Hanggang ngayon ay laman pa din ng utak ko ang mga napag-usapan namin ni Amethyst. Habang iniisip ko ang nangyari noong isang linggo ay nakatingin ako sa gitara niyang may sulat. Palaisipan pa din sa akin ang sulat na ito dahil wala namang pumalit sa pwesto niya sa puso ko. Does she think i traded her? Tss. I can't never do that. Pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ko ginagawa ang bagay na ito sa kanya. Noong panahon kasi na wala si Amethyst dito sa pilipinas ay ako ang tumao sa clinic niya. Hindi pa din pala tapos ang kontrata dito kaya ako na din ang nagbayad. Napangisi ako. Wala siyang kaalam-alam na laging bukas ang klinika niya dahil sa akin. Stupid right? I know. Ang isang sikat na engineer may alam pala sa ganitong gawain bilang doctor? Great. Pero kahit na may pasyente

