Chapter 14 [ Privately Yours]
KINABUKASAN...
Dahil sa 'kissing scene' kahapon sa Music room, hindi pinansin ni Luis si Jessy buong maghapon. Worst, kasama pa nito si Casey.
Mukhang nagtagumpay ang pag 'set-up' sa kanya.
Si Rafael naman, as usual naka tambay na sa labas ng classroom niya, hinihintay sya.
"Pinlano nyo yun ni Casey kahapon? Goodness Rael, that's ridiculous!" Sabi ni Jessy sa tonong kalmado pero halatang galit. Tinutukoy yung paghalik sa kanya kahapon.
"Of course not! It was just a peck on your cheek. Bakit ka ba galit na galit? It was just a friendly kiss, namiss kasi kita. Kung planado yun---"
He threw his arm around Jessy's waist so tightly and made it closer to him, habang tinititigang maigi ang mga mata ni Jessy pababa sa mga mapupula nitong mga labi, nakakatuksong halikan.
Lalo pa't mahigpit din ang kapit nito sa kanyang braso na parang nanlalambot ang mga tuhod, ibig sabihin, may nararamdaman din itong electricity na kumukeryente sa kaloob-looban.
"I would kiss you so tenderly, a kiss that you will never forget, and you will ask for more..."
Pilit na kumawala si Jessy. Aaminin nyang para syang nakawala sa isang magic spell sa ginawa nito sa kanya.
Nahihiya sya dahil alam nyang maraming naka-tingin.
"Definitely, hindi ko alam yang binibintang mo. Kaya forget it. Kasalanan ko bang napaka sensitive nya? nanliligaw palang possessive na."
Naniniwala naman talaga si Jessy.Galit lang talaga sya.
******************
Galit pa rin si Jessy habang naghihintay ng jeep sa labas ng Winterfield. May huminto namang itim na sasakyan sa tapat nya. Hindi sya pwedeng magkamali, kay Luis iyon.
Si Luis nga. Niyaya syang sumakay at ihahatid na sya pauwi.
SA KOTSE NI LUIS...
"Wala ba kayong practice ng best friend mo? Next week na yung pageant." Tanong ni Luis. Mukhang hindi naman galit. Malayo sa inakto nito kahapon sa Music room.
"Huh? Magku-quit na lang siguro ako. " Malungkot na sagot ni Jessy.
Mas nalungkot naman si Luis sa narinig. "Why? Sayang yung chance na mai-prove mo sa lahat na deserving ka maging Ms. Winterfield. Kalimutan mo na yung deal natin para hindi ka na rin ma-pressure."
Kalimutan na daw ang deal? Does it mean, quit na rin si Luis sa panliligaw?
Biglang tumunog ang cellphone ni Luis. May tumatawag. Hindi nagdalawang isip na sagutin kahit hawak ang manibela.
[I'm sorry sweetie, I'm drivin'. I'll text you later.]
Siguradong importanteng tao ang kausap nya kanina para replyan habang nagda drive. Ngunit ano daw? sweetie? sino bang sweetie yan?
"Sobrang ingat mo mag drive, never kang sumagot ng phone,ngayon lang. Sino ba yun? "
"Favor naman Jessy. Please, ikaw na ang magtext for me?" Sagot ni Luis obviously hindi pinansin ang tanong nya.
"Sure..." Walang magawa si Jessy kundi sundin ito.
[Yes. I'll be there at twelve midnight.]
"Kanino ko na'to ise-send?" Tanong ni Jessy matapos mag-type.
"Cassandra Jean Hawkins, name nya sa contacts ko." Casual na sagot ni Luis.
Cassandra Jean Hawkins? as in si Casey? Nakaramdam ng inis si Jessy at 'di na maiwasang mag react.
"Bakit? anong ibig sabihin nito?"
"Nothing. Niyaya lang nya akong pumunta sa unit nya."
"Ha?! Twelve midnight? Ano yun, dun ka matutulog?"
"Why not? Hindi ba kayo rin naman ni Rafael, remember dun sa kotse nya, sabi mo it's nothing, kahit nga you're both half naked. Well, ganun din kami ni Casey."
"Magka-iba yun. Hindi kami tabing natutulog! Pwede bang pakitabi yung sasakyan?"
"Why? Malayo pa yung place mo."
"Will you please, pull the car off?" Galit na talaga si Jessy kaya sinunod na sya ni Luis.
"May problema ba, Jessy?"
Problema? Nananadya ba ito o talagang hindi ma-gets?
"Tingin mo, ise-send ko kay Casey 'to?"
"Then don't send it. Tatawag din naman yun ulit."
"Hindi pwede!"
"Why not? Pinagbabawalan mo na 'ko?" Bakit, girlfriend ba kita?"
Humupa ang galit ni Jessy. Pero gusto talaga nyang magalit.
"Bakit si Casey? Ano mo ba sya? girlfriend mo?"
" Boyfriend nya ako. Friend ko lang sya... with benefits."
" What?!" Naunawaan naman yun ni Jessy, yun na lang nasabi nya on her disbelief.
"Call me arrogant or p*****t, whatever, but ganun talaga, sila na lumalapit, matatanggihan ko ba?"
Bago pa makapag react si Jessy, nagpatuloy si Luis sa pagpapaliwanag.
"Believe me Jessy, simula ng nanligaw ako sa iyo, I hadn't slept with anyone. Ikaw lang ang naging babae ko. Got it?"
Humupa na rin ang tension. Si Jessy, narealize nyang totoo ang mga sinabi ni Luis.
Alam naman nyang marami na itong naka make out pero simula ng nanligaw sa kanya, wala ng ibang sinamahan. Umiwas sa lahat ng babae pati na sa mga barkada.
"Luis, h'wag kang pupunta kay Casey. Please." Her voice is trembling in anger and sadness.
" Why not?" Asked Luis with all sincerity. Hoping for an honest answer.
"Kasi akin ka lang. "
Ito na ang pagkakataong hinihintay ni Luis at hindi nya na ito papalampasin. Hinawakan nya ang kamay ni Jessy.
Hindi ito ang oras para pairalin ang katorpehan. He gently lifted up her face so that their eyes would meet again.
"Do you love me Jessy? Will you be my girlfriend?"
"Oo Luis Joseph. Mahal na mahal kita. "
Those beautiful words bottled up inside of her for five years finally uttered.
"So, Jessy, I don't have to wait till next week? As in 'tayo' na talaga?"
"Oo Luis. I can't wait din till next week."
Biglang tumunog ang cellphone ni Luis.
Cassandra Jean Hawkins calling...
Si Jessy na ang sumagot dahil hawak naman nya ang cellphone ni Luis.
[Hey, sweetie are you coming?] Halata ang excitement ni Casey over the phone.
[Sorry sweetie, he will not come. He can't and he won't.]
[Who's this? Hey! Is it Nerdy? Si Luis ang kausap ko, give him back his phone!]
Halatang galit si Casey dahil ang lakas ng kanyang sigaw, rinig na rinig ni Luis ang boses nya.
[Goodbye, sweetie...]
Pinatay na ni Jessy ang linya. Binalik ang cellphone kay Luis.
"Siguro naman may karapatan na akong gawin yun."
"You have all the rights in the world, Jessy."
************
Bubuksan na sana ni Luis ang engine ng kotse nang napansin nyang parang may gustong sabihin si Jessy.
"Hindi ka ba masaya na tayo na?"
"I'm the happiest woman on earth now, Luis."
"Then what's bothering you?"
"Pwede bang low-key lang tayo?" Nahihiya pang sagot ni Jessy.
" Why? Are you ashamed of me?"
Natawa na lang si Jessy sa ideyang yun. Siya pa talaga ang may ganang mahiya.
"Baka kasi maraming magalit sa akin. Alam mo na, sa dinami-raming nagkakandarapa sayo, sa isang nerd ka lang napunta."
Na-relieved naman si Luis. He fully understand her situation. Akala kasi nya dahil na naman kay Rafael. Hindi naman kailangan maging public ang relasyon nila. Alam naman ng lahat na they're into each other. Kailangan nya lang i-assure kay Jessy na everything's ok.
"You're so mindful of everything. Forget them. We all have the rights to choose our happiness."
" Thank you Luis, at sorry, marami lang akong pressures. Alam mo naman first time ko sumali sa pageant. First time ko rin magka boyfriend."
"I understand. Pressured din ako. Believe it or not, ikaw ang una kong girlfriend."
" Talaga ba?"
"Yeah. Sabi ko kasi dati, manliligaw lang ako sa babaeng magpapatibok ng puso ko. Yung sure akong sya na. Yun bang ipapakilala ko kay Dad at Mom."
" What can I say? I'm so flattered. "
"So shall we go? may pupuntahan tayo." Yaya ni Luis.
"Saan?"
"Sa bahay ni Don Luisciano Cruszi."
"Nagbibiro ka lang 'di ba?"
Diretso lang ang tingin ni Luis sa daan habang naka-ngiti.