Sascha Pagdating namin sa resto ay pinagtitinginan kami ng mga tao pero may mga ngiti naman sa kanilang mga labi na akala mo ay magsyota kami. Pagkababa ni Keith sa akin ay agad niyang inayos ang kanyang damit at walang sinayang na oras upang hawakan ang aking kamay. Agad kaming pumasok at nag-order kami ng aming pagkain. Tumingin ako sa aking paligid at napansin ko na halos lahat ng nandito ay magkapareha. Tumitingin ako sa paligid ko hanggang sa napatingin ako kay Keith na nakatitig sa akin. Napangiti naman siya agad sa akin pero inirapan ko lang siya. “Bakit ba kanina ka pa titig ng titig? You are so clingy today as well,” sabi ko habang nakatingin sa menu. “I told you the reason why.” Kinuha niya rin ang menu at tumingin doon ng kanyang o-orderin. Nagtawag siya ng waiter at a

