Chapter 11: Confidential

1534 Words
Chapter 11 [ Confidential] SA LIBRARY... Finally, after an hour, natapos din si Jessy sa pag aayos ng mga libro. Ito na ang huli nyang responsibility bilang isang student librarian. She got too emotional reminiscing the time she spent sa library na ito sa loob ng apat na taon. Dito rin nya madalas nakikita si Luis at palihim nyang tinitignan. This place is her safe haven, her second home. Kasama nya palagi ang kaibigang si Ria. She missed her so much. Hindi nya mapigilang 'di lumuha. Napansin naman ito ni Luis. "Are you alright?" He asked in a soothing calm voice na lalong nagpalungkot kay Jessy. "Wala naman. Naalala ko lang si Ria." She wiped off her tears at ibinaling sa malayo ang tingin dahil ayaw nyang makita siya ni Luis na lumuluha. "I know how it feels to be alone. Wala man sya sa tabi mo but I'm sure she will never forget you. I know I could never take her place, a friend like her is irreplaceable, but I'm just here--" "Thank you." Iyon na lang ang nasabi ni Jessy, she's overwhelmed with emotions. "Geez, I'm too cheesy. This is not how usually talk, just so you know." Napa-blush si Luis sa pag amin nya at napakamot pa ng ulo. Kapwa na lang sila napangiti at maaliwalas na ang paligid. Pagtapos nila sa library, nadaanan naman nila ang bulletin board habang naglalakad sa hallway kung saan nakita kanina ni Luis si Charity. Huminto sila doon at tinignan ang mga announcements. Isa sa mga napansin ni Luis ang October- Ms. Winterfield University 2013 Pageant. "Jessy, look at this--" Tinuro nito ang napansing announcement na nagpukaw sa kanyang interes. "O, Ms. Winterfield University 2013. Bakit? Anong meron? " "Don't you want to join?" " Ha ha" Natawa na lang si Jessy. Hindi nya maimagine ang sarili na sasali sa pageant. Kaso mukhang seryoso talaga si Luis sa sinabi nito. Tinanggal ni Luis ang salamin ni Jessy at nilugay ang buhok nito and stroke it gently as if caressing a fragile baby. Tinigil na ni Luis ang pag himas, wala pa nga pala syang karapatang gawin yun. "You know, sa talino mong yan, yung tangkad mo, you should be confident. Sali ka na, konting make-over lang ang kailangan mo kasi you have this natural beauty." "Thank you sa compliment. But no, Luis. It's not for me. Never for me. Yan din sasabihin nilang lahat." "Whoever will think of that, maybe they're too envious of you." "Ano naman kaiinggitan nila sa akin? Kung maiinggit sila sa'kin yun ay kasama kita ngayon--" Natahimik si Jessy, at nangiti na lang. "C'mon Jess, kung sumali ka last year, you could have bagged the prize. This is your chance. Show them what you got." What she got? Ano bang meron sa kanya kundi low self-esteem at bashers. "Please, Jessy. I'll take care of everything. Don't mind the expenses. " Sadyang mapilit si Luis na pinagtataka ni Jessy, parang 'di naman ito interested sa mga ganitong events. Last year nga na Ms. Winterfield pageant bored na bored ito sa panonood kahit kasali pa si Casey. Kung hindi lang attendance is a must, mukhang di naman mag abalang manood si Luis. "Awkward, hindi naman ako mahilig sa pageants, but the thoughts of you being Ms. Winterfield thrills me a lot. But if you really don't like, I will not insist." "Ok Luis, I give in. Sa October pa naman yan, di ba? Matagal tagal pa." "Good! I'll be your number one fan. That's for sure." SA KOTSE NI LUIS... "Jessy, I saw Rafael's sister, dun sa bulletin board kanina. Charity's her name, 'di ba?" "Paano mo nalaman about her? Kakarating nya lang galing States." "Green eyes, deep-black hair, etc.etc. Strong resemblance kay Rafael. Very cute." Did she hear him say 'very cute' ? A bit of jealousy right there. " Paano kung gusto ka rin pala nya?" So tactless of her to ask that. "It's my pleasure. Kahit naman siguro sino matutuwa, 'di ba, when someone appreciates you. " Napaka humble na sagot. Pero hindi yun ang gusto nyang malaman. Something deeper than that. " I mean, paano kung gusto ka rin pala nya? " "Ah, you're asking me if--" "Oo, yun nga!" Hay. Na-gets na rin ni Luis sa wakas. Ang hirap i-direct to the point question, kung may pag-asa bang magustuhan din nya seriously si Charity. " May something na hindi ko gusto sa kanya. Siguro yung kamukha nya si Rafael." Natawa na lang si Jessy at na relieved. "Anyway, sasali rin pala si Ella sa Ms. Winterfield. I heard, she's crazy over Rafael." Nabalitaan nya rin. Nakaka-discourage tuloy sumali sa pageant. Ano bang panama nya kay Ella at mukhang suportado pa ni Rafael. "She's no match for you." Sabay sweet na ngiti kay Jessy. Magagawa pa ba nyang mag back-out kung mas sobrang excited pa sa kanya si Luis. "Maaga pa naman, kain muna tayo please?" Yaya ni Luis. SA RESTO... "Ok lang naman siguro if I'll sit beside you. Naiintimidate kasi ako kapag-- kapag kaharap ka. Weird, I can't look directly into your eyes anymore." "I exactly knew the feeling." Kapwa sila nangiti na lang at natahimik. Hindi akalain ni Jessy na torpe pala ang lalaking heartthrob na 'to. Maya-maya, may nagtext sa kanya. Dahil sa magka- tabi lang naman sila ni Luis, nabasa nito ang text: [Bhe.. I'm sorry for being rude kanina. You know that I don't like you being with that guy. I miss you so much.] Tinago ni Jessy ang kanyang cellphone, ayaw nyang ipabasa kay Luis. 'Too late Jessy. I'm sorry, hindi ko naman sidasadyang basahin. 'Bhe'? Wala na bang ibang tawagan? It's not cute. Pang jejemon." Bahagyang natawa si Jessy, 'di nya inaasahan na maririnig nya yun mula kay Luis. "Hindi. Tawagan lang namin yun. It means best friend." "Oh, come on Jessy, obvious naman. Everybody knew it means 'babe'! Sya pwde ka nyang tawagin ng sweet. Hawakan ang kamay mo, i-back hug ka kahit 'di na mag paalam. How about me? Ano mo ba ako?" Bigla na lang naging bad mood si Luis at nag freak out. Walang maisip na isasagot si Jessy. "C'mon Jessy, kung ayaw mo sa akin then just tell me." Grabe! Si Luis ba talaga ang kausap nya? Bakit bigla na lang naging ganun ang reaksyon nito? Very unusual sa tipikal na Luis. " Masisisi mo ba ako..." Bigla na lang huminahon ang tono ni Luis. "Masisisi mo ba ako kung ma in love ako sayo? Matapos mo kong paibigin, paaasahin mo lang..." Is she actually hearing it all from Luis? Addicted na yata sya sa kaka daydream. Hindi nya na tuloy ma-distinguish ang reality sa fantasy. Natawa na lang si Jessy. "You think it's funny? " Tanong ni Luis. "It took me a lot of guts to say that!" "Hindi naman. " Mahinahon nyang tugon. "Ang cute mo kasi talaga." Nakalma na rin si Luis. Natawa na rin sya sa sarili nya, he's acting so strange and full of emotions lately dahil kay Jessy. Buti dumating na rin ang order nila. Napansin ni Luis na tinatabi ni Jessy ang mga cream cheese sa gilid ng plato nito. "You don't like cream cheese? Allergic ka ba? I'm sorry, sana pala 'di ko pinalagyan." "Ay hindi. Paborito kasi yan ni Rafael kaya bago ko ibigay, hinihiwalay ko muna lahat. Nakasanayan ko na lang--" Biglang natigilan si Jessy, iniiwasan na kasi nyang mabanggit si Rafael. "It's ok Jessy. I wouldn't mind. It's really hard to get rid off the things that you used to do." "Maiba naman, Luis. Never ko pa nakita parents mo or kapatid ever since. Sa buong pag stalk ko sa'yo, wala talaga kong data ng background mo. Ok lang ba kung tanungin ko about your family?" Biglang natigilan si Luis. Mukhang hindi alam ang isasagot. "Kilala mo naman na siguro kung sino ang Dad ko." "Luisciano Cruszi?" Si Jessy na rin ang sumagot, wala naman syang ibang idea. Lalong nabigla si Luis at pinagpawisan pa. "Paano mo nalaman?" Mas lalong nabigla si Jessy sa naging reaksyon nito. Mukhang seryoso si Luis. Eh nagbibiro lang naman sya. "Don't tell me, totoo yung chismis na anak ka talaga ni Don Luisciano?!" "Ha ha ha." Napatawa ng malakas si Luis. "Jessy kaya nga chismis kasi hindi yun totoo. How can it be possible? Eh sobrang yaman nun ni Don Luisciano." Napa 'Ok' na lang si Jessy. "So how about your family? " Si Luis naman nag tanong. "Daya mo, wala rin akong sasabihin. Confidential din." "In time... " Seryosong sabi ni Luis. " I'll tell you about mine if you'll tell me about yours. Kapag sinagot mo na ako, kapag naging 'tayo' na, I'll tell you everything." "So it depends pala sa akin yung 'in time' na yan." "Yes. kaya if I were you, sagutin mo na ako." SA WINTERFIELD... Marami na ang nakakapansin sa sobrang closeness nila Jessy at Luis. Hindi makakaila na si Jessy ang dahilan ng mga ngiti ni Luis na minsan mo lang makikita. Ang enthusiasm sa kwentuhan pag si Jessy na ang kausap. Ang energy pag nagpapractice ng basketball habang sya'y pinapanood nito. Halatang in love. Kapansin-pansin din ang suot nilang 'couple eyeglasses'.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD