CHAPTER 03

2878 Words
"Hey cous!" tawag sa akin ni Apollo. Nandito ako sa bahay actually paalis na sana ako upang tumungo na sa school ko. Hindi ko pwedeng ma-missed ang pag-aaral namin ngayon dahil importante yon sa akin as doctor. Paglingon ko pa lang sa pinsan ko ay may kasama siyang isang lalaki. Halata sa itsura niya na isa siyang masayahin na tao. Kailan ko din kaya magiging kaibigan ang mga kaibigan ni Apollo? "Good morning Apollo. Who is he?" nakangiting tanong. "My name is Kaizen sperm na kyut at sperm na baog," pagpapakilala ni Kaizen sabay bow kaya natawa ako. "Ako naman si Amethyst," nakangiting sabi ko at inabot ko ang kamay ko sa kanya at tinanggap naman niya iyon. "Nice meeting you." "Ano nga pala ang ginawa ninyo dito? I'm going na kasi kaya hindi ko kayo masyadong makakausap now," baling ko kay Apollo habang nakatingin kay Kaizen na naglalayag ang paningin sa kabuan ng bahay ko. "Sorry i forgot na may klase ka pala." "Bakit nga pala?" muli kong tanong. "Naninigurado lang ako na okay ka." "Kailangan pa siyang kasama para lang makasigurado?" turo ko kay Kaizen at napatingin siya sa akin. "Parang ayaw mo pa ah?" "H-Hindi naman sa ganon," napapahiyang anas ko. "Gusto ko lang din naman kita makilala. Nabanggit kasi sa akin netong baog na ito na pupuntahan daw niya ang pinsan niya. But I'm curious if who's his cousin, kaya sumama ako." Napatango ako sa paliwanag ni Kaizen at muling tinignan si Apollo. "So kayo lang ang maiiwan dito?" "Hindi ah. May isa pa kaming kasama," si Kaizen ang sumagot at kumunot ang noo ko. "He's right, cous. Tatlo muna kami dito sa bahay mo." "Hala? Sino?" tanong ko. "He's my friend Amethyst. A good friend of mine." "Mine?" kunot noong ani ko. "Oh sige yours." "W-Wait? Mga wala ba kayong pasok sa school?" "Nako! Ang pag-aaral nandyan lang yan," nakangising sabi ni Kaizen. "Alam mo ba? Nag-aaral naman ako ng mabuti pero ayaw ipautang ng lecturer ko ang gradong 80 point average." Napanganga ako sa sinabi ni Kaizen. "Kailan pa inuutang ang grado? Bawal yon ah?" "Sus, pagmamahal nga ng tao pwede natin iutang kahit alam natin sa sarili natin na hindi tayo neto mahal. Pero sadyang kailangan lang natin utangin para sa ikakasaya natin," sagot pa ni Kaizen. "Ha?" "Hakdugen." Natawa si Apollo. "Tama na nga yan." "Alien ba to?" tanong ko sa pinsan ko. "May alien bang ganito kagwapo? Maniniwala ako kung sperm na baog ako pero alien? No, no, no. Worldwide handsome to," turo ni Kaizen sa mukha niya. Sa totoo lang tama naman siya. Gwapo siya, matangkad, mapupula ang labi at makapal ang kilay pati ang pilik mata. Mukhang artista dahil makinis ang mukha at mabango. Naaamoy ko pa nga ang mabango niyang hininga na amoy ment na toothpaste. "I'll go first Apollo. Ikaw na bahala sa bahay ko ah?" nakangiting sagot ko. "Yeah. I will. Drive safely cous," sagot ni Apollo at yinakap ako. "Don't worry cous. Hindi din naman kami magtatagal dahil kailangan kami sa westside." "I understand Apollo." Nang kumalas ako sa pagkakayakap ay bigla akong nagitla na nakaabang ang dalawang ni Kaizen sa akin. Aano naman ito? "B-Bakit?" "I need warm hug too," sagot ni Kaizen pero binatukan siya ni Apollo. "Aray naman Apollo! King ina! Bakit ka namamatok?" "Hoy bawal ang profanity dito!" suway ko pero hindi nila ako sinagot. "Anong yakap? Gusto mong yakapin kita ng suntok?" "Eh bakit kailangan mamatok?!" "Ikaw nga binatukan mo din ako sabay ninakaw mo pa ang pagkain ko!" Ano ba itong mga pinagsasabi nila? Mga wala sa hulog. "Ikaw nga ninakaw lang ang wallet mo ng babae pero parang pati puso mo ninakaw din!" duro din sa kanya ni Kaizen. "Oh sige batukan mo na din ako basta itahi mo yang bibig mo." "B-Brutal kang baog ka!" sigaw ni Kaizen at natawa si Apollo. "Tahiin ko pwet mo tamo?" "Ulol!" "Ulol too!" "Pakyu!" "Pakyu too trenta-trenta!" sigaw din ni Kaizen at sila ang binatukan kong dalawa. "Aray naman Amethyst." "Ang sakit cous!" "Che! Magmumug kayo ng holy water. Ang bagra ng sinasabi ninyo." "Anong bagra?" tanong pa ni Apollo pero hindi ko na sila sinagot. Dahil tinalikuran ko na sila at lumabas na sa loob ng bahay ko. Nakatingin ako sa bag ko at hinahanap ang susi ng kotse ko kaya hindi ko naman din inaasahan na may mabubunggo akong tao. Ang careless ko! "Hala? Sorry!" sabi ko at kinuha ang dalawang libro ko na nahulog pero naunahan niya akong magpulot. Nang mapatingin ako sa lalaki ay biglang nanlaki ang mata ko. Anong ginawa ni Yuhence dito? "Y-Yuhence." "Amethyst," tawag din niya at napalunok ako. Nilagay ko ang hibla ng buhok ko sa gilid ng tenga at kinuha ang mga libro ko na hawak ni Yuhence. Kinakabahan na naman ang puso ko! "S-Sorry kung nabunggo kita." "No. It's okay. Kasalanan ko naman din kasi hindi ako umiwas. By the way, where are you going?" "Ah... papasok na ako eh," mahinang anas ko. Pumapasok na naman sa isip ko kung ano ang nakita ko noon sa MOA kay Yuhence. "Do you want me to drive?" tanong sa akin ni Yuhence. "H-Ha? I-I mean wag na kasi hindi naman kita driver para ipag-drive ako," napaapahiyang anas ko at napangiti siya. "Let me be your driver then," nakangisi niyang sabi pero nandon ang mga ngiti. "Hindi na kasi baka hanapin ka nila Apollo at Kaizen." "As if naman na hayaan kitang magdrive? Come on just one day... let me drive Ms. Innocent?" tanong pa ni Yuhence at nilahad ang kamay sa akin na parang hinihingi ang susi. "I'll change my mind." "H-Ha?" "Ihahatid kita at susunduin din. Pero yung kotse ko ang gamit." ngising sabi niya at pinatunog na ang kotse niya. "P-Pero Yuhence may kotse ako," turo ko sa sasakyan ako. "I know Amethyst. Ako ang in charged dito kaya obey my command or else?" Napalunok ako. "Or else what?" "Or else i own your innocence?" nakangisi niyang sagot. Bakit parang iba ang kahulugan na sinabi niya? Hindi ko malaman kung ano ang meaning pero parang may ibig sabihin. Parang noong isang gabi lang may nilalandi pa siya, ngayon iba naman ang hinaharot. Hala ano ba yung na sa isip ko? Erase, erase. Masamang words yon. At hindi mo alam kung paano gawin iyon. "So let's go?" dagdag pa ni Yuhence. "Am... ano, kasi..." wala akong maisip na sasabihin sa kanya. "H-Hindi mo naman kailangan gawin ang bagay na ito." "I can do whatever i want to do. Kaya wag mo nang tanggihan ang inaalok ko dahil baka pagsisihan mo." "H-Ha?" "Tss. Let's go Ms. Innocent," iyon na lang ang sinagot niya at pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse niya. Nakatingin lang ako doon kaya napangisi siya. "Don't make me force you Amethyst because i know you'll regret it." "You don't have to force me Yuhence," pilit ngiting sagot ko at sumakay na sa front seat. Binaybay na namin ang daan patungo sa school ko. Yung paningin ko ay nasa labas lang ng bintana. Kaunting galaw lang ng paningin ko paniguradong mahahagip ng mata ko si Yuhence. "So sa DLSU ka pala nag-aaral?" hindi ko inaasahan na magsasalita si Yuhence. "A-Ah... oo. Doon ko kasi sa napiling pumasok ng med." "How about UST and Ateneo?" "Okay na ako sa school ko." "How about my campus? Westside International School?" Napatingin ako kay Yuhence. "Meron ba niyan dito?" "Yeah. At tago." "Bakit tago? Masyadong malawak ang Maynila at walang masyadong puno kaya bakit tago?" "Kasi.." tumingin sa akin Yuhence sabay ngisi. "Tago." Akala ko naman mahaba ang sasabihin. Dadalawang salita lang pala. Hindi na lang ako nagsalita at muli kong binaling ang paningin ko sa bintana. Hindi ko naman din inaasahan na si Yuhence agad ang makakasama ko. "Ang lalim naman ng iniisip mo," rinig ko na namang sabi ni Yuhence kaya napatingin ako sa kanya. "N-Nasisid mo ba?" nahihiyang anas ko. Sabi niya kasi malalim. "What?" "Y-Yung iniisip ko nasisid mo ba? Sabi mo kasi malalim, curious lang ako," mahinang anas ko at may binulong pa siya sa ibang lenggwahe kaya hindi ko alam kung anong ibig sabihin non. Mali na naman ba ang sinabi ko? "Susunduin kita mamaya tapos deretso tayo sa MOA," paalala ni Yuhence nang makarating kami sa De La Salle University. "S-Sige," nauutal na sagot ko at bumaba na sa sasakyan. Yumuko pa ako sa bintana at nagkatinginan kami ni Yuhence. "Ingat ka." "Yeah. I will. You can go," tango ni Yuhence. "Sige... bye-yeee," ngiting sabi ko at tinahak na ang daan papasok sa loob ng university. Ayan kana naman puso. Nagiging baliw ka naman. Tambol ka ba? Kasi ang lakas ng t***k mo. Sa sunod na pag-aaralan namin Psychiatry and Medical Practice. Mahirap man pero nagawa ko naman ito ng ayos at inintindi ang paliwanag Mr. Rome. Hindi siya matanda pero hindi pa naman din ma-edad bagkus binata na doctor na nagtuturo ng medisina dito sa DLSU. Isa daw kasi siya sa pinakamagaling na doctor dito sa Maynila kaya siya kilala ng lahat. Aaminin kong gwapo siya at malakas ang dating sa mga kababaihan kaya madaming nahuhumaling sa kanya. "It is becoming increasingly clear that we can improve medical care by paying more attention to psychological aspects of medical assessment and treatment," biglang nagsalita si Mr. Rome kaya agad kaming napatingin lahat sa kanya. "The study and practice of such factors is often called psychological medicine. Although the development of specialist consultation-liaison psychiatry and health psychology contribute to psychological medicine, the task is much wider and has major implications for the organisation and practice of care." Hindi kami gumawa ng ingay dahil mas pinili naming makinig sa sinasabi ni Mr. Rome. Bigla akong napaisip at bigla akong nagtaas ng kamay. "Sir how about ABC model? May nabasa kasi akong ABC sa psychological," ani ko at ngumiti sa akin si Mr. Rome. "Ah that? The ABC model is a basic CBT technique. It's a framework that assumes your beliefs about a specific event affect how you react to that event. A therapist may use the ABC model to help you challenge irrational thoughts and cognitive distortions." "Woah!" "Reaction lang pala eh. Paano react?" "Hahaha. Baliw hindi ganon!" "Syempre joke lang." "Challenge accepted. Reaction only." Kantsawan ng mga kaklase ko kaya natawa si Mr. Rome. Hindi ako nakisali bagkus nanahimik lang ako, pero agad na bumaling ang mata ko kay Mr. Rome. Hindi ko naman din inaasahan na nakatingin siya sa akin. Bahagya akong napalunok at napaiwas ng tingin. "The ABC on psychological medicine that starts this week aims to explain some of those implications. You can go now class. Drive safely," nakangiting sabi ni Mr. Rome. "Oh by the way wear your uniform on next monday." Yung uniform na sinasabi niya ay yung uniform na sinusuot ng doctor kapag may operation na ginagawa. Iyon kasi ang dress code sa mga nagmemedisina. Karamihan kasi ay naka-civilian kagaya ko dahil nga baguhan lang ako. Inayos ko na ang mga gamit ko at tinignan ang wrist watch ko. Hindi ko namalayan ang oras alas-tres na pala ng hapon. Susunduin kaya ako ni Yuhence? Eh bakit ka umaasa Amethyst? "Ms. Sul," agad akong napatingin sa likuran ko dahil sa boses ni Mr. Rome. "S-Sir Rome," sabi ko sabay ngiti. "May kailangan po kayo?" "Wala naman. Gusto lang kita makasabay na bumaba," nakangiting sagot niya at napatango ako. "Shall we?" "A-Ah... sige po." "Are you nervous?" "Kaunti lang Sir Rome," ani ko. Nakababa na kami sa building at nakalabas na ng school pero ang mga mata ng tao ay na sa amin ni Mr. Rome. Nakakahiya. Bakit nila kami pinagtitinginan at pinag-uusapan? Baka iniisip nila na nilalandi ko si Mr. Rome ayoko naman na ganon ang isipin nila sa akin dahil hindi ko naman alam kung paano gawin yon. Walang ano-ano ay tinakpan ko ang mukha ko gamit ang libro na hawak ko habang naglalakad. Ayokong pag-usapan nila ako. "What are you doing?" rinig kong tanong ni Mr. Rome. "H-Ha? May ginagawa ba ako Sir?" tanong ko pero na sa mukha ko pa din ang libro. "So anong tawag sa ginagawa mo? Naughty girl. Remove the book on your face dahil baka madapa ka." Tinignan ko si Mr. Rome sa gilid ko pero nandon pa din ang libro. "Sir masyado ka kasing gwapo kaya pinagtitinginan ka nila. Baka gumawa sila ng konklusyon sa kanilang utak at mag-isip ng masama." "Like what?" natatawa niyang tanong. "B-Basta sa— hala sorry!" sabi ko dahil may nabunggo akong tao. "I've told you Ms. Sul," rinig ko pang sabi ni Mr. Rome. Kinuha ko ang mga libro ko at nag-angat sa taong nakabangga ko. Pero biglang lumakas ang t***k ng puso ko. "Y-Yuhence?" nauutal na bulong ko at mas lalong umingay ang paligid. "You know him Ms. Sul?" "H-He's my friend Sir Rome," sagot ko sa tanong niya. Seryoso lang na nakatingin si Yuhence kay Mr. Rome pero agad na siyang bumaling sa akin. Bakit na naman ganito ang puso ko? "Let's go Amethyst," anas ni Yuhence. "A-Ah... sige," sagot ko at tinignan si Mr. Rome. "Una na po ako Sir Rome." "Yeah. Take care Ms. Amethyst," ngiting sabi ni Mr. Rome. "And nice meeting Mr. Friend." "Tss," matunong na ngisi ni Yuhence. "Sorry i didn't mean to call you Mr. Friend. What's your name by the way?" Bakit naman interesado si Mr. Rome na makilala si Yuhence? Baka ang tipo talaga niya ay lalaki at hindi babae? "Masyadong mahal ang pangalan ko at pili lang sa mga taong gusto kong ipaalam," seryosong sagot ni Yuhence. "Oh really? Magkano ba ang pangalan mo para mabili ko at nang malaman ko?" "Wag ka nang mag-aksaya ng pera mo. Dahil wala din saysay upang malaman mo kung sino ako." "Woah, woah. Easy." Ngumisi si Yuhence. "Let's go Amethyst. And by the way... ang guro hindi nakikisabay sa student. Kaya simula mo ng lumayo sa babae na ito." Hindi na hinintay ni Yuhence ang sasabihin ni Mr. Rome dahil agad niya ng hinila ang kamay papalayo para makaalis na sa school ko. Tinignan ko ang kamay naming dalawa ni Yuhence na magkahawak at mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko. "Get in Amethyst," ani ni Yuhence nang pagbuksan ako ng pintuan. Hindi ako sumagot dahil agad na akong pumasok sa loob ng kotse. Muli na naming binaybay ni Yuhence ang daan patungo sa MOA. Talagang tinotoo niya ang kanyang sinabi na susunduin ako. "Si Apollo pala nasaan?" tanong ko sa kanya. "Nagm-movie marathon with Kaizen." "Saan?" "In your house." "Hala?" gulat na anas ko. "Hala?" panggagaya ni Yuhence para mapanguso ako. "Gusto mo munang kumain o sa seaside na lang tayo kumain habang nakatingin sa kaulapan?" "Sa seaside na lang para cool," nakangiting sagot ko at ngumiti si Yuhence. Lalo siyang gumagwapo kapag nakangiti siya, pero pag seryoso mukha namang bad boy. Nakarating na kami sa MOA ni Yuhence. Ako ang pumili ng kakainin namin. Hindi iyon meal dahil pizza iyon na dalawang box pati burger. Dinala din ni Yuhence ang kanyang gitara. Nakarating kami sa MOA ng five o'clock at nandito na kami sa seaside nakaupo ni Yuhence habang nakain. "Ang daming tao ngayon ah," sabi ko habang nanguya ng pizza. "Yeah right," sagot ni Yuhence. Nagsisimula nang maging purple ang kaulapan kaya tumingala na ako. Ang ganda talaga hindi nakakasawang tignan. "Kanta ka Yuhence," nakangiting sabi ko. "Anong gusto mong kantahin ko?" "Kahit ano. Kung anong tipo mo," sagot ko pa at pumikip habang nilalanghap ang hangin na dumadampi sa mukha ko. "Fine," ani niya at kinuha na ang gitara. Do you love the rain Does it make you dance When you're drunk With your friends at a party What's your favorite song Does it make you smile Do you think of me? When you close your eyes Tell me, what are you dreamin' Everything, I wanna know it all I'd spend ten thousand hours And ten thousand more Oh, if that's what it takes to learn That sweet heart of yours And I might never get there But I'm gonna try If it's ten thousand hours Or the rest of my life I'm gonna love you I'm gonna love you Doon na lang ako napadilat ng mata at tinignan si Yuhence. Pero iyon na naman ang tingin niya na nakatitig sa akin. "B-Bakit? May dumi ba ako sa mukha? May ketchup ba ang bibig ko?" kinakabahang tanong ko. "No, you don't have. Maganda ka." "H-Ha?" "Hakdugen," sagot niya sabay tawa kaya napanguso ako. Bagay sila ni Kaizen magsama parehong wala sa katinuan ang pag-iisip. "Once you have tasted the taste of sky you will forever look up," ani ni Yuhence. "Nalasahan mo na ang ulap? Anong lasa? Lasang cotton candy?" pagbibiro ko at sinamaan niya ako ng tingin. "Joke." "Tss. Soft girl." "Ha?" Ngumiti siya. "Stay soft it looks beautiful on you." Puso kumalma ka! Maganda lang ang narinig mo kaya kumalma ka. Dadalhin na talaga kita sa mental hospital! To be continued. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD