R-18 Dang it. Umuwi ako sa bahay namin na laman pa din ang binigay na sagot kay Yuhence. Na-offend ko ba siya? Sana naman hindi. Hindi ko alam talaga ang isasagot ko, may tumutulak sa puso ko na isagot ang salitang oo pero tinutulak naman ng isip ko na wag ko muna tanggapin ang kanyang inaalok. "Hala? Baka na-offend yan si Yuhence sayo?" ani ni Nayih. Nandito din si Vivienne sa bahay ko kasama ang kanilang anak. Sabado ngayon kaya mas pinili nilang bumisita dito sa akin kasama ang kanilang mga anak na nakikipaglaro sa isa't-isa. "Hindi mo sure," nakangising sagot ni Vien sabay tingin sa akin. "Bakit hindi mo tinanggap 'yung inaalok niya na kasal sa'yo?" "Oo nga. Why naman ganon? Oh my god! I mean, O to the M to the G. Yuhence Won De Vera na iyon, Amethyst. Tapos tinanggihan mo lang

