Chapter 19:

2058 Words
Chapter 19 [The Pageant Night] Dumating na rin sa wakas ang Ms. Winterfield Pageant. May halong kaba, saya, at excitment ang nararamdaman ngayon ni Jessy. Nakikita nya ngayon ang tatay nya, si Luis kasama si Nick! Malamang magkakilala na sila Nick at Dylan. Gusto nya na rin itong makilala pero after na ng pageant, kelangan nya mag focus. Tinanggal nya na ang kanyang beloved na salamin-- for good. Si Charity nga ang nag ayos sa kanya. Samantalang professional ang makeup artist ni Ella at ng iba pang kandidata. Ok naman si Charity, magaling sya mag ayos, hilig kasi nya ang fashion. And it turned out na napaka ganda ni Jessy, ginawa nyang wavy ang buhok. Ang laki talaga ng pinag bago ng itsura nito. Napaka ganda nya talaga; very dashing at umaapaw sa elegance. Pag tapos magpakilala isa-isa ng mga candidates while wearing their long gown maraming nag sabing sila ni Ella ang magkikita sa finals. Sampu silang naka pasa sa prelims at pang walo ang number ni Jessy. Sobrang kaba nya pag dating sa swimsuit competition. Dahil conservative ang faculty ng Winterfields, one-piece ang suot nila na may bandanang naka tali sa bewang nila na tumatakip sa kanilang lower body. Ganun pa man, nahihiya pa rin si Jessy dahil ngayon lang sya magpapakita ng flesh. Nang tinawag na ang kanyang pangalan para rumampa na, bigla syang nagdalawang-isip. No.8 Ms. Journalism, Jessiely Del Valle Tinawag ang kanyang pangalan for the second time kaya napilitan na syang rumampa. No turning back. Buong grace ang pinakita nya pag labas ng stage. Jessiely Del Valle stands 5'8 tall Matinding hiyawan ang kanyang natanggap dahil na supresa ang lahat sa kanyang kaseksihan. Napaka kinis pala ng kanyang legs! Madalas kasi syang naka jeans. With "35-25-36" vital statistics. Instant crowd favorite. Pag tapos ng swimsuit competition, i-announce na ang top 5. Unang binanggit ang ["No.3 Ms. Masscommunication, Ella Maritia Gracia" In-announced na rin ang tatlo pa. Isa na lang ang bakanteng slot. [And now, to complete our top 5. Sigaw ng emcee] Dumagundong ang sigaw ng crowd ng "No. 8" ng paulit-ulit. [No. 8, Ms. Journalism, Jessiely Del Valle.] Masigabong palakpakan at hiyawan sa auditorium ng Winterfield. Now, talent portion naman. Walang kaba masyado si Jessy dahil kasama naman nya si Rafael na alam nyang may audience impact. Nauna si Ella. Siya ay sumayaw ng napaka sexing dance number sa saliw ng awitin ni Beyonce na 'Single Lady'. Na kinatuwa ng mga kalalakihan. Ang natitirang tatlo ay kumanta, ang isa nag violin, at ang huli naman ay nag folkdance. Now, Jessy's turn. Inaabangan talaga ang kanyang talent. Ano nga ba kasing pwedeng talent ang ipapakita ng isang nerdy sa isang pageant? Sabay sila ni Rafael na lumabas mula sa backstage. Bitbit nila ang kanya-kanyang gitara at umupo sa may dalawang upuan na naka handa na sa gitna ng stage. Dim lights at naka tuon lang sa kanilang dalawa ang spot light. Tahimik ang buong auditorium, serious ang lahat. Naka- ayos na rin ang mga mike. Sa gitna ng katahimikan, nagsalita si Jessy. "I dedicate this song to my boyfriend-- LJQ. I love you Luis." Biglang nag hiwayan ng crowd. Siniko-siko ni Nick si Luis na katabi nya at inaasar asar. Minasa-masahe naman ang likod nya ng kanyang mga barkada dahil sa tuwa. Puro kantiyaw ang inabot nya. Napa ngiti si Luis at kahit madilim, maaaninag ang pamumula ng kanyang pisngi. Maraming kababaihan naman ang nalungkot sa narinig lalo na si Casey na nasa backstage, nag hahanda para sa turning over ng kanyang crown mamaya. So confirmed at official na ng kanilang relasyon. Syempre, mas may mahe-hurt pa ba kay Rafael. Kinalabit pa sya ni Jessy para hudyatan na mag-intro na. Isang malakas na bagsak na pag strum ang ginawa nya. Batid naman ng marami ang feelings nya ngayon. Natahimik ulit ang lahat. Inayos ang sarili at nagsimula ng mag tipa. Inupisahan na ni Jessy ang pag kanta na sinabayan nya ng gitara. ♪ ♪If I could make a song for you I will sing it just for you. If I could hold your hand I'll never let it down. Wow! ng ganda pala ng boses ni Jessy. Lagi na lang syang nanggugulat sa mga pinapakita nya ngayon. Masyado kasi syang underrated dahil sa bansag sa kanyang nerdy. Puro academics ang focus nya kaya ito lang ang opportunity na mai-showcase ang kanyang beauty at talent. ....♪♪But it's just only on my dreams That I could do all these things. I wish that I could do this on reality... Hinintay ni Jessy ang pag sabay ni Rafael, duet kasi sila sa part na ito pero kinakanta nya ngayon ng solo. Para kasing walang gana si Rafael. Napansin din yun ng audience dahil obviously, kakanta rin si Rafael dahil meron syang sariling microphone. Natapos ang song number na ni isang linya ay walang kinanta si Rafael. Buti at kinaya ni Jessy mag duet mag-isa. Binigyan sya ng isang masigabong palakpakan, pinaka malakas sa lahat ng nag perform. Tumayo na si Jessy at inabot sa isang staff ng pageant ang kanyang gitara. Paalis na sana sya nang hinawakan ni Rafael ang kamay nya. Naka upo pa rin si Rafael sa kinauupuan. Hinila nya ulit si Jessy para paupuin muli. "I'm sorry Jessy. This is for you. Ladies and gents, that song she sang was our original composition. We composed it together." Sabi ni Rafael ng naka mikropono pa. Sinimulan ulit ang pagtipa sa gitara at nag umpisa ng umawit. ♪♪... I don't know what will I do everytime that I see you. I wish that I could do even just to smile on you. I don't know what will I say, everytime that you are near. I hope someday, I could give you love that you deserve... Nagtilian ang mga babae sa nakaka in love na boses ni Rafael. Napatayo si Jessy dahil wala naman yun sa kanilang practice. Tinigil na ni Rafael ang pag gigitara, kinuha ang mike at umawit na lang. Tumitig sya kay Jessy na waring hinaharana. ...My love to you I wholly give. My trust to you I completely yield. A love enough to heal, forgive, and to stay. To stay with you till there's no more day... Lalo pang nagtilian ang mga kababaihan. Inggit na inggit sila kay Jessy. Matapos ang pag awit ni Rafael, binigyan din sya ng masigabong palakpakan. Kinawayan din nya ang audience. Parang concert lang nya. Lalong na in love ang mga kababaihan sa ginawa nya pati na rin ang mga kabadingan. I love you Rafael! Hiyaw ng audience. SA BACKSTAGE... Humingi ng tawad si Rafael kay Jessy. "Saka na lang tayo mag usap Rael. Kailangan ko mag focus. Question and Answer portion na." Ayaw muna nyang mag isip ng kung ano ano. She must admit, may bahid ng kilig ang naramdaman nya kanina. Kahit naman siguro sinong babae, makakaramdam ng kahit konting kilig. Paalis na sana si Rafael na mukhang malungkot. "Rafael... Thank you." Napangiti naman si Rafael at tinugunan nya rin ito ng napaka tamis na ngiti. "Kailangan ko lang talaga mag focus. Baka kasi ma- mental block ako. " "Kaya mo yan Jess. You're on your way on becoming Ms. Winterfield. For me, you already won." Na- touched si Jessy sa sinabi ng best friend na nagpa boost pa lalo ng kanyang confidence. Kung matalo man sya ngayon, hindi sya malulungkot. Meron na syang napatunayan kahit papano. Tatlo pa lang sa history ng Ms. Winterfield ang pumasok sa Finals na Ms. Journalism. At kung nagkataon, sya ang kauna-unang Ms. Winterfield. Madalas kasing Ms. Tourism o Ms. MassCom ang nagwawagi. Napayakap sya kay Rafael. Bumalik na naman yung pakiramdam nya dati; na sana, hindi sya iniwan nito nung mga bata pa sila para hanggang ngayon, sila pa rin ang mag kasama. Nasaksihan naman ni Ella ang tagpong iyon. "Uh- oh. Tsk tsk. Does your boyfriend know it? Whatta gut you have! Matapos mong ipagsigawan na boyfriend mo si Luis, ngayon at his back may iba kang lalaking kayakap. Ano yun publicity? Are you that desperate to win the title? No doubt kung mananalo ka. Ang galing din ng strategy mo eh noh? Kung sino sino ang ginagamit mo." "Stop it Ella. She will win because she worked hard for it. She deserves it." "You, you should stop Raffy! Don't you feel pathetic for yourself? Pinagsisiksikan mo sarili mo sa nerd na yan." Sasagutin na sana sya ni Rafael pero tinawag na ng emcee ang kanyang pangalan. [No. 1 Ms. Mass Communication, Ella Maritia Gracia] Kaya inayos na ni Ella ang kanyang sarili at ngumiti ng parang napaka bait bago lumabas ng stage. "Before we go to your question, may we know, who do you think is your biggest competitor or threat to the crown?" Tanong ng host. "Well, none. I do believe in myself, one hundred percent because I worked hard for it." "Oh, very confident." Sabi ng host. "Now we go to your question: If you were now 18 years of age. What do you prefer? Living with your parents or to live independently. And why?" "Thank you for that wonderful question. Living in a country that regards the family values highly, it is not an issue whether to live with parents or to live independently. As long as you treat them with respect and strictly abiding within their rules. But as for me, if I have to choose, I will choose to live independently. Not because I don't love my parents neither disregarding them. The main reason is, I want to be a responsible daughter. And will be a good example to my children in the future. That's all. Thank you." Wow! Mukhang kakabugin ni Ella ang lahat ng candidates. Isang masigabong palakpakan ang natanggap nya mula sa crowd at ngiti mula sa mga judges. Natapos na ang tatlo pang candidates; ang Ms. Tourism, Ms. MedTech, at Ms. Engineering na halata ang mga kaba dahil nauutal- utal pa at name-mental block dahil sa pressure. Lastly, si Jessy na. Bumungad kaagad ang masigabong palakpakan na nagbigay naman ng kumpyansa sa kanya. "Good evening Ms. Journalism. I think you are the darling of the crowd." Bati sa kanya ng host. "What are you feeling right now? Are you nervous?" "Yes I am. I am pressured actually." Sagot ni Jessy. "But I am confident." "Confident enough to win the crown? "Well yes. If God willing. I have good source of inspirations. My father, brother, best friend, and my boyfriend are watching. But if I'll lose tonight, I'll accept it gracefully. It's already my pleasure to represent Ms. Journalism to the finals of Ms. Winterfield." Nagtinginan ang mga kakilala ni Jessy. Hinanap nila ang sinasabi nyang brother. "Whoa. Nandito pala yung future brother- in-law mo kuya Luis. Nasaan na? Hindi mo pinakilala sa akin." Tanong ni Nick kay Luis. "Makikilala mo rin someday." "By the way--" Sabi ulit ng host. "Before you answer the night's question, many are envious of you tonight. How does it feel being serenade by a very handsome man? "It feels great." Iyon lang ang sagot ni Jessy. "Now, your question...What is your greatest Asset?" "My greatest asset is, my devotion to God. Though it may sound cliche but it's more than a mere statement. In my own experience, I may not be the most beautiful neither the most intelligent but because of this love, I've learn to appreciate life and live it to the fullest no matter how hard and unfair it could be. This kind of love is the most effective motivation and driving force one may have. Regardless of one's social status in life, educational attainment and physical features. Because I believe, all is fair in God's love. I thank you." Wow din sa sagot! Mukhang may ibubuga si Jessy laban kay Ella. [Now for the moment of truth...] Isa-isa ng tinawag ang mga runner ups: 4th runner up- Ms. MedThech 3rd runner up- Ms. Engineering 2nd runner up- Ms. Tourism Dalawa na lang sila Ella at Jessy ang natitira. "The name will be called is our Ms. Winterfield 2013. I repeat, the name will be called is our Ms. Winterfield 2013. The name will not be called is automatically, the 1st runner up.' Drududumdum [Our Ms. Winterfield 2013... Ms.... Ms.... Journalism Jessiely Del Valle!] Halata sa mukha ni Ella ang disappointment. Habang nanlaki ang mga mata ni Jessy sa gulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD