Chapter 10: Charity Richards

1120 Words
Chapter 10 [ Charity Richards] [Thanks for the dinner. I'm sorry for all the troubles I've caused you and your father. Take care of your self. I'll be happy if I will see you happy.] Text ni Rafael kay Jessy nang naka-uwi na sya ng bahay. [Don't drink again, I feel bad pag malungkot ka. Nandito lang naman ako. Focus to the life ahead of us. What makes me happy is seeing you succeed.] Reply ni Jessy sa kanya. Isang malakas na sampal ang inabot niya mula sa kanyang nanay nang salubungin sya nito. Wala naman syang reaksyon. Expected na nya ito at wala ng sampal ang makakahigit pa sa sakit na nararamdaman nya ngayon. "I'm sorry, Anak! Nabigla lang ako. Hindi ka naman ganyan. You're attitude is getting worse everyday." "It doesn't matter anymore kung nabigla ka o hindi. I feel numb anyway." Hanggang mag pasukan na, hindi pa rin nya iniimik ang kanyang ina. Pati si Jessy, hindi na nya tinetext at kahit na sulyap mula sa kanyang bintana. Para na syang robot. Nasa loob lang ng kwarto, nag-aaral. Bihira ngumiti. Si Charity lang ang kinakausap. He has changed a lot. He's not a cheery person that he used to be. Pati ang itsura ay napabayaan na nya, he has grown stubble on his face, he looks like a rugged rock star now contrast to what he looks before, a neat freshly-shaved man. "Kuya! You look like an ermetanyo! I'll shave your beard. It's disgusting. Magpapasukan na, you should fox your self para marami kang ma attract na girls hindi lang si Ate Jessy ang babae sa mundo." Iyon nga ang ginawa ni Charity, she fixed his hair, and shaved his stubbles. Mukha na uli syang Hollywood leading man. Si Charity na ang kasabay nya sa kotse papuntang school. First day ng kapatid sa Winterfield pero hindi nya ito masasamahan dahil marami rin syang dapat asikasuhin. No choice kundi mag-isa si Charity. Maraming nakatitig sa kanya habang sya ay naglilibot. Ang cute- cute kasi nya. Mukha syang manikang naglalakad na may katawang maniquin. Habang tinitignan nya ang bulletin board, may mga lalaki sa kanya ay lumapit, mga mukhang gangster. Hindi nya tuloy maiwasang makaramdam ng takot kahit hindi naman sya inaano, pinalilibutan kasi sya. Tinitigan ng maigi ng isang lalaki ang kanyang mga mata, na parang leader siguro nila. Nakakatakot! nakaka-inis! sige subukan mong hawakan ang iniingat-ingatan kong curly hair! Makakatikim na sana yung mukhang leader ng sampal dahil sa pagtatangkang hawakan ang kanyang most precious na buhok. "Just leave the young lady alone." Si Luis iyon. Napatingin ang lahat sa kanya nang sya'y marinig. Tinapik-tapik nya ang balikat ng lalaking mala-leader na para bang sinasabing 'tumigil kayo kung ayaw nyong masaktan'. Nagsipag-alis na ang mga lalaki. Ganun din si Luis na napadaan lang. Ang bilis nilang na-disperse. Naiwan syang tulala. Ilang segundo pa ang lumipas nang bumalik na ang kanyang wisyo. "Thank you mr..." Huli na para magpasalamat dahil naka alis na si Luis. Pakiramdam nya, tumigil ang mundo nang makita si Luis. There's something in this guy na hindi nya mapaliwanag. "Kawaii! Such a cutie." Nabanggit yun ni Charity between her giggles. "Another fan-wanna-be? Nah!" Isang tinig ng babae ang sumingit sa kasiyahan nya. Si Casey yun. May kasama pa syang dalawang babae. Mga rich kids na mukhang mean girls sa Disney movies. Napayuko na lang sya dahil sa hiya. Narinig kasi yung sinabi nya. Wala tuloy syang magawa kundi ang maging defensive. " He's so cool. By the way, are you his girlfriend?" Nangiti na lang si Casey. "Oh well, kinda... it's complicated." "You mean, you're not his girlfriend? I mean, look at you, you're steaming hot." Natuwa naman si Casey sa papuri ni Charity na nakuha pang magflip ng hair. "Actually, he's my fiance." "Whoah. Lucky!" Manghang-mangha si Charity. "Ha ha ha. In your dreams." Nagtawanan sila Shey at Ella sa sinabi ni Casey. "He's interested with a nerd, believe it or not, girl." Napabuntong-hininga si Casey. Biglang sumagi sa isip ni Charity si Jessy. "Are you referring to Ate Jessy? " Nanlaki ang mga mata ng mga mean girls at sabay-sabay na nagsabing, "You know her?" "Yes, she's my friend." At nilapit ang sarili sa mga tenga ng kausap na waring bubulong ng isang sikreto. " My brother's first love." "Oh..." sabay-sabay din nilang reaksyon. Halatang childhood bff's ang tatlong bru; dapat laging synchronized. "You must be Rafael's sister." Sabi ni Casey. "Kaya pala ang gaan ng pakiramdam ko sa iyo, girl." Singit ni Ella. "Isn't it obvious, para syang girl version ni Rafael." Singit naman ni Shey. " You know him?" Tanong ni Charity sa kanilang tatlo. "Of course, everybody does." Taas kilay pang sagot ni Casey. "And who doesn't?" Second the motion ni Ella. " By the way, these are my bffs, Shey and Ella." Pakilala ni Casey. "And I am Cassandra Jean, Casey will do." "Charity Richards. You can call me Chat." May instant circle of friends kaagad si Charity. Qualified naman kasi syang mapabilang sa tinaguriang IT Girls ng Winterfield; mayaman, susyal, at maganda. Ang difference lang, sya ay down-to-earth while them- mga brats, supladita, at antipatika. Whatta coincidence! pare-pareho silang Masscom students, ahead lang sila ng one year sa freshman na si Charity. LUNCHBREAK... Naintriga naman si Casey kung bakit hindi kasama ni Rafael sina Ria at Jessy. "Bumalik na si Ria sa Cebu." Sagot ni Rafael. " Oh, that's sad. They've been friends since first year high. " Simpatya ni Shey. " Yeah, just the two of them. " Dagdag pa ni Casey na di mo alam kung nalulungkot o nang aasar. "How about Jessy?" Casey asked. " Iba na ang gusto nyang kasama." " Si Luis?' "I don't know. And who cares, anyway?" Tipid na sagot ni Rafael. Halatang annoyed sa topic at ayaw nya itong pag usapan. It's killing the good mood. AFTER CLASS... Walang Rafael na naghihintay sa labas ng room. Wala ring text o tawag kay Jessy. Tuluyan ng lumayo si Rafael na ikinalulungkot ni Jessy. Dapat nga masaya sya ngayon dahil lagi nyang kasama si Luis. Pero lagi nyang hinahanap ang presence ni Rafael. Nami-miss nya ang best friend. "Mag-isa ka lang uuwi?" Speaking of Luis. "Ah, oo." Malungkot nyang tugon. "I can drive you home." Alok nito. "No, thanks. May aayusin pa ako sa library. Magre-resign na ko as student librarian." "Pwede ba sumama? Unforgettable kasi yung place na yun sa akin." Kapwa sila napangiti. "Sure." Ang tanging sambit ni Jessy. Papunta na sila ng library nang nakasalubong nila si Rafael at Ella. "Hi." Bati ni Jessy kay Rafael kahit malayo-layo pa ito. Pero hindi sya pinansin. Sinukbit pa ni Ella ang braso nya sa braso ni Rafael waring nang aasar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD