Sascha Nang matapos kong halikan si Keith ay bigla akong namula at nahiya sa aking naging aksyon. Napahawak ako sa aking mga labi at nakita ko ang malapad na ngiti ni Keith. “Sorry,” hinging paumanhin ko. “You were just saying the right thing, and I guess you need a reward. That’s all.” “Kung gano’n ay kailangan ko pa lang maging makata para lang halikan mo ako.” Napangisi naman ako at saka napailing. “I guess you’re okay already.” Kwinento ko sa kanya kung ano iyong nakita ko kanina at napatango-tango naman si Keith. “I see. Is this the reason why you’re having second thoughts?” “Oo. Naaawa lang kasi ako sa bata na kasama ni Damon kanina dahil katulad ko siya na mawawalan ng pamilya. Kung papatayin ko ang kanyang ama ay para na rin akong naging katulad ni Thanatos,” paliwanag ko.

