Chapter 9: Drunken

1123 Words
Chapter 9: Drunken Matinding frustration at sama ng loob ang nararamdaman ni Rafael matapos nyang makita na dinalaw ni Luis si Jessy sa mismong bahay nito. Sa isang inuman naman nag aya si Rafael, isinama nya pa si Charity. That's how dejected he is. His younger sister always looks up to him, para sa kanya, ang kuya nya ay napaka bait na anak. "Rafael, if Mom would know this, lagot ka. Ako rin. Please ayaw kong madamay. Let's go home. " " Let's forget Mom for once. Let's be in peace." "Bakit ba? Si Ate Jessy na naman. I heard, may dinalang guy si Ate Jess sa house nila." "Hindi nya yon dinala, dinalaw sya. Those are two different things." Lumagok pa si Rafael ng hard drink. " Hey, Raf, ano yan? You don't drink, kailan ka pa natutong uminom nyan?" "I'll just try." Isang straight na lagok ang ginawa ni Rafael. Naubo pa sya at nahilo agad. Inagaw ni Charity ang baso. "Stop it Raf, it's not good for you." Wala ng magawa si Charity, parang hindi na sya naririnig ng kuya. Tinamaan na yata. Halos maubos na ang isang bote. Nag-iingay na at kung anu-ano na ang pinagsasabi. Paulit-ulit lang naman. "Ano bang meron sya na wala ako?!" Nahihiya na si Charity sa inaakto ng kanyang kuya kaya nagpatulong na sya kaibigan nito na umalalay hanggang sa kotse. Wala namang angal si Rafael, malakas na ata ang tama. Si Charity na ang nag-drive at nang malapit na sa kanila inutos naman ni Rafael na ihinto sa bahay nila Jessy. "No." Tutol ni Charity. Biglang kinabig ni Rafael, pakaliwa ang manibela. "Sabi ng ikaliwa mo eh!" Napasigaw ng malakas si Charity dahil nagpagewang-gewang ang kotse. "Ok Raf. Just calm down. " Hininto na ang kotse sa tapat ng bahay nila Jessy. Bumaba duon si Rafael at kinalampag ang pinto. Lumabas sina Jessy at Dylan nang marinig na nagwawala si Rafael. "Jessy! How could you do this to me?" Paulit-ulit nitong sinasabi. "Anong problema?" Tanong ni Dylan. "Pasensya na po Tito Dylan, naka-inom lang, first-timer kaya ganyan. Hindi naman pala kaya." Paliwanag ni Charity. "Anong hindi kaya? Kaya ko pa! Si Jessy?! bakit mo ipapakilala yung mokong na yun sa tatay mo? bakit boyfriend mo na ba--" Bigla na lang napaluhod si Rafael at nawalan ng malay. Buti agad syang nasalo ni Dylan. Naki-usap si Charity na ipasok muna ang kanyang kuya sa loob ng bahay nila Jessy hanggang sa magising. Sigurado kasing magagalit ang nanay nila kapag umuwi ng ganun si Rafael. Pumayag naman si Dylan, at hiniga sa masikip na kama ni Jessy ang walang malay na binata. Tumatawag si Alexa kay Charity. Naku! alam na siguro nito kung nasan sila. Nag alangan pa syang sagutin ang tawag ng ina. "Hello Mom?" "Chat? Go home!" Galit na tono ni Alexa. "Ahm, yes Mom." "Umuwi na kayo! As in now!" "Sorry Mom, we can't. Lalo na si Rafael." "Why? What happened?" Nag hysterical na si Alexa dahil sa pag-aalala. "He's drunk. Natutulog sya dito kina Ate Jess. hindi ko sya kayang buhatin. Gusto mo ipabuhat ko sya kay Tito Dylan para iuwi dyan?" "No! Hindi sya makakatungtong sa bahay natin, ever! Sige, umuwi ka na, hayaan mo muna dyan yung kuya mong rebelde. Pauwiin mo kaagad kapag nagising." Nang makaalis na si Charity, nagdadaldal na naman si Rafael. "Jessy! Can't you see? I'm fighting against my Mom. I'm fighting for a love which cannot love me back! I'm willing to give up everything, ano pa bang kulang?" Tuluyan ng nakatulog si Rafael. "Ano bang pinakain mo dyan at nagkaka-ganyan yan?" Tanong ni Dylan. "Kung ano yung niluluto ko sa inyo kapag dito sya kumakain." Sagot ni Jessy. "H'wag mo ng pakainin dito yan ha." Biro ni Dylan. "Nakita mo na. Tama ako, may gusto yan sa iyo. Saka ano yung sinabi nyang ipapakilala mo si mokong sa akin?" "Aahm..." Medyo nahihiya pa sya sa kanyang tatay na magsabi. " Tay, magpapa-alam daw sya na manliligaw sa akin. Si Luis po yung tinutukoy nya." Natahimik lang si Dylan. "Sige, ipunta mo dito nang makilatis." Himala at di na overprotective si Dylan sa anak. Tanggap nya na nagdadalaga na ito. "Nagpunta po sya dito kanina kaso wala kayo. Kaya umuwi rin agad." Maya-maya, nagising na si Rafael na sobrang sakit ang ulo. Nagtataka kung bakit wala sya sa sarili nyang kwarto. At nasaan nga ba sya? Una nyang nasilayan ang mukha ni Jessy. "O anong ginagawa mo dito?" "Ah, siguro matutulog sa kwarto ko." "Huh?" "Ikaw, wala ka pang balak umuwi?Ang liit-liit na nga ng kwarto ko, sisiksik ka pa rito. Saan mo ako patutulugin, sa matigas na sofa sa sala?" "Pwede naman dito, tabi tayo." Pilit na inalala ni Rafael ang nangyari. Ang huli nyang naalala ay magkasama sila ni Charity sa bahay ng classmate nya, nagiinuman. "Si Chat? Nasaan si Chat? Kasama ko sya kanina. Bakit dito nya ko dinala?" "Pina-uwi na sya ng nanay mo. At ang sabi, pag gising mo, umuwi ka na rin. Wala ka bang naalala?" "Huh?" Pilit na inalala ni Rafael ang nangyari, unti-unti nya ng naaalala, pero ayaw nyang ipaalam, nakakahiya. "Hindi ko matandaan Jessy. Ah favor naman please." "Ano yun?" "May pagkain ba dyan? Nagugutom na ko." "Bakit, wala bang pagkain sa inyo? Gabi na, umuwi ka na. Hinahanap ka na ng nanay mo." "Ayoko umuwi. Sige na, Bhe, nagugutom na ko. Hindi pa ko kumakain. " Hindi naman ma-hindian ni Jessy ang best friend tuwing naglalambing. "Ano ba yan, may pang-inom ka pero wala kang pangkain. Teka lang, initin ko lang yung adobo, saglit lang yun." Pumasok naman si Dylan. "Tay, pasensya na po. Hindi ko alam kung paano ako napunta dito." "Sa susunod anak, h'wag ka ng iinom. Maraming masamang loob dyan, baka pagtripan ka. Gandang lalaki mo pa naman. Delikado na panahon ngayon." "Opo Tay, ngayon lang naman." Habang nagsha-shower si Jessy natapos naman ng kumain si Rafael, kinausap siya ni Dylan ng masinsinan. "Anak, h'wag mong mamasamain itong sasabihin ko sa iyo." Nakaramdam na ng kaba si Rafael parang alam nya na kung saan patungo ang usapan na ito. " Sige po Tay." "Kung ano man ang meron sa inyo ng anak ko, putulin nyo na. Wala naman akong tutol sa'yo Rafael. Anak nga ang tawag ko sa'yo 'di ba? Pero alam mo naman--" "Ang Mom ko po." Wala ng masabi si Rafael, nauunawaan naman nya. Dumating naman si Jessy galing sa banyo. Tumayo na si Rafael at inayos ang sarili. Nagpaalam na kay Dylan. This time, isang mahigpit na yakap ang paalam niya. "I just miss my Dad." Tuluyan na syang napaluha. Naalala nya ang kanyang Dad na namatay three years ago. Ngayon parang namamaalam muli sa mga taong minamahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD