LAUREN'S P.O.V BALIK sa normal na araw ang buhay ni Lauren. Pumasok siya sa trabaho na kinalimutan ang nangyari sa Batangas. Mas pinagtuunan niya ng pansin kung paano makalikom ng malaking halaga para pambayad kay Ace. Hindi man siya sinisingil nito ngunit buo ang kanyang pasya na bayaran ang binata. Ang kanyang boss ang huling pag-asa niyang matulungan siya sa bagay na ito. Kung noon ay ayaw pa niyang humingi ng tulong ngunit wala na siyang ibang pagpipilian pa. Tama naman ang kanyang kaibigan. Simula't sapul ay si Raymond ang may malaking naitulong sa kanyang buhay. Wala pang kapalit na kahit ano pa man diyan. "Zy, sana dumalaw si sir Raymond ano?!" "Bakit may kailangan ka ba sa kanya?" "Hihingi sana ako ng tulong sa kanya. No choice na ako ngayon, kailangan kong maibalik ang gi

