Ehra Ilang beses akong umiling sa harapan ni Maranzano. Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nya. Marahil ay tinatakot nya lamang ako. Akala naman nya ay uubra sa akin ang pagsisinungaling nya. "Bakit ka ba nagpapanggap na isa kang notoryus leader?" Tanong ko sa kanya Napahawak sa kanyang leeg si Maranzano. At ilang saglit lang ay tinawanan nya ako. "Wala akong magagawa kung hindi ka maniwala. Basta ang mahalaga sa akin ay nakuha na kita. Hinding-hindi ka na makakatakas pa kay Leon!" Sabi nya sa akin Bigla akong napahakbang pataligod dahil nangilabot akong bigla sa mga sinasabi nya. Kailangan ko ba talagang maniwala na sya si Leon? Kailangan ko ba talagang matakot dahil hawak ako ng isa sa mga leader ng mga demonyong sindikato? "Sumilip ka sa bintana. Maraming mga body guards a

