Chapter 17 [Why I Love You]
[Something makes my heart beat fast,
must this be love at last?
Someone pricked my heart so hard
I know it's you my LJQ...]
Pulang-pula ang mga pisngi ni Luis nang i-quote nya ang isang stanza ng poem na nabasa nya dati.
Parang gusto namang lumuha ni Jessy habang naririnig nya yun mula sa lalaking pinagalalayan nya ng tulang iyon.
"Tinatanong ko kung bakit ako, hindi ko sinabing i-quote mo yung tula na ginawa ko."
Nangiti na lang si Luis.
"So, confirmed. Si Jessiely del Valle nga ang gumawa ng poem na yun. One of so many. You want me to quote another?"
"Nagbabasa ka pala ng literature section ng campus journal natin.
"Oo naman. I enjoy reading poems, especially tungkol sakin."
"Sure ka ba na para sayo yun? saka pano mo naman nalaman na ako gumawa nun?"
"How did I know? simple,naramdaman kong ako yun. LJQ, who else ang LJQ sa Winterfield? saka it's all about me."
Nag quote na naman si Luis ng another poem.
[T'was in the house of books in the 28th of June,
When I saw your eyes shimmering like a moon.
I can feel in that deep set-eyes the sadness,
Wish I could take away all its pain and loneliness.]
"See? June 28, dalawa lang tayo sa library, gusto ko mapag-isa.I was about to celebrate yung pagiging district chess champion ko but neither Mom nor Dad was there with me. Tapos nandun ka naman sa libray. Yun na, hindi pa ba obvious? Tayo lang dalawa ang makakaintindi nun. Shimmering like a moon-yun yung luha na gusto ng kumawala sa mga mata ko kaso nandun ka eh, titig na titig sa akin.I smiled back at you. Remember?"
"Ha ha. Tama. Akala ko nananaginip lang ako na nginitian mo ko. Right, that's the exact meaning of it. Now I know kung bakit ka naiiyak ng panahon na yun." Sabi ni Jessy.
" And hindi mo na made-deny na ikaw gumawa nun kasi matagal ko ng tinanong kay Van kung kilala ba nya yung gumagawa ng poems dedicated kay LJQ."
"Ok, ok, I admit. Ako nga. Pero hanggang ngayon hindi mo pa sinasagot yung tanong ko, bakit ako? "
"Hindi ko ma-explain eh. Basta sa'yo ko lang to naramdaman
Mas sumeryoso si Luis.
"Thanks Jessy. Kasi, ikaw lang yung nakaramdam ng lungkot ko at gustong magpasaya sa akin."
"Bakit si Casey? childhood friends nga kayo di ba? if I know, baka pinag match na rin kayo. "
"Si Casey? Matagal na nga kaming magkasama pero walang spark..."
"Ok. anyway, matagal mo na din pala akong crush? Admit it."
"Even before you keep an eye on me."
"Huh?"
Tanong ni Jessy, hindi lang talaga sya makapaniwala.
Bago pa nya naging crush si Luis, nauna na itong magka gusto sa kanya? Is that it?
" Last six years ago, I think, enrollment para sa high school freshmen sa Winterfield. Hindi ba, kasama mo si Dad Dylan na mag-enroll nun? Wala ka pang salamin nun kaya siguro hindi mo ko napansin."
"Tama, malabo na mata ko nun kaya siguro hindi kita napansin."
"We bumped into each other, muntik ka pa ngang matumba buti nasalo kaagad kita."
"Ah ikaw pala yun!"
"Yes. You just smiled and left me just like that. Siguro kung malinaw mga mata mo, sabay sana tayong na love at first sight."
"Talaga? Sayang nga. Anyway, tama, kasama ko nga si Tatay. Ano nangyari?"
"Wala naman. Forgive me if najudge agad kita. Yung suot mong faded-fabric dress, I know that's the best you have. I pity you. But then when I looked at myself, mas nakaka awa ako kasi I was all alone. I really feel so empty."
Sobrang naging emotional na si Luis.
" I find you so cute back then lagi ka kasing naka ngiti despite of everything. Masaya ka pa rin, feeling contented sa buhay. Those smiles of yours were the sweetest smiles I've ever seen in a girl. Tinamaan talaga ako."
Tanging ngiti lang ang tugon ni Jessy. Sinusulit ang kadaldalan ni Luis ngayong araw.
"Library is my haven since I was in grade school. alo pa kong napa dalas dun nung naging student librarian ka. Hindi ko pa ma-admit na crush na kita kasi nga sa isip ko magta-transfer ka rin pag dating ng second year, for sure malulungkot ako, kaya pinilit kong hindi ka pansinin. And I really regret kung bakit ngayon lang ako naglakas-loob sa'yo kung kailan may kaagaw na ako."
Obviously, he's pertaining to Rafael.
"Kaya nung nakita ko kayo ni Rafael sa court na magkayakap. I was dead jealous."
" Yeah, I remember."
"How about you? bakit mo naman ako nagustuhan? Eh maraming nayayabangan sa akin. Suplado raw ako. Babaero. I'm the exact opposite of Rafael."
" Ang alam ko lang, nung una kitang nakita, tumigil ang mundo. Nagblurred ang paligid, biglang nag disappear ang mga tao at ikaw lang ang in motion, feeling ko talaga nahulog ang puso ko. Ha ha. "
"That's so sweet."
"Oo nga magka-iba kayo ni Rafael. Ikaw moreno, sya napaka puti. Ikaw nakaka intimidate, sya very approachable. Ikaw serious, sya outgoing. Pero marami din kayong pagkakatulad."
Natahimik na lang si Luis, ayaw nya ata sa ideyang yun. Pero curiuos sya kay Rafael.
"Si Dad Dylan, Tita Jessica, and Rafael's mom, do you know the story behind their love triangle? Bigla kasi akong na-curious."
" Oo. Kinwento sakin ni Manang Zen. yun yung yaya nila Rael. Sya ang saksi sa love story nila. "
Nakinig ngang mabuti si Luis. Ayaw nyang na-iinterrupt ang kwento.
"Magkababata si Tatay saka si Tita Alexa, yung Mom ni Rael. Namamasukan sila dyan sa bahay na yan. Yung bahay ngayon nila Rael. Ang amo nila yung Amerikanong matandang binata. Pinag-aral sila nun sa Winterfield. Si Tatay, dahil matalino, naka kuha ng scholarship. Dun silang tatlo nagkakilala ni nanay.That time ang girlfriend nya ay si Tita Alexa, pero dahil na in love sa kanya si Nanay, eh syempre maganda na, sobrang yaman pa, ano pa ba hahanapin ng tatay ko, ayun, may nangyari sa kanila, at eto na nga ako ngayon. na gets mo?"
"Medyo, so nagalit si Tita Alexa?"
"Galit na galit. Pati ako nadamay sa galit nya.Hanggang sa napangasawa ni Tita Alexa ay yung Amerikanong matandang binata. Twenty five years ang agwat nila. Namatay na last three or five years ago yata yun."
"So you mean, yung Amerikano na yun ang Dad ni Rafael?"
"Oo saka ni Charity. Kaya nga dyan pa rin nag stay sila Tita Alexa kahit na pwede naman sila dun sa New york tumira for good, pero gusto nyang nakikitang naghihirap si Tatay. Di ba, parang witch lang ang dating."
"I can't blame her. Byuda na siya 'di ba, tapos si Dad Dylan single pa rin at si Tita Jessica kasal kay Uncle Felix, what if magbalikan si Dad Dylan at Tita Alexa? What do you think?"
"Mukhang wala na silang pag-asa. Sobra ang galit ni Tita Alexa sa tatay ko kaya nga hanggang ngayon hindi pa rin nya napapatawad."
" I don't think so, matagal ng panahon ang lumipas Jessy, dapat naka move on na sya ngayon pa na dalawa na ang anak nya, eh bakit affected pa rin sya ng past? Kasi nga she still loves your father."
"No! I hate that idea. Hinding-hindi ko sya matatanggap! At isa pa, mahal ko pa rin ang nanay ko kahit na pinagpalit nya kami sa Uncle Felix mo. Wait--"
Biglang natigilan si Jessy, may biglang pumasok sa kanyang isipan.
"Oo nga, ngayon ko lang napag tanto. Ang alam ko, bigla na lang kinick-out si tatay, at kahit saang university hindi sya nakapasok. At ban sya sa lahat ng mga kumpanya. Hindi ko rin lubos maisip kung bakit, eh running for Magna c*m Laude sya. Imagine, isang taon na lang ga- graduate na siya tapos nag quit pa. At wala talaga syang nagawa. Now I know, malakas pala ang nabangga nya. Kaya pala kahit capable naman sya sa corporate jobs, pinili nyang maging driver."
"I'm sorry. Kung totoong ganun nga ang nangyari. Dahil sa angkan namin, naging mahirap ang buhay nyo."
"It's ok. Past na yun. Saka hindi naman natin alam kung totoo yun at wag na natin alamin pa. Let's leave it all behind."
Napatingin si Jessy sa orasan. Naku! gabi na pala, napa haba ang kwentuhan nila ni Luis.