Chapter 5

2040 Words
LAUREN'S P.O.V Nagmadali akong naligo at sumalampak sa kama. Hilong-hilo na ako dahil sa nainom kong wine. Hindi ako sanay na uminom kaya mabilis umepekto ang alak sa akin. Ayaw ko siyang bigyan ng kaunting pagkakataon na makipagmabutihan sa akin, at kung kinakailangang umiwas ako ay gagawin ko. Napa-isip naman ako kung paano ko ma-enjoy ang pananatili ko sa barko. Hindi naman pwedeng magmukmok ako dito at walang gawin na ikakasaya ko. Kaya nga ako ang napili ni Mr. Raymond para bigyan ang sarili ng kakaibang adventure sa buhay. Pabaling-baling ako sa higaan at hindi makatulog. Mainit ang pakiramdam ko na tila ba kailangan kong maligo para matanggal ang init sa katawan. Marahil ay epekto ng alak dahil ito ang una kong makatikim ng alak sa buong buhay ko. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at tinungo ang banyo para maligo. Sa palagay ko ay mawawala itong nararamdaman ko. Just a quick bath I did at kasabay noon ay natangay din ng tubig ang init ng katawan at pati na rin ang antok. Preskong muli ang aking pakiramdam at tila isang baterya na kakacharge lamang. Habang binublow dry ko ang buhok ay naisipan ko muling lumabas ng silid. How can enjoy my vacation kong magmumukmok ako sa apat na sulok ng silid na ito. Kakalimutan kong ako si Lauren ang simpleng babae na mula sa hirap. Nandito na ako para magsaya kasama ng mga bigating mayayaman. I should try to be rich even in a short periods of time. Walang nakakaalam na isa lamang akong simpleng empleyada ng mamahaling boutique, unless I say otherwise. Maraming mapaglarong bagay na gusto long gawin ngayong gabi. Dapat kong ibuka ang aking mga pakpak para lumipad kahit sa sandaling panahon lamang. Iniba kong muli ang ayos ko sa sarili at kinapalan ko rin ang makeup. Sinuot ko ang mga bigay ni Mr. Raymond na mamahaling accessories ng sa gano’n maiba ang looks ko. Malamlam lang naman ang ilaw sa bulwagan ng barko kaya natitiyak kong hindi ako makikilala ng lalaking iyon. I wear a sexy red dress na hapit sa aking baling-kinitang katawan. Tube dress na mahaba at mayroon itong buka sa right side kung saan makikita ang long flawless leg. Sinabayan ba ito ng string strap sa bandang dibdib to hint my cleavage. Ang lahay na mayroon ako ay pinili ni Mr. Raymond. Minsan ay napapaisip ako na baka nais niya akong mag-asawa na sa ganitong edad. Hindi pa naman ako gano’n ka tanda para magmadaling mag-asawa. Ni hindi pa nga ako umibig asawa na agad. Ngunit malakas pa rin ang agam-agam sa aking puso at isipan. Alam ko ang hirap ng aking ina sa pagpapalaki sa akin. Maswerte lamang siya at hindi ako naging katulad ng iba na maagang nakapag-asawa at ayon ay sa magulang pa rin umaasa. Tumayo na ako para tunguhin ang venue ng mga nagsasaya na mga mayayamang tao. Sinulyapan ko ang pambisig na relo dahil marami akong nakikitang mga kababaihan na patungo rin sa bulwagan. And it was past twelve in the midnight at may oras pa akong magsaya kasama nila. Sumunod ako sa apat na kababaihan na tila lasing na ang mga ito. Ang isa ay pasuray-suray na sa paglalakad at malakas ang tawanan ng mga ito. Sayang at nag-iisa lamang ako sa bakasyon na ito at sana mayroon din akong makakausap. "Alam niyo gusto kong makasayaw ang may-ari nitong barko. Ang rinig ko ay binata pa at super gwapo raw ito," ani ng babae. "Naku! Huwag mo na hanapin yung diamante at halos lahat naman ay ginto ang umaaligid dito," sabat pang isang babae. "Oh' siya bilisan na natin at baka maubusan tayo ng mga gwapong lalaki sa bar," wika ng dalawa pang babae. Napapa-iling na lang ako habang nakikinig sa kanila. Kanya-kanya nga ang opinyon ng mga babae. Para sa akin ay masaya na akong may ganitong event ang dumating sa buhay ko. Ang pera naman ay hindi nabibili ang kaligayahan. Kahit naman na nakapag-asawa ng mayaman kung ang lalaki naman ay walang panahon sayo. Mayroon naman na salbahing lalaki at mapanakit sa asawa. Maraming kakulangan sa buhay na sinasabi ng iba ay hindi perpekto. Hindi pa rin ako handa sa ganyang bagay kaya ako umiiwas sa mga lalaki. Pagpasok kong muli sa hall ng bar ay marami na ang nasasayawan sa dance floor. Nagkikislapan ang mga ilaw sa taas at bawat pagtama nito sa isang tao ay nakakaakit tingnan lalo at magagandang kulay ng ilaw. Parang buhay na buhay kapag tumama ang ilaw sa isang bagay. Hindi na ako muling uminom at pumunta na lamang ako sa dance floor para sumayaw. Mga lasing na iyong iba at halos naghihiyawan na silang lahat. Life is too short para maging malumbay ako ngayong gabi. Hindi pa ako nakarating sa gitna ay may isang lalaki ang sumunod sa akin at agad ko itong nilingon. Sa pag-akalang ang lalaking iniiwasan ang nasa aking likuran. Ngunit nang ngumiti ito ay iba pala. Hindi ko makalimutan ang lalaking iyon ay mayroong identical dimples. Gumanti ako ng ngiti sa kanya. Well, hindi rin pahuhuli ito sa kagwapuhan at tama nga ang sinasabi ng mga babae kanina ay maraming ginto na nakapaligid. Masasabi kong swerte pa rin ako at may makakasama sa gabing ito, but I will not allow him to touch me kahit sa dulo ng aking daliri. Nais ko lang magkaroon ng kausap kasayaw ng hindi kailangang hawakan ako. "Hi beautiful lady! Can I dance with you?" Inilahad niya ang kamay para ayain akong sumayaw. Napairap ako sa kanya kahit kumikinang ang kanyang kagwapuhan. Hindi ako nasisilaw sa ganun kahit sila pa ang yummiest person in the world. "Yeah sure! But one thing I want," sagot ko. "Sure what is it?" Lumapad ang ngiti ng lalaki at excited na siyang marinig ang nais kong sabihin. Hindi ko alam kung matutuwa ba siya sa hihilingin ko sa kanya. "We can dance but you will not touch me!" Nanlaki ang kanyang mga mata at sabay biglang tawa. Kahit tawanan pa niya ako ay hinding-hindi magbabago ang pasya ko. Hindi ko pinipilit ang sarili na isayaw as long as kaya kong tumayo at malayang gumalaw. "Oh' come on! Anong klaseng palaro iyan? Nakikita mo naman ang lahat ay halos magkadikit na sa pagsasayaw at ikaw ay ayaw mong hawakan kita," sarkastiko niyang sabi. "Hindi ko pinipilit ang sarili na makipagsayaw sayo. Its better you find another girl who wants to dance with you. Well, I excuse Mr... Tinalikuran ko siya ng may galang. Ayaw ko namang maging bastos sa kahit kanino sa kanila. Ayaw ko rin mapahiya si Mr. Raymond. "Miss wait! Payag na ako basta makilala lang kita ngayong gabi. Kakaiba ka and I interested to know you," pahabol niyang saad. Napahinto ako sa paglalakad at pinaunlakan na lamang siya. Sang-ayon naman siya sa mga nais ko kaya sabay kaming pumunta sa gitna ng sayawan. Magkaharap lamang kaming nagsasayaw at titig na titig siya sa akin. Hindi ko sila masisisi, mayroon naman akong sariling ganda na kakaiba sa ibang babae. "You're so beautiful. May I know you? Ngayon pa lang kita nakikita sa ganitong events. By the way I'm Vance Villaflor and I think this is your first time, am I right?" Napatango ako habang sumasayaw kami. Marahil ang taong ito ay palagi sa ganitong adventure. Nahuhulaan niya agad na ito ang una kong beses na dumalo sa ganitong trip. "Ahm... I'm Lauren Dixon. Yes, this is my first time." "Oh' I see! So, lets enjoy the night." Matamis nitong ngiti habang umiindayog sa pagsasayaw. I let myself to mingle with him. Nakipagtawanan ako habang masaya kaming nagsasayaw. Hindi rin nasayang ang gabi ko na nakasama siya. Wala kaming sweet moments pero sapat na yung makilala namin ang isa't isa. Tumagal ng mahigit dalawang oras kaming nag-uusap habang nagsasayaw. Nang mapansin ko ang lalaking sumusunod sa akin ay agad akong nagpaalam kay Vance na magbanyo lamang ngunit ang totoo ay babalik na ako ng tuluyan sa aking silid. Naroon pa rin sa isip ko ang iwasan ang lalaki. Hindi ko alam ngunit may takot ako sa kanya na makikipagkaibigan. It almost 3 am na kaya oras na para matulog ako para sa susuanod na adventure. Nagising ako sa isang katok sa pintuan. Kinusot-kusot ko apa ang mga mata dahil sa antok pa rin. Sinulyapan ko ang orasan na nasa maliit na mesa na katabi ko. Alas dyes na pala ng umaga. Napasarap ang tulog ko dahil mag-uumaga na ako nakatulog. Kaagad ko binuksan ang pinto. Isang crew na may dalang puting sobre. Nagtataka akong nakatingin sa kanya. Marami siyang hawak na puting sobre. "Good morning Ma'am, pinapabigay po ito ng may-ari nitong barko," sabi nito at inabot sa akin ang sobre. "For what?" "Better you read his message ma'am. All ladies guest are invited so we hope you come this event," he said. "Okay thank you." I felt excited to open the envelope. Sa gigil ay pinunit ko ang balot nito. Invitation? Blind date party? Anong pakulo naman ito ng may-ari ng barko?" Binasa ko pa ang instruction ng invitation para malaman ang kabuuang detalye. May kasama pa itong itim na maskara. Mula mata hanggang ilong lamang ang kaya nitong takpan. Humiga akong muli sa kama at iniisip kong pupunta ba ako sa imbitasyon na iyan. "Um... Yes or No?" Hm... Pwede rin nakamaskara naman eh'. What if I try to be free and happy agaim tonight. Kaarawan ko ngayon at bakit ako magmumukmok sa silid na ito? Isa na naman itong adventure sa gabi. Napapangiti ako sa naisip ngayong gabi ilabas kong muli ang bagong Lauren. Bawat gabi ay sisiguraduhin kong iba-iba qng looks ko para mas masaya. Bigla akong napabangon at hinalungkat ang mga damit sa luggage ko. Naghanap ako ng magandang isuot para sa party. Hindi ko naman kasi tiningnan ang lahat na damit na binigay ni sir Raymond. "Perfect! Isang pulang dress ulit ang nakita ko ngunit masyadong seksi kaysa sa kagabi kong suot. Palagay ko ay hapit na hapit muli ito sa aking katawan. The top at the back of dress was made of crisscross string, giving a teasing hint to my bare back. I want to let myself to be wild tonight, something different, iyong bagay na hindi ko pa nagawa. Lumipas ang maghapon at nanatili lamang ako sa loob ng aking cabin. Nanood ako ng pelikula buong maghapon. Medyo kinakabahan ako ng kaunti sa gagawin ko mamaya. Nakatitig ako sa kumikinang na maskara na kasama ng invitation letter. After nine o'clock in the evening I was still stunned in front of the mirror. I do not know if I will continue or not. Sa hindi ko inaasahan bigla akong napalingon nang nilipad ng hangin ang maskara sa harap ko. Napaisip ako na baka ito ang pagkakataon kong e-explore ang sarili. Nagmadali akong nagbihis, kapares ng damit ko ay ang itim na sandal. It is a crisscross strap, at katulad ng maskara, it glows when exposed to light. Alam kong medyo late na ako ngunit kalmado pa rin ang mga kamay ko habang naglalagay ng makeup. Lastly I put glittering red lipstick on my lips. My outfit is perfect, napakagaling pumili ni sir Raymond lahat ay saktong-sakto sa akin. Lihim akong napangiti sa harap ng salamin. It is the new version of Lauren far from the past. Kaagad kong tinungo ang hall kung saan ang blind date party. Sa pagpasok ko halos kabugin ako ng kaba. Ang lahat ay may kaniya-kaniyang pares habang sumasayaw. I was shock and stunned where I was. What I will do now? Hindi ko alam kung makikihalo ba ako sa mga taong sumasayaw o uupo muna sa isang tabi. Humakbang ako patungo sa counter ng bar para um-order muna ng maiinom. Nais kong bigyan ng kaunting init ang katawan para naman mawala ang kaunting kaba. Ngunit napatigil ako ng may humarang na isang nakamaskarang lalaki. H-His scents that I smelled is the same of the guy I met yesterday. Ang taong pilit kong iniiwasan. He was wearing a black shining suit. "Can I dance with you?" Nag-isip pa ako bago siya sinagot. Kung pagbibigyan ko siya ngayong gabi ay wala naman siguro masama. I know he was waiting for me to come out. Halata na hinintay niya ako sa hall na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD