LAUREN'S P.O.V SA magihit isang oras nilang byahe mula Batangas papuntang Maynila ay walang kibuan sa pagitan nina Lauren at Ace. Kahit napilitan si Ace na bumalik sa Maynila ay hindi na rin siya nagpupumilit pa. Ayaw niyang kulitin si Lauren at lalo lamang lalayo ang loob sa kanya. Ang pananahimik niya ay nakakabuti sa kanila para bigyan ng oras si Lauren na makapag-isip ng tama. Nagkunwaring tulog si Lauren sa buong byahe at ayaw niyang kausapin si Ace. Ayaw na rin niyang makinig sa kahit anong paliwanag ng binata sa kanya. "Nandito na tayo. Umaasa akong pagbalik ko ay magbago ang iyong pagtingin sa akin," mahina niyang wika. Bumaba ako ng kotse na hindi pa rin umiimik, bitbit ko ang backpack at tuloy-tuloy sa pagpasok sa aming bahay. Naririnig ko ang mga yapak niyang nakasunod sa

