Chapter 1
"Good morning,class."
Tumayo kaming lahat at binati namin ng sabay sabayang terror naming guro.
"Good morning,Mr. Guzman!"
Tinanguan lamang kami nito at umupo na din kami. Napangalumbaba naman ako. Ano naman kaya ang ituturo ni sir?
"The lesson for this day is about drugs and what will-blah-blah-blah."
Huwaaaaaaah bakit drugs? Anong gagawin namin sa drugs? mukha ba kaming adik at gusto nya kaming maging pagbentahan ng droga? O gusto nya kaming magtinda ng droga dito sa school? T_T
"Mr. Howell? Can you....."
"WAAAAAH AYOKO SIIIIR! AYOKO!"
Sigaw ko at umiiling-iling pa. Ayokong magbenta ng drugs. Sabi ni mommy bad daw ang magbenta ng drugs! Kaya hindi ako papayag na gawin kaming drug adik ni Sir! Tama tama hindi ako papayag na gawin kaming drug p****r!
Sabi nga ng pambansang bayani na si Jose Rizal ay ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan! So paano kung ang pag-asa ng bayan ay naging adik? paano na lang ang bayan?! At...
"MR. ZERO HOWELL!!!"
Napatakip ako sa tenga ng sinigaw ng napakalakas ang pangalan ko. Bakit ba sya sumisigaw? hindi naman ako bingi ah? nililinis ko to buong araw no bago pumasok!
"WHAT ARE YOU TALKING ABOUT THAT YOU DON'T WANT?!"
"S-SIR! AYOKO PO NA MAGING ISANG ADIK! AT HIN...."
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"
Napahinto ako sa pagsasalita ng tumawa ng malakas ang buong kaklase ko. Bakit? mali ba yung sinabi ko? may mali ba doon? ayoko lang naman maging adik! huhuhuhu T^T.
"Quiet! and Don't shout at me,Mr. Howell."galit na sabi ni sir.
Hala bakit galit si sir? E sya naman unang nanigaw huhuhuhu. Mommyyyy!!T___T
"What are you talking about,Mr Howell?"
"Ayoko maging adik sir at wala kang mapapala dahil hindi kita hahayaang gawin mo kaming Drug p****r!"sabi ko.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" Humagalpak ng tawa ang mga kaklase ko.
"Kakaiba ka talaga Zero! Hahaha"
"I-push mo yan Zero! HAHAHAHA"
"MR. HOWELL!!!! GET OUT IN MY CLASS. NOW!" galit na galit na sigaw ni sir. Kaya dali dali kong kinuha ang mga gamit ko at tumakbo palabas. Dumungaw ako sa pinto at sumigaw ng....
"WAG KAYONG PAPAYAG NA SIRAIN NI SIR ANG BUHAY NYO!!!!"
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH"
Binato ako ni sir ng eraser at naiwasan ko naman ito. Tumakbo ako ng mabilis palayo sa classroom.
--------
Napatingin ako sa relo ko at 8:30 a.m. pa lang. Paktay. Patay ako nito kay insan dahil sobrang aga ko pa para sa second subject ko. Naglakad ako papunta sa cafeteria at doon ko na lang antayin si insan.
----------
"Oh,insan? ang aga mo ah?"
Napatingin naman ako sa nagsalita. Napanguso ako at nag-iwas ng tingin.
"Ano na naman ang katangahan ang ginawa mo insan?" tanong nito na nakataas ang kilay. Bakla ba tong si insan? Tinataasan ako ng kilay e.>,
"Grabe ka naman insan! Katangahan agad? >_sabi ko ng nakanguso.
"Hi,Z."
tumingin ako sa nagsalita at ngumiti ako at binati din sya. "Hi,Angel!"
"So, Anong meron?" tanong nito sa akin. Ngumuso na lang ako at umiwas ng tingin.
"Ayang si insan napalabas na naman siguro sa classroom nila dahil sa katangahan nya" sabi nito kay Angel kaya napayuko ako. Nakakahiya T^T
"Hindi naman yon katangahan eh!" sabi ko habang nakayuko.
"Pfft! Ano ba ang nangyare? I-share mo naman samin,Z."sabi ni Angel kaya sinimulan ko na magkwento sa kanila.
"PFFT HAHAHAHAHA!" tawa nilang tatlo. Huhuhuhu bakit ba sila tumatawa? >___
"HAHAHAHAHA Aang tanga mo naman insan!"sabi ni insan habang hawak hawak pa yung tiyan. Mamatay ka sana kakatawa dyan......jok hihihihi
"E paano ya----"hindi natapos ang sasabihin ni Hannah dahil sa may lumapit na babae sa akin.
"Pinapatawag ka ni Mr. Guzman sa office nya." sabi nya na parang kinikilig pa. Hmmm.
"Nako insan! Ayos ayusin mo na buhay mo!HAHAHAHA" sabi ni insan at ako naman ay umalis na papunta sa guro kong gustong gasin pa kaming adik.
"Pero insan baka pilitin ako ni Sir na maging dealir ng----"
"Bilisan mo na Zero baka pagmatagal ka ay baka ibalik ka ng sir mo sa kinder o hindi kaya sa tiyan ni tita."sabi ni Hanzo habang nagpipigil ng tawa. Napatingin naman ako sa dalawa at nagpipigil ito sa pagtawa.
Eh?
Anong masama sa pagbalik sa kinder?
Tumango tango na lang ako at kinuha ang shoulder bag ko.
"Hintayan na lang mamayang dismissal ha?"sabi ko.
"pfft...sige lang."Hanzo.
"Huwag kang papayag na ibalik ka sa kinder ha!"Hannah.
----
Habang nagmamadaling naglalakad ay napaisip ako. Bakit naman ako ibabalik ni sir sa kinder? Halaaaaa ayokong bumalik sa kinder! Eh kung pumayag na lang ako maging dealer? Mukhang hindi naman ako nag iisa diba? Mukhang pumayag na din ang mga kaklase ko maging dealer di ba?
Tama tama,Zero. Fighting!
Kumatok muna ako ng tatlong beses sa pintuan ni sir Guzman.
"Come in!"
"Hello po sir heheheh"bati ko sa kanya pagkapasok.
"Mr. Howell, didiretsuhin na kita. Hindi ko gusto ang ginawa mo kanina at dahil dyan----"
"Aba sir! Teka lang naman po! Ayoko po bumalik sa kinder kasi pagtatawanan lang ako don kasi matanda na ako at ambabata pa ng kaklase ko at kung ibabalik nyo naman po ako sa tiyan ng mommy ko,eh paano po ako kakasya? Napaka-inconsiderate nyo naman po pag ganon sir, hindi naman po sa pinapangunahan ko kayo pero parang ganon na din po kaya kung gusto nyo po ako talaga maging drug dealer, kahit labag sa kaloob looban ko po ay pumapayag na po ako."
Kita ko namang napahawak si sir sa temples nya at menasahe ito.
"Mr. Howell, ano ba yang mga pinagsasabi mo? Hindi ko alam kung saan mo nakuha yang pinagsasabi mo."
Oh, kita nyo?! Nagmamaang-maangan pa to si sir,e sya nga nagdiscuss nyan kanina.
"Ahhh....ehhhh...sirrr"
"Let me finish first"
"a-ahhh hehehe okie pooow"
"Kung ako ang papipiliin ay gusto kitang ibagsak dahil na din sa pamamahiya mo sa akin kanina. Pero since ikaw ang top sa class nyo at sa mga subjects mo ay napag desisyunan namin ng President Councils at nga mga Co-teachers ko na----"
"Sa grade school nyo na lang ako ibabalik? Thank you po!! Thank you po talaga sir! Pero mas okay po sana kung sa high school nyo ako ibabalik...para hindi ko na pag-aralan yung----"
"Mr. Howell, Ikaw ang kukumbinsi sa Owner ng Heurt Incorporation para mapilit siyang mag invest dito sa Vancard University para mas lalo pang gumanda ang reputasyon ng school, these will serve as your punishment."
Aba! Ayos! Pilitin ko lang daw hehehe. Pero paano? Huwag nyo sabihin na bebentahan ko siya ng....
"Sir bebentahan ko ba siya ng..."
"Good luck Mr. Howell. Papaalalahanan lang kita na hindi madaling kumbinsihin ang owner at halos tatlong taon na namin syang kinukumbinsi pero ayaw nya talaga."
Malupit talaga tong si sir, kahit naman ako, hindi ako papayag! Kahit habang buhay nila akong alukin ng drugs e hindi ako papayag!
Grabeeeee! Naturingang guro iniiwan ang common sense sa bahay.
*sigh*
"May problema ba Mr. Howell?"
"heheheh wala po sir. Ano nga po uli name ng owner?"
"Aivie....Ms. Aivie Heurt."