Carol's POV Sa pagtuloy ko sa bahay ni Alex ay wala akong ibang ginawa kundi ang magrelax, kumain, matulog at higit sa lahat ay ang alagaan ng taong pinakamamahal ko. Sa bawat segundo, minuto at oras ay lalo ko lang napatunayan kung gaano ako kamahal ni Alex. Sya lang ang nagtatyaga sa kasupladahan ko at alam nya kung paano ako papangitiin. Naisip ko tuloy, ako ba may nagawa na para kay Alex maliban ang mahalin sya? Wala pa di ba? Pero siguro ito narin ang tamang panahon para ayusin ko ang mga bagay bagay at syempre uunahin ko na tungkol samin ni Red. Maingat akong umalis ng kama habang tinititigan ang mahimbing na natutulog na si Alex. Kinuha ko aking cellphone at lumabas ng kwarto. Tinawagan ko si Henry. Ilang ring bago nya ito sagutin. "Hello Carol?" garalgal ang boses na sagot

