CHAPTER 18

3166 Words
Nang makarating kaming ni Apollo sa Interior ay agad na nagbigay galang ang mga tauhan namin sa amin. Ngunit ako ay nagdere-deretso lang ang pasok dahil sa pag-aalala ko sa aking ama. Nakasunod sa akin si Apollo hanggang sa makapunta kami sa palapag upang tumungo sa silid ng aking ama. Samu't saring boses ang aking naririnig dahil sa pagbati ng mga tauhan namin ngunit hindi ko 'man lang sila magawang sagutin pabalik. "Hindi mo kailangan magmadali, Amethyst," ani ni Apollo sa aming sariling lenggwahe. "Kailangan, Apollo. Bagama't hindi ako mapapalagay hangga't hindi ko nakikita ang ama ko na sa maayos na kalagayan," seryoso ko din sagot sa aming lenggwahe. Hindi kami maaari gumamit ni Apollo sa nakasanayan niyang lenggwahe ng Pilipino dahil nandito kami ngayon sa Interior. Dahil hindi kami maiintindihan ng mga tao sa paligid namin kung gagamitin namin ang salitang tagalog dito. "Aplá parakaló iremíste," pagpapakalma ni Apollo sa akin. Paano kumalma sa sobrang kaba na nararamdaman ko ngayon, Apollo? "Megaleiótate," agad kong tawag nang pagbuksan ako ng pintuan. Pero agad din akong napatakip ng bibig at parang naluluha dahil sa nadatnan ko sa kwarto ng aking ama. Ramdam ko ang presensya ni Apollo pero alam kong pati siya ay nawalan ng imik. Napatingin sa akin ang mommy ko na hulaan habang nakasapo din ang kamay sa bibig niya. "A-Ama," mahinang bigkas ko at dahan-dahan na lumapit. Nanatili ang mata ko sa aking ama na wala ng malay. Nakatayo na lang ang doctor sa gilid na parang hindi na niya kayang gamutin ang aking ama. "Anong tinatayo-tayo n'yo d'yan?!" sigaw ko sa mga gumagamot sa aking ama. "Kailangan ng ama ko ang tulong ninyo! Bakit hindi ninyo magawang gamutin?!" "Amethyst, kumalma ka," akbay sa akin ni Apollo ngunit hindi ko siya nagawang sagutin. "Syngnómi, prinkípissa Améthystos," paghingi ng tawad ng doctor sa akin. "Subalit ginawa na namin ang lahat para maibalik ang buhay ng hari ngunit sadyang naputol na ang kanyang hininga at nawalan na ng t***k ang kanyang puso." "Den eínai nekrós!" sigaw ng aking ina na sinasabing hindi pa patay ang aking ama. Doon na ako naluha ng sobra dahil sa narinig ko mula sa doctor. Nakatingin pa din ako sa aking ama na wala ng buhay. Mabilis akong lumapit at tinulak ang doctor. "CPR!" ani ko at parang nagdadalawang isip pa ang nurse dahil sa utos ko. "Isa din akong manggagamot! Kung hindi mo ibibigay ang kailangan ng ama ko ikaw ang ilalagay ko sa libingan!" Ibinigay sa akin ng nurse ang kinukuha ko. Puno 'man ng luha ang aking mga mata ay sinusubukan ko pa din buhayin ang aking ama. Ngunit sadyang wala ng ibinibigay na pahiwatig ang daddy ko para mabuhay ulit siya. Hinawakan ako ni Apollo at pinigilan dahil sa aking ginagawa. Doon na din ako napahagulhol ng iyak at napasigaw. "Ama!" ani ko at yinakap ang kanyang katawan. "B-Bakit? M-Malakas ka 'di ba? M-Malakas ka 'nong iniwan ko kayo ni mommy malakas ka!" "My daughter," tawag ni mommy sa akin at ramdam kong hinawakan niya ako sa balikat. "P-Pasensya na kung hindi ko sinabi sa iyo na may nararamdamang sakit ang ama mo." "Bakit hindi ninyo nagawang sabihin sa akin?!" ani ko habang nakayakap pa din sa ama ko. "Cous, calm down," sabat ni Apollo. "Ito na lang ang dahilan para makapagpahinga na si Tito. Alam kong masakit pero kailangan natin tanggapin." Dahil sa sinabi ni Apollo ay napatayo ako at tinignan siya ng deretso sa kanyang mga mata. Hindi ako makapaniwala. "P-Paano mo nasasabing tanggapin ko ang pagkawala ng aking ama kung sobrang sakit sa dibdib ko?" turo ko sa aking dibdib. "Hindi ko matanggap, Apollo! Hindi ko matatanggap! K-Kailangan niyang mabuhay. Kailangan ko ang ama ko." Tumulo ang luha ni Apollo at nagmartsang lumapit sa akin upang yakapin ako. Doon ako mas lalong napahagulhol ng iyak sa bisig ng pinsan ko. "Ponáei, Apóllona," ani ko na sinasabing masakit. "Ang sakit. B-Bakit hindi nila nagawang sabihin na may sakit ang ama ko para ako ang gumamot sa kanya?" "I know, Amethyst. I know. Kung ano ang naranasan mo ngayon ay naranasan ko na yan noon sa kapatid ko," mahinang anas ni Apollo. "Masakit din sa akin kung kailan wala na ang kapatid ko doon ko na lang din malalaman na may iniinda siyang sakit. Sobra akong nasaktan noon na hindi ko 'man lang nagawang alaagan ang kapatid ko sa paghihirap niya." Hindi ako nakasagot. Patuloy pa din akong lumuluha. "Masakit sa akin na nawala ang kapatid ko pero mas pinili ko na lang tanggapin. Mas pinili kong tanggapin ang katotohanan na wala na siya dahil alam kong hindi na siya mahihirapan sa nararamdaman niyang sakit. Katulad din ni Tito. Alam kong maganda na ang pakiramdam niya dahil hindi na siya mahihirapan sa sakit niya." "B-But i need him, Apollo. Kailangan ko ang ama ko. H-Hindi ko kaya," garalgal na sabi ko. "Nandito lang kami ng mommy mo, Amethyst. Kayanin mo." Naasikaso na ang katawan ng daddy ko at hindi naman naalis sa tabi ko ang pinsan ko. Si mommy naman ay hindi ko magawang kausapin, alam kong ayaw niya lang ako masaktan kaya hindi niya siguro nagawang sabihin sa akin na may ganitong sakit pala dinadamdam si daddy. Pero may karapatan ako, mas higit akong nasaktan dahil hindi nila nagawang sabihin sa akin. Kung maaga ko ba malalaman ay hindi ba mawawala sa amin si daddy? Paano na ako, daddy? Paano na kami ni mommy? Ang daya mo. Sabi mo kikilalanin mo pa ang lalaking mamahalin ko. Pero ano? Paano ko maipapakilala kung wala ka na sa amin? "Amethyst," napatingin na lang ako kay Apollo dahil sa bigla niyang pagtawag. Nandito ako ngayon sa amin hardin. Gusto ko munang makalanghap ng hangin, pero sadyang makulit ang mga mata ko. Ayaw pa din tumigil sa pagtulo ang luha sa mga mata ko. "Bakit?" "Naasikaso na ang katawan ni Tito," ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses. "Kung gusto mong umiyak sumandal ka lang sa balikat ko. Kahit alam kong peke ang ngiti mo ay gusto ko pa din bitawan mo ang bagay na nakakapanakit sa damdamin mo." Tinignan ko si Apollo dahil sa kanyang sinabi. Bumuga ako ng hangin sabay tumingala sa kaulapan. "I've finally let go of my fake smile and tears, slowly rolled down my face as i whispered myself i don't want to be me." "Amethyst, don't say that." "B-Bakit ko ito nararanasan? Bakit ko nararanasan ang mawalan ng minamahal sa buhay, Apollo?" "Everything happens for a reason, cous." "I know everything happens for for a reason, but sometimes i wish i knew what that reason was," ani ko sabay napayuko. "Nakikita ko naman ang rason kung bakit wala na si daddy sa amin, pero bakit parang hindi ko kayang tanggapin ang rason na wala na siya?" "Amethyst," tawag ni Apollo sa akin at tinignan ko siya. Naluha na naman ang mga mata ko kaya mabilis akong niyakap ni Apollo. Hindi ko talaga matanggap na ganon na lang kabilis ang pangyayari na wala na ang ama ko. Wala na ang unang lalaki na minahal ko ng lubos. Kung nalaman ko lang sana ng maaga sana hanggang ngayon ay buhay pa din si daddy. "Ang sakit, Apollo. Sobrang sakit. Bakit kasi kailangan mawala pa ang taong mahal natin? H-Hindi ko matanggap," hagulhol ko sa kanya. "Hush, cous. Hindi mo masisisi ang bagay na nangyari at itinakdang mangyari. Kailangan mo na lang tanggapin na wala na si Tito sa buhay natin." Lumipas ang buwan ay laging na sa tabi ko ang pasong may takip na naglalaman ng abo ni daddy. Napagkasunduan ko din na pag sumapit ang isang taon ay ibubuhos ko ang abo ni daddy sa dagat. Pero parang hindi ko pa ata kayang pakawalan. Si Apollo naman ay umuwi dahil hindi siya maaaring manatili ng matagal dito sa Interior dahil may kailangan pa siyang asikasuhin na mahalagang bagay. "Kamusta na kaya ang taong mahal ko?" patukoy ko kay Yuhence. "Galit kaya siya?" Lumipas 'man ang buwan ngunit hindi nawala si Yuhence sa isip ko. Lagi kong iniisip kung ayos lang ba siya? Galit ba siya dahil sa biglaang pag-alis ko? O-O hindi na niya siguro ako mahal? "Mahal mo pa din ba ako hanggang ngayon Yuhence?" ani ko habang nakatingin sa larawan naming dalawa. "Hihintayin mo kaya ako? Sana nga ay hintayin mo ako." "Amethyst?" nag-angat ako ng tingin dahil sa boses ni mommy. Nandito ako ngayon sa aking kwarto at nandito din ang abo ni daddy sa side table ko. Tinignan ko si mommy na lumalakad papalapit sa akin hanggang sa mapaupo siya sa kama ko. "Why?" walang ganang tanong ko. "I am so, so, sorry. I'm so sorry, Amethyst. Alam kong may galit ka dahil hindi mo ko kinakausap simula 'nong mawala ang daddy mo sa atin," naluluha niyang sabi. "Ang habilin kasi ng daddy mo ay wag kailanman sasabihin sayo na may sakit siya dahil ayaw niya—" Pinutol ko ang sasabihin ni mommy kahit alam kong nakakawalang galang ang pagputol sa sinasabi ng isang tao kapag nagsasalita. Pero sadyang hindi ko pa din matanggap ang dahilan. "Kung sinabi mo lang po sana ng maaga mommy hindi mawawala si daddy sa atin," seryosong sagot ko upang mapayuko siya. "D-Don't worry. I'm not mad at you. Hindi ko kailanman naramdaman ang magalit sa inyo. S-Sadyang hindi ko lang matanggap." "I'm sorry, my daughter." "Wag po kayo humingi ng pasensya, mommy. Wala po kayong ginawang kasalanan sa'kin." Naluha si mommy kaya napayuko. Ramdam ko ang pag-usad niya dahil sa paggalaw ng kama. Hanggang sa naramdaman ko na lang na yinakap niya na ako. Tumulo ang luha sa mga mata ko, alam kong masakit din kay mommy at hindi niya ginusto na mawala si daddy kaya hindi ako kailanman nagalit dahil lang sa hindi niya nagawang sabihin sa akin na may sakit si daddy. Sadyang hindi ko lang matanggap. "Forgive your mommy, my daughter. Forgive me." "I-It hurts. But it's okay, mom. It's okay." "I love you, Amethyst." "I love you too, mommy." At hindi ko naman din inaasahan na isa na nga lang ang pinanghahawakan kong tao iniwan pa ako. Nang dahil sa depression ay nag commit ng suicide ang mommy ko. Natagpuan na lang ang katawan sa kwarto habang nakatali ang leeg sa lubid. Kaya heto ako ngayon, nakatitig sa dalawang litrator na yumao kong magulang. "A-Ang daya ninyo. Kayo magkasama na habang ako naman ay nag-iisa," garalgal kong sabi. "Masaya na po ba kayo d'yan, mommy and daddy? Magkasama na kayo d'yan sa langit baka pwedeng sumunod na ako sa inyo?" Wala akong karamay ngayon dito sa Interior. Hindi nakarating si Apollo upang damayan ako sa lungkot ngunit may nangyari daw na kailangan niyang ayusin. Hindi naman ako nag-iisa dito dahil nandito lahat ang mga tauhan namin sa Interior pero piling ko ay parang mag-isa lang ako dito. "Ako na lang mag-isa ngayon kaya paano pa ako mabubuhay kung wala na kayo sa akin?" dagdag ko pa. "Bigyan n'yo lang ako ng sign mommy at daddy na gusto n'yo na akong makasama susunod ako sa inyo agad." Wala na akong magulang. Pareho na silang wala sa buhay ko. Kaya ang buong Greece ay ramdaam ko ang pakikiramay nila sa akin. Pero sadyang parang ayokong biguin ang sinabi ni daddy at mommy sa akin. "Kapag dumating ang oras na mawala na kami Amethyst ay magpatuloy ka sa buhay na makakamit mo balang araw," ani ni daddy sa akin. "D-Don't say that, daddy. Para ka pong namamaalam agad." "Your daddy is right, baby. Hindi mo kailangan huminto dahil lang sa wala na kami sa tabi mo. Kailangan mong magpatuloy. Kasi kahit wala na kami sa buhay mo, lagi naman kaming na sa tabi mo habang sumusunod sa likod mo." Isa na lang kayong hangin, na dumadapo sa balat ko at hindi ko magagawang yakapin. Malungkot at masakit pero unti-unti kong tatanggapin. "Prinkípissa Améthystos." Agad akong napatingin sa likod dahil sa boses ng isang matanda. Lumapit siya sa akin at nagbigay ng galang bago yumuko ng marahan upang magsimula sa kanyang sasabihin. "May kailangan kang malaman tungkol sa binigay na sulat na iyong ama noong nabubuhay pa siya," ani niya sa aming lenggwahe. "Ano ang kailangan kong malaman?" "Ikaw po ang papalit sa kanyang trono ayon sa sulat na kanyang itinabi." Natigilan ako sa sinabi ng Royal Council namin. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Tumingin ako sa matatabang bulaklak na nakikita ko sa aking paligid. Ngunit agad din tumingala sa kaulapan. "Gaganapin ang koronasyon sa darating na pasko, Prinkípissa Améthystos. Upang ipasa sayo ang korona ng iyong ama." "Maaari ba akong magbigay ng desisyon?" sagot ko sabay tingin sa Royal Council. "N-Nai, Prinkípissa Améthystos." "Sa totoo lang ayokong tanggapin ang trono," sagot ko upang mapatingin siya sa akin na may gulat sa kanyang mga mata. "T-Ti les, Prinkípissa Améthystos?" "Ayoko muna pag-usapan ang bagay na ito. Kasi alam kong may darating na tao upang humadlang dahil ako ang papalit sa trono na yumao kong magulang," ani ko sabay tayo. "P-Pero—" "Sa susunod na natin ito pag-usapan." Dumating ang araw ng koronasyon pero ako parang walang gana na nakatingin lang sa labas ng bintana habang inaayusan ang mukha ko. Piling ko lahat-lahat sa akin ay nagbago. Naging malamig ang pakikitungo ko sa mga tauhan namin na nandito sa palasyo. "Bakit po ata ay kay sobrang lungkot ng iyong mga mata, Prinkípissa Améthystos?" tanong sa akin ng isang matanda na nagsisilbing tagapamuno sa mga katulong dito. "Hindi ka ba nasisiyahan na ikaw na ang papalit sa trono ng iyong ama?" "Bakit ko kailangan magsaya kung wala naman na dito ang aking magulang?" "Pero kailangan mo din ipakita sa mga tao na masaya ka sa nakamit mo." "Hindi ko kailangan i-peke ang tunay na emosyon sa aking mukha," sagot ko at pinatigil ko na ang babaeng nag-aayos sa mukha ko. "Oras na ba?" "Nai, Prinkípissa Améthystos." Tumango ako sa kanilang isinagot. Tumungo na kami sa Royal Court habang hawak ng dalawang babae ang dulo ng gown ko. Ayoko 'man suotin dahil sobrang haba ngunit kailangan. "Ang isang ulilang anak ay siya na ang papalit sa trono ng kanyang ama," ani ng isang babae habang kasama niya ang kanyang anak na babae. "Hindi ako papayag na ikaw ang papalit sa trono ng kapatid ko." "Hindi ko naman din sinabi na magbigay ka ng permiso upang ako ang pumalit sa trono ng yumao kong magulang," sagot ko at tinignan sila. "Hindi n'yo ba matanggap na hindi kayo karapat-dapat sa trono ng aking ama?" "Pós tolmás?!" akma sana akong susugurin ng pinsan ko na si Althea ngunit pinigilan siya ng kanyang ina. "Sisiguraduhin ko sa loob ng Royal Court ay hindi mo masusuot ang korona ng iyong ina." "Siguraduhin mo din na hindi ka sasablay," nakangisi kong sagot at binigyan ng senyas ang katulong na sumusunod sa likod ko. Nakarating na kami sa Royal Court at tulad noon ay maraming nagsidatingan na malalaking tao na galing pa sa iba't-ibang bansa. Sinimula na ang seremonya kaya ako ngayon ay nakatayo na sa harapan upang hinihintay na matapos ang sinasabi ng matandang lalaki na maglalagay ng korona sa akin. Akma na sana ako yuyuko upang ilagay ang korona sa ulo ko na biglang magsalita ang Tita ko na si Amy Sul. "Den axízei ton thróno tou aderfoú mou," ani niya na sinasabing hindi ako karapat-dapat sa trono. "Bakit siya ang kailangan na pumalit kung pwede naman ang anak ko?" Napatayo ulit ako ng ayos upang tignan ang tita ko na may ngisi sa kanyang labi. Ganon din ang pinsan ko na si Althea. Ngumiti ako ng peke. "Nakakaawa," nakangiti kong sabi. "Pansamantala lang akong tatayo bilang reyna ng Greece." Narinig ko ang bulungan sa paligid dahil sa sinabi ko. Ngumisi ako ng mapait habang nakatingin sa tita ko. "Kasi alam kong may papalit." "Tama ka. Dahil ako—" pinutol ko ang sasabihin ng pinsan ko. "Dahil sa oras na magkaanak ako ng lalaki sa kanya ko ipapasa ang trono," sagot ko na ikinalaki ng mata nilang dalawa. "Hindi ko maaaring ibigay sayo inyo ang trono. Tsaka ko na isusuko ang trono kapag sa anak ko mismo ito isusuko." "Paano mo magagawa iyon, Amethyst? Wala ka pa ngang naipapakitang anak. Buntis ka ba?" "Hindi pa," nakangiti kong sagot. "Pero sisiguraduhin ko na sa oras na magkaanak ako sa kanya ko ipapasa ang trono ko." "Hindi mo maaaring gawin yan!" sigaw ni Althea. "Ngayon ako na ang kikilalanin na reyna sana kaunting respeto sa akin kung gusto n'yo pa makatapak dito sa palasyo," nakangisi kong sabi na ikinatahimik. "Kaya makinig na lang kayo at manood. Dahil kahit anong sabihin ninyo hindi sa inyo mapupunta ang trono." Hindi na nakasagot ang tita't pinsan ko dahil sa aking sinabi. Tuluyan na isinuot ang korona sa akin at tumapat sa mga tao. Nagsitayuan sila nang magsalita ang matandang lalaki. "As she holds the holy properties and is crowned in this holy place, I present to you Queen Amethyst of Greece," ani ng lalaki upang magpalakpakan ang mga tao. Natapos ang pagdiriwang ng aking koronasyon at heto ako ngayon sa aming hardin. Nakatingala sa madilim na kaulapan na nagsisilbing liwanag ang buwan. "Masaya kaya ang pasko ni Yuhence kasama ang kanyang mga kaibigan?" mahinang anas ko. "Pasko ngayon pero ang lungkot. Wala akong kasama." Napabuga ako ng hangin at binuksan ang cellphone ko. Tumungo ako sa i********: upang aliwin ang sarili ko sa kakatingin sa mga larawan. Pero sadyang bakit ganito ang tadhana sa akin? Larawan ni Yuhence ang nakita ko habang may kasama siyang babae. Nakahawak si Yuhence sa bewang ng babae, at ang babae naman ay nakataas ang isang kamay na ipinapakita ang sing-sing na nasa daliri niya. Binasa ko ang nakalagay sa caption na naka-tag si Yuhence doon. Finally. Officially engaged. "Masaya na siya," ani ko at tumulo ang luha sa mga mata ko. "Akala ko hihintayin mo ko sa pagbabalik ko pero parang wala na akong babalikan sayo." Hindi ko na muling tinignan ang larawan ni Yuhence na may kasamang babae. Hinayaan ko na lang ang aking sarili na umiyak habang yinayakap ako ng malamig na hangin. "Wala na ba akong karapatan na sumaya? Bakit ipinagdadamot sa akin ng tadhana ang kasiyahan na sa isang tao ko na nga lang mararamdaman?" Babalik naman ako pero bakit hindi niya ako magawang hintayin? Bakit niya sinabing mahal niya ako kung sa iba na siya sasaya? Nakakatawa. "Seeing you happy with someone else doesn't kill me, because it's your happiness that i always wished for," nakangiti kong sabi habang nakatingin sa buwan. "Moon, would you ever leave your sky even if he hurt you? Wish you were happy, Yuhence. Karma ko na siguro ito sa ginawa kong pag-iwan sayo. Mahal kita. Mahal na mahal kita kahit ang sakit-sakit na." To be continued. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD