Ehra Mas lalo akong pinabilib ni Leighton dahil gumawa sya ng paraan upang makapagbigay ng ransom money na hinihingi ng mga sindikato. Ibig sabihin ay talagang malaki ang pagmamahal at pag-aalala nya sa pinsan ko. Bakit kaya sa kabila ng lahat ng nakuha ko mula kay Charmaine ay nakakaramdam pa rin ako ng matinding inggit sa pinsan ko? Marahil ay dahil nahihirapan akong makuha si Leighton mula sa kanya. Marahil ay dahil walang nagmamahal sa akin kagaya ng pag-ibig na mayroon ang lalaki na iyon para sa pinsan ko. Naisipan kong dalawin ang pinsan ko sa ospital at alam kong pinahirapan sya ng mga sindikato dahil sa mga natamo nyang sugat at pasa sa buong katawan. "Buhay ka pa pala Couz?" Bigla ko na lamang bulyaw sa kanya. Nakahalukipkip akong pumasok sa loob ng kanyang silid hab

