Hindi ko alam kung bakit ako napadpad dito sa Mall Of Asia. Basta ang alam ko lang ay hindi ako okay. I don't know why? Hindi ko lang kasi matanggagp na hindi ako kayang piliin ni Vien. Ano ba ang wala sa akin? Hindi ko alam kung masama ba ako dahil iniiwasan ko na siya simula ngayon. Gusto ko na kasi mawala ang nararamdaman ko para sa kanya dahil alam ko naman din na wala na itong kwenta kung patuloy ko siyang gugustuhin. Nakita ko sa gilid ng mata ko na may tumabi sa aking babae, nakatingala siya sa kaulapan kaya napatingin ako sa kanya pero agad din nag-iwas ng tingin. I don't know her. But her smile is literally the cutest thing I've ever seen in my life. "Hala? Ang ganda ng kalangitan." Dahil sa sinabi niya ay napatingin din ako sa kaulapan and she's right. Tama siya na maganda

