I just woked up because of the alarm i heard. Ngunit nagitla na lang ako dahil wala si Amethyst sa tabi ko. Lumingon ako sa paligid at masyadong tahimik.
"Amethyst?" tawag ko pero walang sumagot.
I sat on the side of the bed. Napahilamos ako sa aking mukha dahil sa bigat ng mata ko. Inaantok pa ako. Pero hindi ko naman din inaasahan na sa paglingon ko sa gilid ng side table isang puting papel ang makikita ko. I took the paper and i read it.
Goodbye, Yuhence.
~Amethyst
"What the hell? What does she mean?" inis kong tanong at sabay pulot sa mga damit ko na nagkalat sa sahig.
Nilibot ko ang buong bahay ni Amethyst pero hindi ko siya nakita. Sinubukan kong tawagan ang kanyang numero pero nakapatay ang cellphone niya. At ganon din kay Apollo.
"What the hell what's happening?!" pasinghal kong sabi.
Tumungo ako sa guard kung saan sila nakapwesto sa gate ng village. Sana masagot nila ako.
"Do you have CCTV here in every corner of the village house?" I ask them.
"Yes, Sir. Bawat kanto ng bahay dito ay meron CCTV."
"Gusto ko lang sana i-check yung girlfriend ko kung umalis ba siya o mga anong oras umalis. I'm just worried."
"Ano po bang pangalan, Sir?" tanong ng kasama niya.
"Rhena Amethyst Sul."
"Sumama kayo sa CCTV room namin, Sir," nakangiti niyang sabi at tumango ako.
Nakarating kami sa sinasabi niyang room. Pero ganon na lang ang pabulong na mura ko dahil sa nakita ko. Madaling araw na umalis si Amethyst na parang nagmamadali pang sumakay sa kotse. Dali-dali akong lumabas sa CCTV room upang sumakay sa kotse ko at tumungo sa airport.
"What are you thinking doing, baby?! Are you going to leave me again?!" inis kong sabi habang nagmamaneho.
Nakarating ako sa airport at tinignan ang bawat flight board. Ang eroplanong papuntang Greece ay kanina pang madaling araw na nakaalis! Damn it!
"Nagpaalam ka nga pero wala ka naman sinabing dahilan!" sabi ko at parang maluluha. "Papayagan naman kitang umalis. Kung sinabi mo lang ang dahilan. Kaso wala, kaya ano ang panghahawakan ko?"
Mabigat ang pakiramdam ko na inihiga ang katawan ko sa kama. Iniisip ko pa din ang dahilan kung bakit umalis si Amethyst. Umalis ba siya dahil sa ginawa namin kagabi? Sana hindi iyon ang dahilan.
Naiisip ko na naman yung una naming pagkikita sa MOA. She is very innocent. Sasamantalahin ko lang sana ang kainosentehan niya pero ako pa din pala ang matatalo sa huli. Lahat-lahat ng nangyari sa dumaang araw, linggon, buwan at taon ay lahat ng iyon ay totoo. Lahat ng ginawa ko sa kanya at ipinakita ay totoo lahat nang iyon. Wala akong pinagsisihan. Hindi ko pinagsisihan na gustuhin at mahalin siya.
Wala siyang alam sa mga ibang bagay that's why i want to take advantage of her innocence. Pero sariling damdamin ko ang nasamantala. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang larawan ni Amethyst na naka-side view. Wala siyang ideya na kinuhanan ko siya ng picture. Ngumiti ako pero nandon ang luha sa mga mata ko habang hinahaplos ang larawan niya.
"I will wait until you come back, baby. I will never leave my sky. Kaya hihintayin kita," bulong ko.
Christmas eve. . .
"Merry sperm-mas!" bati ni Vien sa akin kaya agad ko siyang yinakap. "Nandito lahat yung mga spermurous!"
Nandito kami sa bahay nila Vanz at Selesther. Dito nila napag-isipan i-celebrate ang pasko. Syempre sabi nila wag daw ako mawawala kaya tumuloy ako. Hindi ko naman din makakasama ang magulang ko dahil pareho silang busy sa negosyo. Pero hindi naman ako nag-demand sa oras nila. Hinayaan ko na lang.
"Spermurous?" kunot noo kong sabi na ikinatawa lang ni Vien.
"Spermurous. Yung mga sperm na baog. Sperm ka diba? Hahaha!"
Aisssh! Great!
"Merry christmas, dude," sabi ni Esther sa akin habang hawak niya ang kanyang anak. "Ninong ka ah?"
"Yeah," nakangiti kong sabi.
"O to the M to the G! Yuhence, merry christmas!" yakap ni Nayih sa akin at si Maxwell din ay hawak niya ang kanyang lalaki na anak.
"Merry christmas too."
Nilibot ko ang tingin sa paligid. Halos kaming lahat lang ng mga kaibigan ko ang nandito. Kasama na ang parents nila Vien at Esther na nakidalo din. Pero nagtama ang paningin namin ni Apollo na agad din siyang nag-iwas ng tingin. Akma ko sanang lalapitan na bigla akong hawakan ni Kaizen.
"What? May kakausapin ako."
"Mamaya ka na mamakla tumugtog ka sa piano. 'Yung sweet ah? Para sa dalawang tao na engage. Samahan mo na din ng kanta," nakangiti niyang sabi at dinala ako sa unahan na may piano at mic. "Galingan mo sperm na baog."
"What the hell?" bulong na inis.
Tinapik niya lang ang balikat ko. I don't know what's going on pero tutugtog na lang ako. Sinimulan ko ng tipahin ang piano at tutok lang ang mata ko doon.
105 is the number
That comes to my head
When I think of all the years
I wanna be with you
Wake up every morning
With you in my bed
That's precisely what I plan to do
Nag-angat ako ng tingin dahil sa biglang paghiyawan sa paligid. Nakita ko na lang si Vanz at si Selesther na kapatid ni Yuhence ay sumasayaw sa gitna. Wala 'man akong ideya pero alam ko na kung ano ang mangyayari.
And you know one of these days
When I get my money right
Buy you everything and show you
All the finer things in life
Will forever be enough
So there ain't no need to rush
But one day, I won't be able
To ask you loud enough
I'll say will you marry me
I swear that I will mean it
I'll say will you marry me
Pagkatapos kong kumanta ay iyon naman ang biglang pagluhod ni Vanz sa harap ni Selesther. Lalong naghiyawan ang paligid kaya gumuhit ang maliit na ngiti ko sa aking labi.
"You are the woman who has changed my life forever and who has become worthy of all the love that I have in my heart, so I want to ask you something very special, something I know you have been waiting to hear for some time now," sabi ni Vanz habang nakatingin ng deretso sa mata ni Selesther. Nilabas na niya ang maliit na kahon na ikinatakip ng bibig ni Selesther. "I want to give you something very special, something that symbolizes the great love I feel for you and the commitment to love you for the rest of my life, both in health and disease. Do you accept this ring to become my wife?"
"Oh my God?! Yes! Yes, baby! I will marry you!" naluluhang anas ni Selesther at yumuko upang hagkan si Vanz. "I love you."
"Finally!" galak na sabi ni Vanz at parang natataranta pang sinuot ang singsing sa daliri ng kanyang nobya. "We're officially engaged!"
Naghiyawan ang mga kaibigan ko dahil sa saya. Tinignan ko si Apollo na umiiwas na naman ng tingin sa akin. May alam ba siya? Aalis na sana ako doon sa pwesto ko kanina na biglang lumapit sa akin si Selesther. Nginitian ko siya.
"Congratulations, Selesther," i said.
"Naughty boy. You should call me Noona," kunwaring pagsusungit niya.
"Fine, fine. Sorry, Noona," kantsaw ko.
"Let's take a picture, Yuhence."
"Just one picture okay?"
"Yup. Tag na lang kita."
Nangyari ang gusto niyang mangyari. Kinuhanan kami ng larawan gamit ang kanyang cellphone. Ganon na lang din kabilis niyang i-upload sa social media. Tumingala ako sa kadiliman ng kaulapan. Nakita ko na naman ang buwan kaya bigla kong naisip si Amethyst.
Masaya ba ang pasko niya?
"Hoy mga spermurous! Inuman na!" wagayway ni Vien sa alak sabay natawa. "Akalain mo nga namang ikakasal na ang kapatid ko? Hahaha. Tara na dito mga sperm na baog."
Napailing na lang ako dahil kay Vien. Tumingin na naman ako kay Apollo na kasalukuyan ng may kausap sa cellphone habang lumalakad papalayo. Sinundan ko siya at natagpuan ko siya sa labas ng gate.
"Are you okay, Amethyst? I'm sorry. Hindi kita nasamahan ngayon pasko. Wait, are you crying? Hush, cous. You will be fine. Really? When? Okay. I'll wait. Take care," saktong pagbaba ni Apollo sa cellphone niya ay nagitla siya sa presensya ko. "Y-Yuhence?"
"Si Amethyst? Siya ba ang kausap mo?" kunwari kong tanong kahit narinig ko naman.
"Kung may gusto kang malaman Yuhence si Amethyst na lang ang kausapin mo."
"Paano ko makakausap ang pinsan mo kung nagbago na siya ng numero? Does she already love someone else?"
"Yuhence, just wait okay? She will be back."
"When is she coming back? Babalik siya kung kailan hindi na siya ang mahal ko? Ganon?" nakangisi kong sabi na ikinakunot ni Apollo.
"Kung talagang mahal mo ang pinsan ko hihintayin mo siya kahit gaano katagal. Bakit? Hindi ka pa din ba niya magawang mahalin kaya hindi mo siya magawang hintayin? Bakit hindi mo pilitin?"
I smirked. "I don't want to force her, Apollo. Dahil hindi ganon ang pagmamahal."
"Si Amethyst lang ang makakasagot sa gusto mong malaman, Yuhence," ani ni Apollo at tinalikuran na ako.
Babalik na siya? Kailan?
"I'll wait, baby. I'll wait," sabi ko at tumingala sa kadiliman ng kaulapan at naluha.
Panghahawakan ko ang sinabi ni Apollo na babalik ka, kaya hihintayin kita. Hihintayin kita kahit gaano katagal basta bumalik ka lang.
3 years passed. . .
Tatlong taon na ang nakakalipas pero walang Amethyst na bumalik. Hanggang ngayon hinihintay ko pa din siya. Nagbabakasali ako na babalik na siya sa akin pero wala pa din. Umasa lang ako.
"Hey, Yuhence?"
Agad akong napatingin sa likod ko dahil sa boses ng babae. Nang mapatingin ako ay iyon naman ang biglang pagsilay ng ngiti niya sa akin. Ngumiti din ako at umupo siya sa gilid ko. Sa ngayon nandito ako sa bar ko, na sa bar station ako pero hindi ko naman din inaasahan na paparito din siya.
"What are you doing here, Meerah?" tanong ko sa kanya.
"Nothing. I just want to get drunk. Don't worry, kung ano 'man ang nangyari noon hindi na iyon mangyayari ngayon," sabi niya at um-order ng alak. "Where is your girlfriend by the way?"
Napatingin ako sa hawak kong shot glass. Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong ni Meerah.
"Greece," simpleng sagot ko lang.
"Ano ang ginagawa niya sa Greece? Don't tell me, may iba na siyang minamahal?"
"Maybe? I don't know."
"Kailan lang siya umalis? Yesterday ba?" rinig ko pa niyang tanong kaya napatingin ako sa kanya. "What? Did i say something wrong?"
"3 years na siyang wala dito, Meerah."
"Are you kidding me? Nakita ko pa nga siya sa MOA noong tuesday. And yeah, nakahingi na ako ng sorry sa kanya but she looked so different. I mean, parang nagbago siya? Naging maldita. Hahaha. So i asked you if she left yesterday."
Dahil sa sagot niya nanlaki ang mata ko. Agad akong napatayo dahil sa nalaman ko tinawag pa ako ni Meerah pero hindi ko na siya magawang lingunin pa.
She's back. My baby is back!
Maya-maya pa ay nakarating na ako sa bahay ni Amethyst. Agad akong bumaba at nag-doorbell pero wala pa din taong nalabas. Paulit-ulit kong pinindot iyon pero wala pa din.
"Sir? Wala po d'yan si Ms. Sul. Umalis siya," ani ng guard na parang naglilibot gamit ang tricyle nila.
"Anong oras siya umalis?"
"Kani-kanina lang, Sir. Kababalik na lang niya kasi noong tuesday."
"Thank you."
Agad na ulit akong umalis upang tumungo sa lugar kung saan kami unang nagkita. Sobrang bilis nang pagtibok ng aking puso. Kinakabahan ako na nasisiyahan dahil sa bumalik na siya. Nakarating ako sa MOA at tumungo na sa seaside. Hapon na. Hinanap siya ng mga mata ko masyadong kaunti lang ang tao ngayon na nandito. Pero napatigil na lang ako sa isang babae na may hawak na gitara. Dahan-dahan lang akong lumakad sa likod niya pero di pa ako naakyat sa patag na bato. Narinig ko na kumanta siya kaya mas lalo akong natigilan.
I always needed time
On my own
I never thought I'd need you
There when i cry cried
And the days feel like years
When I'm alone
And the bed where you lie
Is made up on your side
Bakit parang may pinupunto siya sa kanta niya? Ayoko gumawa ng ilusyon sa utak ko pero iyon ang dating sa akin.
When you walk away
I count the step that you take
Do you see how much
I need you right now
When you're gone
The pieces of my heart
Are missing you
When you're gone
The face i came to know
Is missing too
When you're gone
Oh, the words i need to hear
Is always get me through the day
And make it okay
I miss—
"I miss you," pagpuputol ko sa sasabihin ni Amethyst upang mapalingon siya sa akin.
Nagtama na ang paningin namin pareho at may luha sa kanyang mga mata. Bahagya pang nanlaki ang kanyang mga mata ngunit nagbaba ako sa kanyang suot. Masyado ng nakikita ang mga balat niya, hindi na siya tulad ng dati na magsuot ng damit na halos matakpan pati ang leeg niya. Ibang-iba na ngayon. Aaminin kong maganda ang pangangatawa niya pero hindi naman ako makakapayag na pati dibdib niya ay makikitaan ng iba.
"Y-Yuhence," nauutal niyang sabi kaya napapikit ako.
I miss her. I miss everything about her. Her voice, her innocent face, her touch. Everything.
"Hey Ms. Innocent? Sa susunod naman magsabi ka sa akin kung aalis ka para naman hindi ka magmukhang bastos?" muli kong sabi niya sa kanya.
Sinabi ko ito sa kanya noon pero gusto kong ulitin ngayon. Napangisi ako dahil bigla siyang nagbaba ng tingin. Umakyat ako sa patag na bato at tinabihan siya. Gusto kong magalit pero gusto kong malaman ang totoo mula sa kanya.
"Can i borrow your guitar?" sabi ko.
"Y-Yeah... s-sure."
Tumingala ako sa kaulapan at inalala ang binitawan niyang salita noon. Ang ani niya ay tumingin lang ako lagi sa kaulapan dahil kahit malayo daw kami sa isa't-isa ay pareho lang daw kami ng kaulapan dalawa. Hindi ko nakuha ang punto niya noong una. Kaya pala niya sinabi siya sa akin iyon ay dahil aalis na siya. Tinipa ko ang hawak kong gitara at napapikit.
Don't go tonight
Stay here one more time
Remind me what it's like
Oh, and let's fall in love
One more time
I need you now by my side
It tears me up
When you turn me down
I'm begging please
Just stick around
Ramdam ko ang luhang tumulo sa mukha ko. Pero nagpatuloy ako.
I'm sorry don't leave me
I want you here with me
I know that your love is gone
I can't breath I'm so weak
I know this isn't easy
Don't tell me that your love is gone
That your love is gone
Tumingin ako kay Amethyst na kasalukuyan na nakatingin din sa akin. Inangat niya ang kanyang kamay at pumikit ako na haplusin niya ang pisngi ko upang pahirin niya ang luha na tumulo.
"Baby, don't tell me that your love was gone?" anas ko at tinignan si Amethyst. "Why did you leave me?"
"I'm sorry."
"Why? Bakit mo ko iniwan? Wala akong ginawa sayo kaya bakit mo ako iniwan? May nangyari sa atin noong gabi pero kinabukasan naglaho ka parang bula?" agad kong sabi habang tumutulo ang luha sa mga mata ko.
"Nandito na ako, Yuhence. Gusto kong bumalik ka pero wala na akong babalikan pa sayo," sagot niya na ikinakunot ng noo ko. "I want you back."
"Hindi ako ang umalis pero bakit ako ang kailangan na bumalik?"
"Bakit kita pipilitin na bumalik kung alam ko naman na hindi ka na babalik? This is bullshit, Yuhence."
Napanganga ako sa biglang pagmumura ni Amethyst. Everything has changed.
I grinned. "I feel sad for seeing those good person who changed their selves into their worst."
"Maybe it's time to forget for making myself worst."
Akma na naman niyang papahiran ang luha sa pisngi ko pero hinawakan ko lang ang pulsulan niya. Natigilan siya.
"I don't need your hand to wipe my tears away," sabi ko at hinila niya ang kanyang kamay.
"Instead of wiping away your tears, wipe away a person who makes you cry," ani niya kaya napatingin ako sa kanya.
Pero bigla na lang siyang tumayo at nanliit ang mata ko na sobrang ikli ng suot niya. Nakatingala ako sa kanya kaya hinubad ko ang suot kong coat.
"Don't. I don't need your coat," ani niya at bumaba na sa bato. "Every sunset reminds me of how i hope that you and me could last."
Pagtapos niyang sabihin iyon ay mabilis na siyang lumakad papalayo sa akin. Napayuko lang ako at napatingin sa gitarang hawak ko. May nakasulat mula roon.
Don't lose yourself just because you found somebody.
~Moon
Napahawak ako sa mata ko dahil sa panibagong luha na tumulo sa mata ko. Iniisip ba niya na may iba na ako?
"Wala akong iba, Amethyst. Palaging ikaw."
To be continued. . .