Chapter 15 [The High Profile Clans]
"I'm not kidding Jessy. I will introduce you to my Dad. Haha."
Ang tatay nya ba yung kaninang kausap nya sa telepono? Hindi naman siguro si Casey iyon 'di ba?
Hindi tuloy alam ni Jessy kung seseryosohin nya ang sinabi nito. 'He's not kidding daw' pero bakit sya tumatawa?
Sana binibiro lang sya tungkol kay Don Luisciano.
"Kapag nakita mo si Dad, just be your self and don't take him seriously."
Bago pa makapagtanong si Jessy... nakarating na sila sa isang exclusive village sa Makati. Mukhang hindi talaga nag bibiro si Luis.
SA MANSYON NG MGA CRUSZI...
"Grabe, ngayon lang ako naka pasok sa isang totoong mansyon, Luis. Dito ka ba nakatira?"
"No. Yung Dad ko."
Nakarating sila sa garden, ito ang receiving area para sa mga guests. Naka-upo duon ang isang Donya, umiinom ng tsaa.
"Good afternoon, Tita."
Hinalikan ni Luis ang Donya sa pisngi.
"Tita, this is my girlfriend, Jessy."
"Oh..." Yun lang ang nasabi ng Donya na halatang nagulat sa sinabi nya.
Nagbeso-beso naman ang dalawang babae.
"Good afternoon, Tita." Bati ni Jessy.
Nawala ang kaba nya dahil mukha namang mabait ang Donya.
Teka lang, namu-mukhaan nya ito. Hindi sya pwedeng magkamali!
Isa syang Journalism student kaya updated sya sa current events at relevant sila sa mga news.
Si Donya Margarita ito!
Nawala ang ngiti nya at napalitan ng mas matinding kaba.
"Nandito na pala yung Dad mo."
Sabi ni Donya Margarita nang makitang dumating na ang Dad ni Luis at papalapit na sa kanila.
Hindi! Ayaw lumingon ni Jessy, ayaw nyang makita ang Dad ni Luis.
Dumadagundong na ang kaba sa kanyang dibdib!
Isang mahigpit na yakap ang bati ng mag-ama sa isa't isa.
Parang ang tagal nilang hindi nag kita.
"Son, anong importanteng bagay yang sasabihin mo? Napa-uwi tuloy ako agad-agad. "
Tanong ng Dad ni Luis na naka tingin kay Jessy, napansin nitong tulala ang dalaga. Marahil nakilala sya. Sino ba ang hindi nakakakilala sa kanya?
Bakas sa mukha ni Luis ang excitement.
"Dad, this is Jessiely del Valle, my girlfriend."
Hindi maka-kilos si Jessy. Kaya ang Dad na ni Luis ang nakipag kamay sa kanya.
"Jessy, this is my Dad."
"I'm glad to meet you po."
Napatingin si Jessy kay Luis habang nakikipag kamay sa tatay nito. "...Don Luisciano Cruszi?"
Parang gusto ng himatayin ni Jessy. Totoo pala ang chismis na si Don Luisciano ang tatay ni Luis Joseph Quinson.
"May problema ba hija? Mukhang may sakit ka." Pag aalala ni Don Luisciano.
"Ah wala po. Nabigla lang po ako. Hindi ko po kasi alam na--"
"Yes. I am his Dad. He owes me his good looks. Ha ha."
Natawa ang lahat sa biro ng Don, si Jessy lang ang hindi.
Hindi dahil sa hindi nya ma-gets, kundi hindi lang talaga nya magawang tumawa.
In-shocked pa rin pati ang bagang at ngala-ngala nya.
"Hindi talaga pinapa-alam na anak ko 'tong gwapong 'to. Secretive kasi ang family namin. Ha ha ha."
Nagtawanan na naman sila, mas malakas na ang tawa ni Don Luisciano sa sarili nyang joke.
Si Jessy nakitawa na rin, sa wakas, nakisama na ang mga senses nya!
Pina-upo sila ni Donya Margarita sa couch na nasa garden at nagsimula nang mag-usap.
Grabe, tumatagaktak ang pawis ni Jessy kahit na mahangin naman.
"This is the first time na may in-introduce ang anak ko sa akin. Meron syang nabanggit sa akin dati when he was still in high school, na love at first sight daw sya. Ha ha. But that was a long time ago."
Napa lunok na lang si Jessy. Na-curious tuloy sya kung sinong maswerteng babae ang nakabighani kay Luis.
First time lang daw may ipinakilala si Luis, nakaka pressure ang expectation ng Don.
"Dad, she's our class Valedictorian. And now my classmate."
"Impressive. You surpassed my son, kaya siguro nagustuhan ka nya, besides your beautiful looks. I think you looked like someone I know. But anyway, how about your family? You're the daughter of Don...?"
"Ah, Dylan del Valle po. Hindi po sya Don. Valedictorian din po sya nung elementary at high school. "
"What school?"
"Ah, Bagui-on Elementary at High School po."
"Oh, never heard."
"It's a provincial community school po, it's not prestigious po like Winterfield."
"I see."
"Saka Winterfieldian din po sya nung college sya."
"So, what's he doing now? Parang familiar yung name nya."
"Nagta-tricycle po. Nung college po sya, malaki sana chance nya maging Magna c*m Laude."
Parang hindi naman na-impress sa sinabi nya ang Don. "How about your Mom?"
" Iniwan nya po kami nung three years old ako. Sya po ang dahilan kung bakit hindi naging Magna c*m Laude ang tatay ko."
Pinilit ni Jessy na h'wag maiyak. Mukhang matindi ang pinaghuhugutan ni Jessy.
"Ow..." Yun lang ang naging reaction ng Don at Donya.
"Hija... are you aware that most of high profile clans have this tradition-- arranged marriage?" Seryosong tanong ni Don Luisciano.
Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ni Jessy parang gets nya na ang gustong iparating ng Don.
"Opo Don Luisciano..."
Alam na alam ko po. Iyan po ang dahilan kung bakit kami iniwan ng nanay ko.
Yun ang nasa isip ni Jessy between her anger, it can be seen in her eyes.
Hindi nya na matagalan ang usapan na iyon baka tuluyan na syang umiyak.
Bago pa nya marinig ang kinakatakutan nyang marinig na fixed marriage, she graciously asked Don Luisciano's permission to leave.
"Ok, nice meeting you, hija. I have to go too. You know, I'm a busy man. I'm busy to expand my corporations, ha ha.
Sabi ni Don Luisciano nang magpaalam na si Jessy.
"Son, give her a ride, take care of her." Utos naman nya kay Luis.
"I love you, son." Dagdag pa nito.
SA KOTSE NI LUIS...
"Sorry Luis, pasensya na sa inakto ko sa harap ng Dad mo kanina. Hindi ko kasi ine-expect na tatay mo pala talaga si Don Luisciano."
"It's ok Jessy. Sorry din hindi ko nasabi sa iyo. Pero, why you acted that way? parang hindi ikaw yun kanina. Is it about your mother?"
"Mamaya, sasabihin ko lahat sa iyo. Ipapakilala ko naman ang tatay ko. Nga pala, pwede ko bang sabihin sa kanya na si Don Luisciano ang Dad mo?"
"It's ok. He's my future dad-in-law anyway but please sa atin- atin na lang yun."
"Understood."
Si Jessy naman ang may sikretong ibubunyag.