Chapter 18: The Preparation

1240 Words
Chapter 18 [ The Preparation] SA VICENCI ST... Imbis na pumasok sa kotse si Luis para umuwi na't gabi na, nanatili lang syang naka tayo duon sa labas ng bahay nila Jessy. Ayaw bitiwan ang kamay ng kasintahan. "Umuwi ka na. Magkikita naman tayo bukas." "Bakit bukas pa? pwede naman mamaya." Napa kunot-noo si Jessy parang nagtatanong ng, 'seriously?' "In our dreams." Luis blushed, medyo nahiya sa pagiging 'cheesy'. Ngunit hindi pa rin sya tapos sa pag hirit. "Have you forgotten? This is our first day as a couple. Wala bang at least a goodbye kiss?" "Ano ka ba baka makita tayo ni Tatay saka ng mga kapitbahay." "Kaya nga make it fast." Hinalikan ni Jessy sa pisngi si Luis. Agad-agad. Halata sa mga mata nila ang kilig at saya na nararamdaman. Kabaligtaran naman ng kay Rafael. Oo, mula sa veranda natanaw nya ang tagpong iyon. KINABUKASAN... [Rafael...I'll see you sa music room after class. Please don't forget. Thanks.] Text ni Jessy natanggap ni Rafael after class. 'Rafael'...She just regarded him as plain Rafael. Hindi na tulad dati na may lambing ang text nito. Kahit na walang gana, tinungo pa rin nya ang music room, thirty minutes na nga syang late. Hindi nya talaga mahindian si Jessy. "Akala ko hindi ka na darating." Masayang salubong ni Jessy kay Rafael nang dumating na rin ito sa wakas. "Akala ko rin." Casual na sagot nito. Gustuhin man itanong ni Jessy kung bakit, pero wag na lang, baka mag tagal pa sila, malapit ng dumating si Luis para sunduin sya. "Hindi mo ba itatanong kung bakit ako late?" "Ah... bakit nga ba?" "Forget it. Obviously, you don't care." Napa nganga na lang si Jessy sa pag da-drama ng bestfriend. It's not the right time para magpatol. "Ok. Pwede na tayo mag start?" "So, wala ka talagang pakialam?" Jessy, with a deep sigh, "Ano bang problema, Rafael? Anong pagda-drama yan, paki explain. Sabihin mo na lang kung ayaw mo 'kong tulungan." "Bakit ba nagmamadali ka?" "Kanina pa naghihintay si Luis sa labas. Sabi ko thirty minutes lang tayo mag pa practice, eh thirty minutes kang late! He's probably here by now. And the last time na nag practice tayo, ganitong-ganito rin yon--" "Then, tapusin na natin 'to. Naghihintay pala sa iyo yung boyfriend mo." Jessy is already pissed buti dumating na si Luis Agad itong humingi ng paumanhin dahil naka istorbo yata sa practice ng dalawa. Akala kasi nya tapos na. "Ah Luis! Umuwi na tayo. Ayaw naman mag practice ni Rafael ngayon, may dinadamdam ata." Sabi ni Jessy. "Did I say na ayaw ko?! Gusto mo bukas na lang, walang pasok. Dun sa bahay namin. Wala si Mom. Wala rin si Chat. Si Manang Zen day-off. Nice idea 'di ba? walang istorbo." Sabi ni Rafael sabay tingin kay Luis. "Edi hindi pwede." Sabi ni Jessy. "Why not?" Singit naman ni Luis. "You can go Jessy, like the old days. I'm giving you the permission. I trust you a lot." Sabi pa nya habang naka tingin din kay Rafael. Nagsasapakan na sila sa kanilang isip. Kaya nagpa- alam na si Jessy, bago pa magka-initan. SA KOTSE NI LUIS... "Luis, sorry ha. Pasensya ka na talaga." "Why?" Tanong ni Luis. "Hindi ko pa kasi nasasabi kay Rafael na tayo na. Alam mo naman kung bakit hindi ko masabi." "Yeah, and still vaguely understand why. From all of the people, ayoko sana kay Rafael mo pa ako ide-deny." "I promise kapag naging Ms. Winterfield na ko, ipagsisigawan ko sa buong mundo na boyfriend ko si Luis Joseph Quinson. Para pag ginawa ko yun, hindi naman nakakahiya na ako yung gf mo." "Honey, kahit hindi ka manalo. I'm so proud of you already. Baka naman pag naging Ms. Winterfield ka na makalimutan mo na ako at ipagpalit sa iba." "Huh? imposible Luis. Wala ng hihigit pa sa'yo." "Really? paano kung ligawan ka ulit ni Valdomero? Hindi ba kaya nga naging volunteer artist sa editorial mo para pormahan ka. Saka si, yung classmate ko nung high school, si Kurt may crush yun sa iyo." "Saan mo naman nakuha yang chismis na yan. Nakaka hiya naman sa mga nine-name drop mo, kung 'di naman talaga totoo." "It's true, sya mismo nag sabi sa akin. Remember you helped him with his book report. Halos ikaw na gumawa nun sa dami mong in-edit." "Ah, oo, I remember. Palagi naman sya nagpapatulong. Hindi naman yun big deal." "Maybe to you, simple gesture lang yun but somehow to someone, malakas ang impact." " Oh ok. Sino pa?" Napaisip pa si Luis. Pero inunahan na sya agad ni Jessy. "Huwag mo ng pilitin kung wala naman talaga. Wala ka ng maisip 'di ba?" "Wait lang iniisip ko pa mga names." " Waw parang andami ha. Ha ha" " Yeah, kung alam mo lang." "Paano mo naman nalaman? Niloloko mo 'ko, walang ganon. Ikaw lang naman at si Rafael ang nag tityaga sa akin." Tahimik na lang si Luis. Totoo mga inamin nya kay Jessy. Marami itong secret admirers and they rather keep it in secret. He knows that for a fact. It's either she's too busy for studies or busy looking at him kaya 'di nito napapansin. Meron din syang sikreto na hindi nya maamin, mate-turn off kasi si Jessy sa kanya. Siya lang naman ang dahilan kung bakit umatras si Yuan sa panliligaw kay Jessy. "Wala ka ng ma name drop kasi wala na. Ako, baka bukas pa tayo matapos pag iisa-isahin ko mga fan girl mo. Given na si Casey, Si Amanda, si Marga, Gwen, Charity--" "Really si Charity?" " Kay Charity ka lang talaga nag react--" " Baka magalit sa akin yung kuya nun." " Matagal na ah, 'di mo alam?" Kapwa sila nagtawanan. KINABUKASAN... Tulad ng napag usapan, dun sila magpa practice sa bahay ni Rafael. Nandun din si Charity. "Akala ko ba may hang-out kayo nila Casey? bakit nandito ka at hindi ka pa bihis?" Tanong ni Rafael sa kapatid na may halong bugnot. "Nagbago isip ko. I rather stay at home. Bakit disappointed ka ba? Akala mo masosolo mo si Ate Jessy, noh?" Napatingin si Charity kay Jessy na waring nang aasaar kay Rafael. "Si Luis yung kausap mo sa phone kagabi noh? Kaya pala parang kilig na kilig ka." Sabi ni Rafael kay Charity. at bumaling naman ng tingin kay Jessy. "Akala ko ba may tiwala sya sa'yo?" Si Charity na ang sumagot. "Sa IYO kasi sya walang tiwala." Their conversation ended there pinagtapat na kasi ni Jessy na sila na ni Luis. "We both know. Alam naman ng lahat Ate Jess. Ha ha ha. Anyway, may gown ka na ba? may mag me makeup na ba sa iyo? I'm willing to do those stuffs." Tanong ni Charity. "Ah, bahala na daw si Luis sa gastos. Sya naman naka isip na sumali ako. Bukas pipili ako ng mga susuotin. Gusto mo sumama sa amin?" "I'd love to." "Thanks talaga sa offer mo, Chat. Ang iintindihin ko na lang yung talent portion." Pinaparinggan si Rafael. "Masyadong ma papel yang bf mo. Kulang na lang sya mag judge. O ano, tayo na, mag practice na." Yaya ni Rafael. Nung una nilang practice nung nakaraan, nangangapa pa si Jessy ngayon, nakaka sabay na sya kay Rafael. Isang masigbong palakpakan (mga sampu) ang natanggap nila mula kay Charity. "Grabe ate Jess, para kayong professional kumanta. You really look good together. Naku, baka pag napanood kayo ni Luis for sure, magje-jealous yun."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD