Chapter 16: Another High Profile Clan

1298 Words
Chapter 16 [ Another High Profile Clan] SA BAHAY NI DYLAN... "Mukhang ginabi yata kayo ah." Bati agad ni Dylan nang maihatid si Jessy. "I'm sorry, Mr. Del Valle. Nagpunta lang po kami sa Dad ko to introduce her as my girlfriend. Kaya ngayon lang po kami nakarating." Paliwanag agad ni Luis. "Girlfriend?!" Tanong ni Dylan na may halong gulat. Hinawakan ni Jessy ang kamay ni Luis at sya naman ang nagsalita. "Tay, h'wag ka mabibigla-- ang tatay ni Luis ay si Don Luisciano." "Luisciano Cruszi? yung chancellor ng Winterfield at presidente ng QNTV?" Tumango-tango lang ang mag nobyo. "Sino naman ang iyong ina?" Usisa ni Dylan. "My Mom is Mari Flores po." "Ah yung dating artista. Maganda yun nung kabataan nun. Sikat na sikat tapos bigla ngang nawala yun eh." "Opo, sya nga. Her real name is Maristella Quinson. I use her last name. Hindi po magka anak si Dad at Tita Margarita kaya nagka affair ang Mom ko at Dad ko. Sad to say. So illigitimate son po ako." Napatango na lang ang mag-ama sa confession ni Luis. "So, you mean, adopted lang si James?" Tanong ni Jessy. "Oo." "Uncle mo si Felix Cruszi?" Tanong naman ni Dylan. "Opo, uncle ko sya. Nag-iisang uncle ko at kapatid ni Dad." Halata sa mukha ni Dylan ang lungkot. "Saan ka nakatira ngayon?" "Sa bahay po ng Mom ko, pero mag-isa lang ako dun. Nasa Germany na po sya, may iba na ring pamilya." "Luis, alam kong secret lang yan. H'wag kang mag-alala, safe yang mga sikreto mo sa amin." Yun na lang ang nasabi ni Dylan at pumasok na sa kwarto. "Pasensya na Luis sa tatay ko. Parang napaka simpatiko. May matinding pinaghuhugutan kasi yun." " Ok lang, Jessy.' Hindi mapakali si Jessy, kailangan nya na itong sabihin kay Luis. "Kilala mo si Jessica Lee Cruszi di ba? " Napabuntong-hininga pa sya para itanong iyon. "Yes. You know her too?" Sagot ni Luis na patanong din. " Syempre. Kasi sya ang nanay ko " "What?! You're kidding, right? " Naluha na lang bigla si Jessy. "But, wife sya ni Uncle Felix so it's impossible!" "Obvious naman sa pangalan ko. My name was derived from her. Nung three years old pa lang ako, iniwan nya kami. Naalala ko pa nung hinabol ko sya nung sumakay sya ng tricycle hanggang sa nadapa na lang ako at yun na pala ang huli kong kita sa kanya." Iyak na ng iyak si Jessy habang kinukwento ang nangyari. Sariwa pa sa kanyang alaala, parang kahapon lang naganap. "Alam kong arranged marriage ang issue. Iniwan nya kami kasi hindi nya kayang mamuhay sa hirap. Siguro hindi nya kami mahal kaya naiwan nya kami ng ganun-ganun na lang." "Hindi naman ganun Jessy. Alam mo, I heard this before sa family reunion namin nung bata pa ako. Si Tita Jessica at Uncle Felix, nung mga bata pa lang pinag match na sila. Siguro,meron silang family deal. Ang hindi tumupad sa kasunduan ay mapupunta ang lahat ng kayaman sa kabilang clan. So that's it. That's the only valid reason I could think of. Ganun naman sa high profile clans." Natigil sa pag-iyak si Jessy, naibsan ang galit na nararamdaman dahil sa narinig. Matagal nyang kinimkim ang galit na ito. "Siguro nga, kung totoo yan, matinding pressure siguro ang maramdaman ng nanay ko. Mapupunta sa wala ang pinaghirapan ng angkan nya dahil sa amin ni Tatay. Pero mas matimbang pa rin ba ang kayamanan kesa sa amin?" "Of course not." Hindi na rin alam ni Luis kung pano iko-comfort si Jessy. "I really can't believe this, you are the first grandchild ng super rich and famous business tycoons. Alam mo ba sa kanila talaga ang QNTV at kung anu ano pang businesses at companies? sadyang matanda na kasi sila kaya sa Cruszi sila nakipag deal at pinaubaya ang pagmamanage ng mga assets nila?" "Hindi ko alam. Basta sabi lang ng tatay ko dati, hindi na raw kami babalikan ni nanay, kaya h'wag ng hintayin. Simula nun, hindi na namin sya pinag-usapan. Wala na rin akong balak alamin kung ano pang naging buhay nya. Tutal, ikinaila rin naman nya kami sa lahat ng kakilala nya at pati sa media." "Si Tita Jessica, pag may private family gatherings, dun ko lang sya nakikita. Though she's so stunningly beautiful yet she's so simple and evident ang kalungkutan sa mga mata nya. Maybe you're the reason why. Yeah, kamukha mo sya when she was younger. Baka sya yung tinutukoy ni Dad na kamukha mo na kakilala nya." "Pag nagkita kayo ulit, h'wag mo na kaming banggitin sa kanya ha." "Yes. Don't worry. Anyway, si Rafael ba alam nya yung tungkol sa nanay mo?" "Hindi nya alam. Bata pa kasi kami nun. Siguro kung makikita nya ngayon si Nanay, makikilala nya. Lagi kasi nyang nakikita yung family picture namin sa kwarto ko." "Ah ok... " Medyo hurt si Luis nang malaman nyang laging nasa kwarto ni Jessy si Rafael na para bang casual lang. "This is so unbelievable. Kapatid mo ang cousin ko. Alam mo ba na may younger brother ka? " " Ah oo. Si Nicholas. Nakita ko yung family picture nila sa isang business magazine. Hindi ko nga binasa yung featured article, parang hindi ko kasi kaya." "Yeah, I exactly knew the feeling. Alam mo yung pakiramdam na nakikita mo yung Mom and Dad mo, they're happy with their respective families at ikaw naiwan mag-isa." " Kumusta naman si Nicholas?" Pag iiba ni Jessy ng usapan. Masyado na kasing mabigat ang atmosphere. Excited din syang marinig ang tungkol sa kapatid nya. "Nick's ok. Mas close ko pa nga sya kesa kay James. He's very handsome. I think, compatible ang genes ng mga Cruszi at Lee." Nangiti na lang si Jessy sa ibig sabihin ni Luis " My ghad! Andaming ganap sa araw na ito. Very memorable ang first day natin, Luis. And I can't believe with all the secrets revealed. Akalain mong totoo pala yung chismis na anak ka ni Don Lusciano! Sabi mo pa dati, how can it be possible eh sobrang yaman nun. So sobrang yaman mo pala talaga. " "Illigitimate child lang naman ako. Ikaw nga itong mas mayaman ang angkan." "Hindi naman ako kinikilala. Wow Luis, we had a same fate!" Bigla namang tumunog ang cellphone ni Jessy, nag text si Rafael ipinapaalala nito ang oras ng kanilang practice para sa kanyang talent portion. Hindi tuloy maiwasan ni Luis na mag react. "Hindi ka ba pagtsismisan ng mga kapitbahay nyo?" Mahinang tanong ni Luis na para bang alanganin sa kanyang tanong. "Hindi. Bakit naman? Matagal na kaming magkakapitbahay dito. Wala namang pakialaman sa buhay ng may buhay. Bakit mo naman naitanong bigla?" "Naiisip ko lang kasi laging nandito si Rafael tapos ako naman dinala mo rito--" "Matagal na nilang kilala si Rafael pati nga yung tatay nyang Amerikano. Alam ng mga kapitbahay ang history ng mga pamilya namin kaya h'wag mo na silang isipin." "Pero 'di ba, hindi maganda tignan na may boyfriend ka tapos pinuntahan ka ng ibang lalaki sa bahay nyo--" Napatingin ng maigi si Jessy sa mga mata ni Luis. "Ayaw mo ba syang papuntahin dito?" "Mapipigilan ko ba kayo? Hindi naman 'di ba?" Iniwas ni Luis ang kanyang tingin. "Tinatanong kita, ayaw mo ba syang pumupunta rito?" "What if I say yes?" Muli syang tumingin kay Jessy at lalo pang sumeryoso. "You're not kids anymore, stop hiding from this 'childhood friends' excuses para mapalapit sya sa'yo--" Ikinalma ni Luis ang kanyang sarili matapos tumaas ang boses. "I'm sorry." Iyon lang ang kanyang nasabi. Ganito ba talaga ang 'in a relationship' nagiging possessive pa lalo. Biglang may naalalang itanong si Jessy. "Nga pala Luis, sa dinami-rami ng magaganda, sexy, mabait, matalino sa Winterfield na umaaligid sa'yo, bakit ako pa? Wala namang espesyal sa akin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD