Fairy Godmother POV
“ Haynako, ang dami na naman niyang sulat. ” sabi ko sa sarili ko.
“ Goddess G, bakit po fgm ang tawag niya sayo? ” sabi ni Faith ang isa sa mga nilikha ko.
Mukhang nabasa niya ang sulat ni Ynoeh na hawak ko. Ang bawat sulat ng tao para sa naniniwala sa aming mga fairy ay bigla nalang lumilitaw dito sa lamesa ko kaya naman alam ko kung kanino galing ang mga ito dahil lahat ng mga sulat na nasa harapan ko ay galing kay Ynoeh ang batang napaka kulit ngunit may dedikasyon sa sarili kaso nga lang ay tinatawag akong fgm in short of fairy godmother.
Ako si Goddess G o Goddess Gergen ang fairy godmother na inilikha ng hari at reyna at tungkulin kong ilikha ang ibang mga fairy upang mag karoon ng misyon sa mundo ng mga tao upang tulungan ang nararapat na tulungan at mayroon akong golden rule para sa aking inilikha ito ay bawal umibig sa mga tao, bakit? dahil hindi magiging balanse ang takbo ng mundo ng tao at mundo namin masyadong delikado para sa amin.
“ Kaya niya ako tinawag na fgm in short of fairy godmother, ikaw faith ang ipapadala ko para tulungan si Ynoeh Drein, mag handa ka sa iyong misyon. ” sabi ko sa kaniya at siya naman ay tumango bilang paggalang.
Mag hintay ka lang Ynoeh Drein at nalalapit na ang tulong na iyong hinihingi naway ipag patuloy mo lamang ang kabutihan mong ginagawa at huwag kang mag alala sa taong pumatay sa iyong magulang dahil may karampatang parusa ang sino mang pumatay sa kanilang kapwa.
“ Tinatawag ko ang lahat ng mga fairy kayo ay mag tungo sa ating templo. ” sabi ko sa aking isipan kung saan ang aking sinabi ay lilitaw sa kanilang harapan.
***
Nakikita kong kumpleto na ang lahat ng mga fairies kaya naman ay nag pakita na ako sa kanilang harapan.
“ Kaya ko kayo ipinatawag ay upang ibalita sa inyong lahat na simula sa susunod na linggo ay sisimulan na ninyo ang inyong mga misyon sa mundo ng mga tao at huwag ninyong kakalimutan ang ating Golden Rule ito ay ang ...... ” sabi ko
“ Huwag umibig sa mga tao! ” sigaw ng lahat kaya naman pinalakpakan ko sila.
“ Magaling! bukas na bukas ay ibibigay ko sa inyo ang mga pangalan ng inyong tutulungan nakalagay doon kung ano ang kaniyang detalye sa buhay at kung ano ang magiging misyon ninyo sa kanila. ” sabi ko at nag laho na sa kanilang harapan.
Kinabukasan ....
“ Makinig ng mabuti! ” sigaw ko sa kanilang lahat.
Nanditi sila sa silid talastasan kung saan ginaganap ang pag bibigay ng misyon sa bawat isa.
“ Makikita ninyo sa inyong harapan ang mga detalye at kung sino ang inyong tutulungan, alam niyo na rin na kayong lahat ay mag aanyong tao upang hindi matakot ang mga tao at hindi kayo mapahamak, nakasaad sa detalye ang mga bagay na gagawin ninyo sa pagtulong sa mga tao. Naiintindihan ba ng lahat? ” tanong ko sa kanila.
“ Opo Goddess G! ” sigaw nilang lahat at nag yukuan tanda ng paggalang.
“ Mainam. kayo ay mayroong isang buwan upang gawin ang inyong mga misyon. Mag handa ang lahat.” sabi ko sa kanilang lahat at sinenyasan si faith na sumunod sa akin.
Nandito na ako sa aking silid upang ibigay ang misyon ni faith ang aking kanang kamay.
“ Goddess G, sino po ang aking misyon sa mundo ng mga tao? ” tanong niya sa akin kaya naman ay ibinigay ko sa kaniya ang detalye ni Ynoeh Drein.
“ Siya po yung araw-araw na nag papadala ng sulat sa inyo diba po? ” tanong ni faith.
“ Oo siya nga. sisimulan mo na bukas din” sabi ko at umupo na.
“ Masusunod Goddess G. ” sabi niya at umalis na.
Ito na ang araw upang mag bago ang iyong buhay Ynoeh Drein. Hindi mo na kailangan mag hirap at makakaganiti ka narin sa sinapit ng iyong magulang, makikita mo ang taong pumatay sa iyong magulang at nasa iyong kamay kung anong kaparusahan ang nararapat sa kaniya.
***
Hindi alam ni goddess g na ang laging sumusulat sa kaniya ay isa palang nawawalang prinsesa sa kanilang palasyo.
Noong matapos ang digmaan, minabuti ng mag asawa na mag sinungaling sa lahat ng mga fairy na patay na ang sanggol, ginawa nila ito para sa proteksyon ng prinsesa dahil hindi nila alam kung may mga traydor ba sa loob ng palasyo.
Iilan lang ang nakaka-alam na dinala nila ang prinsesa sa mundo ng mga tao at ito ay mga pinag kakatiwalaan ng lubos ng reyna at hari.
***