Nanay Linda's POV
Flashback ...
“ Solomon!! Huwag mo akong iwan para mo ng awa ..... ” sigaw ko sa kaniya habang umiiyak.
“ Linda alam mo naman na hindi magiging blanse ang mundo natin kapag pinilit mo ang gusto mo.. ” sabi sakin ni Goddess G.
“ Pero mahal ko siya gergen! alam mo yan ..” iyak kong sabi sa kaniya.
“ Alam ko iyon linda, pero ang batas ay batas. ” sabi ni gergen sakin at mas lalo akong nang hina at umiyak ng todo.
Alam kong nag kamali ako na mahalin si solomon na isang fairy ngunit hindi ko naman matuturuan ang puso ko kung sino ang aking mamahalin...
“ Gergen nag mamaka-awa ako sayo bilang fairy ko, gawan mo ng paraan upang makasama ko siya. ” pag mamaka-awa ko sa kaniya.
“ Linda patawad pero hindi ko iyon magagawa at tapos na ang misyon ko sa iyo. Paalam hanggang sa muli. ” paalam ni gergen at nag sarado na ang lagusan..
Ako ay naiwang umiiyak at wasak na wasak ang aking puso...
End of Flashback ....
Ilang taon narin pala ngunit sadyang napakasakit parin ng mga nangyare.
Hinding hindi ko malilimutan ang unang pagkikita namin ni solomon ng siya ay pinapunta ni gergen dito sa lupa upang palitan siya ng ilang araw bilang fairy ko dahil may kailangan ayusin si gergen sa kanilang kaharian.
Flashback....
“Linda pasensya kana talaga kung iiwan kita saglit sa ibang fairy, may kailangan lang akong gawin sa aming kaharian. ” pag hingi ng tawad ni gergen sa akin.
“ Okay lang naman yun gergen, naiintindihan kita. ” sabi ko sa kaniya at tinapik ko ang kaniyang balikat upang hindi na siya maging malungkot.
“ Hayaan mo at may papalit naman sa akin, isang fairy na mapag kakatiwalaan ko. ” ngiting sabi niya sa akin.
“ Talaga? Sino naman? ” galak na tanong ko sa kaniya at may biglang sumulpot sa gilid ni gergen kaya naman ako ay nagulat ngunit nabawi ko rin ang aking pag kakagulat dahil sa aking nasilayan, isang lalaki na sobrang gwapo at napaka amo ng kaniyang mukha.
“Solomon siya si linda at siya ang magiging misyon mo sa isang linggo habang wala ako.. ” pag papakilala ni gergen sa akin kay solomon.
“ Masusunod Goddess G. ” sabi nito at ngumit sa akin.
“Linda siya ang aking sinasabi, siya si solomon. ” sabi ni gergen sa akin at ako naman ay ngumiti.
“ Ikinagagalak kong makilala ka solomon. ” sabi ko sa kaniya at ibinigay ko ang aking kamay upang makipag shake hand ngunit iba ang nagyare.
Kinuha niya ang aking kamay at hinalikan iyon... kaya naman impit ang aking tuwa dahil bawal na umibig sa isag fairy dahil hindi magiging balanse ang mundi namin.
“ Pasensya kana linda, ganun kasi ang ginagawa ng mga kalalakihan sa mga kababaihan. ” sabi ni gergen.
“ Okay lang. ” sabi ko at di nag tagal ay nag paalam na rin si gergen at naiwan kaming dalawa ni solomon..
“ Tara ituturo ko sayo kung saan ka matutulog.. ” sabi ko kay solomon at siya naman ay ngumiti lang.
Itinuro ko sa kaniya kung saan siya matutulog at inilibot ko rin siya sa aking munting tahanan, pag katapos ay nag handa ako ng makakain dahil tiyak na siya ay gutom na sa pag ikot-ikot dito sa bahay.
“ Salamat ” sabi niya ng mailapag ko ang pagkain.
Ako ay ngumit nalang sa kaniya bilang tugon dahil nahihiya akong mag salita at marami sana akong mga tanong sa kaniya ngunit nahihiya naman ako kaya naman pinag mamasdan ko nalang siya habang kumakain.
“ Ikaw ba hindi ka kakain? ” tanong niya sa akin.
“ Naku, para sa iyo yan tsaka busog pa naman ako. ” ngiting sabi ko sa kaniya.
“ Ganun ba, May gusto ka bang itanong sa akin? ” sabi niya sa akin at ako naman ay nagulat dahil mukhang nahalata niya na marami akong tanong sa kaniya.
“ Halata ba ako? ” natatawang sabi ko sa kaniya.
“ Oo dahil nakikita ko sa iyong mga mata. ” sabi niya at nahiya naman ako kaagad.
“ Huwag kang mahiya at mag tanong ka lang. ” sabi niya sa akin kaya naman tumuwid ako ng upo.
“ Gusto ko lang itanong kung ilang taon kana? ” sabi ko sa kaniya.
“ Tulad mo ay dalawamput-anim na taong gulang din ako. ” sabi niya.
“ Ha? alam mo kung ilang taon na ako? ” takang tanong ko sa kaniya.
“ Oo naman. Sinabi sa akin ang lahat lahat sayo ni Goddess G. ” sabi niya.
“ Ah. Marami ka narin bang naging misyon na katulad ko? ” tanong ko sa kaniya.
Ito naman ay sinagot niya at patuloy pa rin akong nag tanong ng mga ilang bagay at siya ay sumasagot din.
Sa loob ng ilang araw ay naging malapit ang loob namin sa isa't - isa may mga kilos din kaming sobra naming sweet yung tipong aakalain mong isa kaming mag kasintahan..
Hindi nag tagal ay nag tapat ako ng nararamdaman sa kaniya, masaya ko pa itong sinabi sa kaniya at siya rin ay nag tapat sa aking ngunit sinabi niya na mali ang aming nararamdaman dahil hindi kami para sa isa't - isa kaya naman pagkasabi niya noon ay iniwan ko siya at simula noon ay hindi ko na siya pinapansin hanggang sa dumating ang araw na aalis na siya dahil tapos na ang misyon niya, pumunta siya sa aking silid upang mag paalam ngunit hindi ko iyon binubuksan..
“ Linda patawarin mo ako, gusto din naman kita ngunit hindi tayo pwede dahil hindi magiging balanse ang mundo natin. ” sabi niya ngunit hindi ko pa rin binubuksan ang pinto at hindi ako nag sasalita.
“ Linda buksan mo na ang pinto kung hindi ay papasok ako diyan gamit ang aking mahika. ” sabi niya ngunit tikom parin ang aking bibig hanggang sa nakita ko na lamang siya sa tapat ko....
Inakap niya ako at humihingi ng tawad ngunit sadyang tikom parin ang aking bibig hanggang sa mag laglagan ang aking luha .
“Patawarin mo ako ngunit wala akong magagawa ... ” sabi niya at nag paalam na ...
Ako ay nakatayo parin at walang ginagawa kundi umiyak at natauhan lang ako na mag sink-in sa utak ko na aalis na siya, dali dali akong lumabas at pumunta sa isang gubat kung saan doon sila gumagawa ng lagusan..
Tinawag ko ang kaniyang pangalan at nag maka-awa ngunit lumingon lamang siya at nag patuloy na sa pag lalakad hanggang sa dumating sa aking tabi si gergen at nag sarado na ang lagusan.
“ Ilang beses na kitang pinayuhan linda, sinabihan kita huwag na huwag kang iibig sa katulad namin. ” sabi sakin ni gergen at tikom lang ang aking bibig.
Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa mawalan ako ng malay.
Nagising na lang ako na andito na ako sa aking bahay at wala na si solomon pati narin si gergen.
Tapos na pala ang misyon nila...
End of flashback ....