Faith's POV ( Fairy )
“ Goddess G, handa na po ako. ” sabi ko sa kaniya.
“ Mabuti, gagawin na kitang tao. ” sabi ni Goddess G.
Nandito na ako sa mundo ng mga tao, grabe walang pinag bago dito kung ano ang huli kong kita yun parin hanggang ngayun.
“Teka? paano pala ako mag papakilala kay Yneoh? mag disguise ba ako o sasabihin ko nalang? ” tanong ko sa aking sarili.
“Ano ba yan! bahala na nga. ” sagot ko rin sa aking sarili. diba parang tanga lang.
Nag lakad na ako papunta sa bahay nila Yneoh para simulan ko na ang aking misyon.
“Tao po! Tao po! ” katok ko sa maliit na bahay kung saan andito si Ynoeh.
“ Sino yan?! sandali lang po mag huhugas lang ako ng kamay! ” sigaw ng babae kaya naman nag antay na ako.
Maya-maya lang ay may nag bukas na ng pinto at kung hindi ako nag kakamali siya ang aking misyon.
“Ano pong kailangan niyo? ” tanong niya sakin habang naka ngiti.
“Gusto ko sanang maka-usap si Ynoeh Drein. ” sabi ko.
“ Hah? ako po yun. bakit po? ay teka pasok po muna kayo. ” sabi niya saken at pina upo niya ako, grabe ang bait pala niya kaya siguro pinili siya ni Goddess G.
“ Bakit niyo po pala ako gustong maka usap? may kasalanan po ba ako? ” tanong niya at halatang kinakabahan siya.
“Ay naku hindi, mag papakilala muna ako sayo at siguro malalaman mo kung anong pakay ko sayo kapag ako ay nakapag pakilala na...
Ako si Faith isang fairy at pinadala ako ni Goddess G para gawin ang aking misyon at yun ay ang tulungan ka. ” sabi ko sa kaniya at ang kaniyang mata ay nanlalaki at tuwang tuwa.
“ Totoo po ba? hindi po ba panaginip to? kyahhhh! fgm thank you po! ” sigaw niya sa tuwa.
“ Shhh... huwag kang maingay baka may makarinig sayo. siguro naman alam mong hindi na pantay ang ating mga mundo. ” sabi ko sa kaniya.
“ Pasensya na po natutuwa lang po ako. ” sabi niya.
“ Habang hindi pa tapos ang aking misyon sa iyo pwede bang dito ako matulog sa maliit niyong tahanan? ” tanong ko sa kaniya.
“ Opo. puwedeng-puwede po. Matutuwa po si nanay kapag nakilala ka niya. ” sabi niya sakin at hinatak ako papasok sa kanilang bahay.
“Teka, bakit naman siya matutuwa? baka matakot siya. hindi ako isang pangkaraniwang tao. ” nagtatakang tanong ko sa kaniya.
“ Naku mali po kayo. siya nga po ang nag kuwento sakin tungkol kay fgm dahil once na naging fairy niya si fgm. ” kuwento niya sakin.
“ Ah ganun ba. bakit kaya hindi ko alam yun? sa tagal kong nanirahan sa aming palasyo. ” nag tataka kong sabi.
“ Baka po ayaw sabihin ni fgm. ” sabi niya.
“ Nanay! may ipapakilala ako sa inyo at tiyak na matutuwa kayo! ” sabi niya sa isang babaeng may katandaan na.
“Ano ba yun? ang aga aga ang laki ng boses mo. ” sabi nuong matanda.
“ Siya po si Faith isang fairy, pinadala siya ni fgm para sa akin. ” sabi niya sa matanda habang naka ngiti.
“Talaga ba? nakakatuwa naman at nabasa na niya ang iyong sulat. ” sabi niya ng naka ngiti ngunit may bahid ng lungkot..
hmmmm.. bakit kaya?
“ Miss Faith siya po si nanay linda ang nag ampon sa akin. ” sabi ni Ynoeh sa akin.
“ Magandang araw po. ” bati ko ng paggalang sa matanda.
“ Magandang araw din. puwede ba akong mag tanong? ” sabi niya sa akin.
“ Opo naman. ” sagot ko at inaantay ang tanong niya.
“ Kilala mo ba si Solomon? ” tanong niya sa akin.
teka parang kilala ko yun ah! wait hindi ko matandaan ........ aha alam ko na!!!
“ Opo kilala ko po siya. bakit niyo po natanong? ” tanong ko sa kaniya.
“ Wala naman. kamusta na siya? buhay pa ba siya? ” tanong niya sa akin na may pait sa dulo.
“ Opo at malakas parin naman po siya. teka bakit niyo po siya kilala? di po ba si Goddess G ang fairy ninyo noon? ” naguguluhan kong tanong sa kaniya.
“Mahabang kuwento. siguro sa susunod ko nalang iku-kuwento” sabi niya at tumayo na siya papunta sa kaniyang silid.
“ Ynoeh, alam mo ba kung bakit sila mag kakilala ni Solomon? ” tanong ko sa kaniya.
“Hindi ko rin alam faith. wala naman siyang binabanggit sa akin kundi si fgm lang. ” sabi niya at nag kibit balikat nalang.
“Ganun ba. ” yan nalang ang aking sinabi.
“Ay teka! dalawa lang pala ang kuwarto dito okay lang ba sayo na tabi nalang tayo? kaso maliit lang ang kuwarto ko. nakakahiya naman. ” sabi niya sa akin.
“ Okay lang. saan ba ang kuwarto mo? gusto ko sanang ayusin ang gamit ko. ” tanong ko sa kaniya.
“Tara ituturo ko sayo para makapag pahinga kana rin. ” sabi niya at tinuro na ang silid namin.
“Dito ang ating kuwarto pasensya na at maliit lang kaming dalawa lang kasi ni nanay ang andito at maliit talaga ang mga bahay at kuwarto dito sa street naten saan ka man pumunta... ” paliwanag niya.
“ Naku ayos lang. kaya nga andito ako para tulungan ka. ” sabi ko sa kaniya at sinimulan kong ayusin ang gamit ko.
“ Hala yung nilalabhan ko! pasensya na fairy pero hindi kita matutulungan dahil may labahin pa pala ako at kailangan kong matapos iyon para makapag luto ako. ” sabi niya sa akin.
“ Ayos lang. ” sabi ko at dali dali na siyang lumabas ng silid.
“Goddess G! Nandito na po ako!”
“Mahusay. ngayun ay sisimulan mo ng baguhin ang kaniyang buhay...” (Goddess G)
“Puwede po ba akong mag tanong sa inyo? ”
“ Alam ko na ang itatanong mo .. hintayin mo nalang mag kuwento sayo si linda... ” (Goddess G)
“Opo. pasensya na po”
Hays. ano kaya ang naging ugnayan ni nanay linda at ni solomon? bakit kaya hindi ko alam ang istoryang iyon. nakaka pagtaka naman ....
Siguro may nagawang masama si solomon kay nanay linda o kaya naman si nanay linda ang may nagawang masama? Ay ano ba yan! bahala na nga malalaman ko rin iyon.
Inayos ko na ang mga gamit ko pati na rin ang mga gamit ni ynoeh na naka kalat kung saan-saan. balak ko sanang mag walis ng maalala kong fairy pala ako hehehehe kaya naman ginamit ko ang magic ko upang linisin ang kuwarto ni ynoeh at pinaganda ko ito, tiyak na matutuwa siya dito.
********