Leon POV Hinding-hindi ko malilimutan ang maganda nyang mga mata. Kahit pumikit ako ay nasisilayan ko pa rin ang maamo nyang mukha. Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang kakaibang t***k ng puso ko. Ngayon na lang ulit lumambot ito dahil kasing tigas ito ng bato. Alam ko ang pakiramdam na ito. Alam kong kahit saglit na panahon pa lang kaming nagkatagpo ay kaagad nyang nabihag ang puso ko. But shi.t! Naniniwala ako na kapag nalaman nya ang lihim ko ay paniguradong hindi nya ako magugustuhan. Alam kong kamumuhian nya ako kagaya ng ibang mga tao dahil ako ay ang leader ng Notoryus na BuLeAg Gang. Ako si Leon! Ako ang matapang na leader ng BuLeAg gang sa buong Visayas. Si Buwitre sa Luzon. At si Agila naman sa buong Mindanao. Hindi ako natatakot pumatay ng tao. Pinapatay

