Chapter 13 [Audition]
Dumating na rin ang audition day para sa Ms. Winterfield Pageant kung saan naglakas-loob si Jessy na sumali.
Kinailangan pang hilahin ni Luis si Jessy papunta sa kuhaan ng application form para sa mga gustong sumali.
Nahihiya kasi si Jessy na kumuha, nandun na kasi sila Casey para suportahan si Ella. Mga nakataas ang kilay. Si Charity lang ang naka ngiti at bumati sa kanya.
"Hi, Ate Jess. Sasali ka rin pala! Hindi ko alam na gusto mo rin pala maging beauty queen. Wala naman kasing sinasabi si Kuya."
" Ah hindi naman sa gusto ko maging beauty queen, napilitan lang talaga ako. Ha ha." Itinuro nya si Luis na matyagang naka pila sa kuhaan ng form.
"Oh, nice!" Charity exclaimed joyfully.
"Hindi naman alam ni Rafael na sasali ako kaya wala syang sinasabi sa iyo."
Si Luis pa ang kumuha ng form, sobrang excited kulang na lang sya ang magfill-out para kay Jessy.
"Are you sure, it's Ms. Winterfield pageant?" tanong ni Casey.
"Why d'you ask?" tanong din ni Ella.
"May nerd kasing sasali, so I thought it must be Ms. Winterfield--Nerdy Edition." Sagot ni Casey at nagsi-tawanan ang mga bruha except kay Charity.
"Sure win ka na pala Ella. Uh-oh, walang thrill." Dagdag pa ni Shey.
Hindi na lang sila pinansin ni Jessy. Instead ang napansin nya ay ang kausap ni Luis na si Van Ellarde, ang president ng Journalism org. Magbarkada nga pala sila.
Natuwa si Van nang magpasa sya ng form. Ito pala ang coordinator ng pageant.
"Nice, Jessiely, napilit ka ni Luis sumali at least ngayon may chance ng manalo ang Ms. Journalism. Good luck!"
"Thank you po, sir. Na-pressure tuloy ako." Napangiti si Jessy.
"Don't be. Just believe in yourself. Marami kaming naniniwala sa iyo but amongst them, I'm the number one fan." Sabi ni Van at may kasama pang wink.
"Hey, get your fact straight. I'm her number one fan." Sabat ni Luis at seryoso nya itong sinabi.
Nahiya lalo si Jessy sa usapan ng dalawa. Marami kasing tao sa paligid.
Wala ng atrasan dahil one week na lang at pageant night na. Buti nakapasa sya sa elim dahil essay writing ang exam at ito ang kanyang forte.
Maraming nagsabing kaya lang naman sya nakapasok ay dahil presidente ng Journalism ang in-charged sa pageant. Wala naman syang ibang talent kundi ang pag-sulat.
Naging determinado tuloy siya na manalo to prove them wrong. Gaya ng sinabi ni Luis.
SA LIBRARY...
"Jessy, bukod sa napapa-in love mo ang mga gwapo, ano pa bang talent mo?" Seryosong tanong ni Luis.
Tawa naman ng tawa si Jessy pero mahina lang dahil nga nasa library sila.
"Talaga bang in love ka sa akin?"
"Wala naman akong sinabing ako yun. Malay mo, si Van o si Yuan ang tinutukoy ko. Siguro gwapong gwapo ka talaga sa akin noh? "
Lalo namang natawa si Jessy. "Oo naman."
"I'm serious, bakit ka tumatawa?"
"Seryoso din naman ako ah." Pero tuloy pa rin sya sa pag-tawa.
"With all seriousness, anong talent ang gagawin mo sa talent portion? Next week na yun and it comprises of forty percent in judging."
"Pwede akong kumanta habang nag gi-gitara."
" That's nice. Hindi ko alam yun ah."
"Gusto mo duet tayo?" Tanong ni Jessy.
"Naah.. I'm sorry. Hindi ako marunong kumanta." Pag-amin ni Luis.
"Ok. Sayang naman. Pwede bang duet kami ni Rafael?"
Tuluyan ng nawala ang ngiti ni Luis. "Bakit kailangan kasali pa sya?"
"Magaling kasi sya mag-gitara. Ako kasi medyo nakalimot na. Saka maganda talaga boses nya."
"Ok. Bakit kailangan pa ng permission ko? Hindi mo naman ako tatay, lalong hindi mo naman ako boyfriend."
"Bakit ba lagi mo na lang yan sinasabi?"
"Totoo naman di ba? Hindi mo ko boyfriend. Hindi ko nga alam kung may balak ka pang--"
"After i-announce ang name ko as Ms. Winterfield 2013, yun na rin yung official day natin as couples. Ok na ba yun?"
Full of confidence na sabi ni Jessy.
May magagawa pa ba si Luis kundi ang pumayag sa duet nila Rafael at Jessy. Basta kailangan makuha nito ang title. Whatever it takes. Titiisin na lang nya ang selos ng panandalian.
SA BAHAY NI JESSY...
Nakiusap si Jessy kay Rafael na maging kaduet nya sa talent portion. Pumayag naman ito. May dala pa ngang gitara nung pumunta sa kanilang bahay.
"Ano yan, manghaharana ka ba?" Biro ni Dylan.
"Yes po Dad Dylan. Pwede naman 'di ba?"
"Rael! Baka maniwala yang tatay ko. " Isang pag-siko sa tagiliran ni Rafael ang binigay ni Jessy.
Siya na ang nagpaliwanag na sasali kasi sya sa Ms. Winterfield pageant.
Hindi na magtataka si Dylan. Sumali rin sa Ms. Winterfield ang nanay nito.
******************************
SA CLASSROOM
Pagtapos ng klase, sinundo na ulit ni Rafael si Jessy na matagal na rin nyang hindi nagawa. Mabuti na lang at abala si Alexa sa kanyang trabaho.
"Luis, magpapractice lang kami ni Rafael sa Music room."
"Bakit kelangan pang humingi ng consent? Tatay mo ba yan?" React ni Rafael na may halong inis, bakit kasi kailangan pang magpaalam.
"Bakit? Sa tatay lang ba nagpapa alam? pwede rin naman sa boyfriend 'di ba?"
Si Luis na ang sumagot sa tonong pang-aasar.
Agad namang umawat si Jessy, baka lalo pang magka-pikunan.
"Rael, nagbibiro lang si Luis. Halika na."
SA MUSIC ROOM...
"Jessy. Nakakapikon talaga yan." Banas na sabi ni Rafael.
"Sino?" Simpleng tanong ni Jessy habang pinag aaralan ang chords ng kanilang kakantahin.
"Yung conceited mong manliligaw."
"Si Luis? Hindi sya conceited, sadyang aware lang syang gwapo talaga sya."
" But not as gwapo as I am." Mahinang sagot ni Rafael.
"Who's conceited now? Anyway, bilisan na natin, thirty minutes lang ang paalam ko kay Luis, eh late ka na ng thirty minutes, baka papunta na yon ngayon."
"Edi tapusin na natin ngayon. I'll go ahead. Para hindi na masayang ang oras mo."
"Kanina pa mainit ulo mo. Just say you don't want to do it."
"See, you don't care why I'm late."
"Bakit nga ba? Ano ba pinagkakaabalahan mo?"
"Nothing. Wala ka talagang pakialam."
Out of nowhere... bigla na lang nagnakaw ng halik si Rafael malapit sa labi ni Jessy.
Sing-bilis ng kidlat ang pangyayari! Bago pa maka-react si Jessy, nauna na si Luis. Oo, ang tindi ng mata ni Luis dinaig pa ang may third eye. Nasaksihan kasi nya ang ginawa ni Rafael.
"This is bullshit Jessy! " Galit na galit si Luis na first time ata magpakita ng strong emotion. Nagdabog pa ng pinto paglabas.
'Luis!" Sigaw ni Jessy. Hahabulin na sana nya kaso pinigilan sya ni Rafael.
"Rafael, bakit mo naman yun ginawa?!"
Pag labas nya ng pinto, naruon si Casey. kibit-balikat pa at mala-ngiting asong poodle na cross-breed ng chihuahua.
So isa itong malaking set-up?!