Sascha Balik sa dating gawi ang aming buhay ni Keith. Balik na rin kami sa trabaho kaya abala na rin kami. Noong sinabi ko sa kanya na may gusto ako sa kanya ay sobrang bilis ng t***k ng puso ko na para bang lalabas na ito sa aking dibdib anumang oras. Sa totoo niyan ay hindi ko pa masasabi sa ngayon kung talaga bang mahal ko si Keith o crush lang talaga ang nararamdaman ko sa kanya dahil siya lang naman ang nakikita ko araw-araw. Paano ba naman kasi muntik ko nang patulan si Vaughn pero kung hindi lang dahil sa kalandian ng kumag na ito ay biglang nawala sa picture si Vaughn. Sinabi ko pa naman noon kay Keith na prinsipe lang ang humahalik sa aking labi. Kung sakaling naging kami ni Vaughn ay baka hindi rin pala malayong mangyari ang aking pangarap. Naghahanda akong lumabas ngayon

