Chapter 12: Sportsfest

1247 Words
Chapter 12 [Sportsfest] SA BASKETBALL COURT NG WINTERFIELD... Annual sportsfest ng Winterfield. Isa ito sa major events ng university gaya ng Winterfield Pageant. May malaking premyong naghihintay sa mga champion. Sa sportsfest din madalas nag ii-scout ng mga players na pwdeng maging professional players na mapapanood on national tv. Kahit sa sports, matindi ang rivalry nila Luis at Rafael. Hindi dahil sa gusto nilang sumikat o sa anumang premyo, kundi dahil kay Jessy. Ang team nila ang nagkita sa finals. Halatang nagkaka-initan silang dalawa sa basket. Matagal ng basketball heartthrob si Luis at mukhang naagaw na ni Rafael ang kanyang titulo. Si Rafael naman, pakiramdam nya ay inagaw sa kanya si Jessy. Obviously, this game is not just a game. It's more than about basketball. Ngayon, crowd favorite na si Rafael lalo na nung sinupalpal nya si Luis ng buong-buo. Ngayon lang ito napahiya ng ganun sa basketball. Gusto nyang sirain ang laro ni Rafael. Kaya nung time-out, lumapit sya kay Jessy na nasa bench nila na para nyang personal water girl. Pinunasan pa ang kanyang pawis. "Galingan mo Luis." May words of encouragement pa mula sa dalaga. Game resume... Habang naghihintay ng rebound sa free throw line, nagkaroon pa ng oras makipag trash-talkan. Kapansin-pansin ang pikunan nila. "See my number one fan out there?" Sabi ni Luis kay Rafael na tinutukoy si Jessy. "Galingan ko raw. So what's the feeling ng marami ka ngang taga hanga pero yung nag iisang gusto mong maging fan, sa akin nagchi-cheer?" Nakakapikon na 'tong mokong na 'to ah. Sa isip ni Rafael. Pero hindi sya magpapadala sa pang-iinis nito. Alam nyang tactic lang ito para sirain ang laro nya. Too late anyway, eleven points na ang lamang nila. "Yeah. You desperately needed a cheer, loser." Asar din nya. Ang nakakainis lang, pati ang kapatid nyang si Charity may pagka-balimbing. Ang lakas ng tili kapag hawak ni Luis ang bola. Nakakasira ng laro. Pinagbutihan na lang nya ang laro, nag focus maigi tutal kampi naman na sa kanya ang crowd. Isang bitiw nya ng tres at boom pasok! Sampung segundo na lang ang natitira, labing apat na puntos na ang kanilang kalamangan kaya tinamad na rin mag-laro ang Journalism, inuubos na lang nila ang oras sa shot clock. BEEEEEEEEPPPPP. Sa wakas natapos din ang laro. Ang final score; 78-64 in favor of Architecture. For the first time, hindi nag kampeyon si Luis. It's all Rafael's fault. Nakaranas din naman sya ng pagkatalo pero he graciously accepted his defeat. But not this time. Ang hirap mag sink-in sa kanyang isip, sa puso, sa atay, sa balunbalunan at sa buo nyang pagkatao na natalo siya ni Rafael. Si Jessy na lang ang tangi nyang consolation. Alam nyang selos na selos ito dahil si Jessy ang tagapunas ng kanyang pawis. She stayed with him all through out ng Sportsfest. Hall of famer na si Jessy sa mga board games at inaasahan ng Journalism Team. Pero mas pinili nitong maging personal assistant nya kesa sumali sa mga games. Dun pa lang panalo na sya eh. Speaking of Rafael... Nilapitan sya nito kasama si Charity at nakipag kamay. Pinakilala pa ang kapatid nya. They're good sport after all. "Hi there. " Bati ni Charity sa kanya at kay Jessy habang naka tago ng bahagya sa likod ni Rafael. Nahihiya sya kay Luis. She's so cute though. Maya-maya tinawag na si Rafael para mag celebrate ng pagkapanalo nila. Hinila nya si Jessy at wala naman magawa kundi ang sumama. Gustuhin man ni Luis na sundan si Jessy. Ayaw nyang iwan si Charity na mag-isa. Pagod na rin kasi sya at gusto munang mag pahinga. Sinundan na lang nya ng tingin, tutal abot-tanaw lang naman sila. Nagbasaan ng tubig, gaya ng taon-taong tradisyon ng mga nag-champion. Nagsayawan sa saliw ng malakas na tugtog. Naalala nya ang mga panahon na sila naman ang masayang nagse-celebrate. Ngayon dahil kay Rafael, simula ng dumating ito sa buhay nya lahat na lang parang unti-unting inagaw sa kanya. Tahimik syang nagngitngit habang minamasdan ang paglalambing ni Rafael kay Jessy. Nakasukbit ang mga bisig nito sa bewang ng dalaga at sinayaw ng napaka-sweet. Halata namang awkward na para kay Jessy, gusto na nitong umalis. "Rael, mauna na ako. Hindi naman ako dapat nakiki-celebrate sa inyo, tinalo nyo nga yung team namin." Lalo pang hinigpitan ni Rafael ang pagkaka-hawak nya kay Jessy. Sa pagkakataon na yun, hindi na natagalan pa ni Luis ang nakikita baka mapa away pa sya. Gusto na nyang umuwi na lang. Nagpaalam na sya kay Charity na mauuna na upang makapagpahinga na. "Oh, wait--" Kanina pa nya katabi si Charity at tahimik lang ito kung kailan naman sya aalis saka ito nagka-lakas ng loob mag salita. "Yes, Ms. Richards?" "Ahm, si Ate Jessy-- Ah, nothing. You can go now, if you please." Napayuko na lang si Charity. "Are you sure? If you were to ask, if I like her, yes, I do." Iyon na lang ang nasabi ni Luis, ngumiti ng tipid at magalang na umalis. Napansin ni Charity ang isang cellphone sa kanyang tabi. Confirmed nya na agad na si Luis ang nakaiwan nun. Picture kasi ni Jessy ang lockscreen. Ang sweet naman ni Luis. Pinuntahan nya ito sa dug-out upang ibalik ang phone. Samantala, pinakawalan na rin ni Rafael si Jessy. "Magpalit ka muna ng shirt. Basang-basa ka na baka magkasakit ka. Lika sa kotse may extra akong shirt dun. SA KOTSE NI RAFAEL... Inalok ni Rafael ang extra shirt nya kay Jessy. "Paano 'ko magbibihis?" Tanong ni Jessy. "Goodness Bhe, ang tanda mo na, hindi mo pa rin alam kung paano mag-bihis? D'you like me to do it for you?" Biro ni Rafael. "I mean, saan ako magbibihis? Dito?" "Oo, kung gusto mo sa labas." Biglang nag hubad si Rafael, tumambad ang matikas nitong pangangatawan, ang abs, ang dibdib, at ang matipunong triceps at biceps. Nahiya tuloy si Jessy. "C'mon Jessy... para namang hindi tayo sabay naliligo nung mga bata pa tayo." "H'wag kang titingin!" Sabi ni Jessy. "Rael, mga bata pa tayo nun. Iba na ngayon." Nag hubad na rin ng basang damit si Jessy. Hindi naman maiwasan ni Rafael na hindi tumingin. Yun bang pag sinabihan ka na h'wag tumingin lalo kang maku-curious at bigla kang mapapatingin. "Iba na nga ngayon, ang laki na nga eh." Tinutukoy ang dibdib ni Jessy habang sinusuot nito ang shirt. Biglang bumukas ang pinto ng kotse. Si Charity at si Luis! Sakto namang hindi pa naisusuot ni Jessy yung shirt. Gulat na gulat silang apat sa tagpong iyon. Lumakad na si Luis ng walang anumang sinabi kaya nang nakabihis na si Jessy ay hinabol nya ito. "Luis! Teka lang! It's not what you think!" Huminto naman si Luis at hinarap sya. "Wala naman akong iniisip." "Luis, I know iba iniisip mo pero, nagbihis lang kami walang malisya dun." "Ok." At tinalikuran na sya ni Luis pero hinabol pa rin nya. "Luis... it's nothing!" Sigaw ni Jessy dala ng kanyang frustration. At pinansin na nga sya nito at hinarap. "Nothing?! pareho kayong half-naked na naabutan namin. Anong iisipin ko?" "Basang-basa kami kaya--- " " Enough!" Natahimik na lang si Luis, mukhang kalmado na after mailabas ang galit. "You don't have to explain, I'm not your bf anyway..." "Pero ikaw ang gusto kong maging--" Napigilan ni Jessy ang sarili na sabihin na gusto nyang maging boyfriend si Luis ngunit hindi pa sya handa kaya ganon na lang sya nafu-frustrate. "D'you need a ride? o baka hinihintay ka na ng best friend mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD