Chapter 4

1606 Words
ACE'S P.O.V Napakamot ako sa ulo ng hindi na siya bumalik. Gusto ko siyang kilalanin ngunit napakailap niya. Ngayon lang nangyari sa akin na nilalayuan ng babae. Ang haba ng leeg ko sa kakatanaw sa kanya. Daig pa ng mata ko ang lazier na tumatagos sa bawat tao na nasa bulwagan ng barkong ito. Maganda siya, mestisa at hmm... sarap niyang halikan sa labi. Mahuhuli din kita. Gigil kong nasuntok ang mesa sa counter ng bar. Napatingin pa sa akin ang mga tauhan kong barista. Lumapit naman si Xenon sa akin at tinapik ang balikat ko. Si Xenon ang matalik kong kaibigan at ka-partner sa negosyo. Madalas kaming magkasama lalo na mga happenings. Me and Xenon are mixed blood. Pilipina ang aming ina at Briton naman ang aming ama. Magkakaibigan ang aming mga magulang kaya kami naging malapit sa isa't isa. "Anong problema Ace? Bakit nakakunot ang noo mong nakatitig diyan sa basong walang laman? Huwag mong sabihin na lasing ka na at pinagnanasaan mo iyang baso," tudyong sabi ni Xenon. "Ikaw yata ang lasing sa ating dalawa eh," irita kong tugon. "Sus, eh ano nga ang problema mo?" Huwag mong sabihing babae dahil hindi ako maniniwala sayo!" natatawang tugon nito. "Hmm... iyon nga Xen eh' babae ngunit mailap siya. Parang kabuti siya na bigla na lang susulpot at mawawala. Gusto ko siyang kilalanin pero lumalayo siya. Nanggigigil akong kagatin siya sa leeg." Napatawa ng malakas si Xenon sa sinabi ko. Hindi ako bampira ngunit malapit na iyon mangyayari kapag tuluyan akong iwasan ng babaeng iyon. "You're unbelievable Ace. Ikaw tinanggihan ng babae? I can't believe you. Isang bilyonaryo, ubod ng gwapo at may-ari ng Pierre cruise shipping company in entire Europe inayawan ng babae!" natatawang sabi niya. Napabuntong-hiniga na lamang ako. Ito na nga siguro ang katapat ko. Kayang-kaya ko siyang hanapin sa loob ng barkong ito, ngunit hindi ko gagawin. I will challenge myself to be patient. Kapag ang daga nagugutom lalabas at lalabas iyan sa lungga. "I think there is a deep reason why she's avoiding me," I said. Marahil nasanay akong hinahabol ng babae. Iyon ang madalas nangyayari sa buhay ko kaya ako ang umiiwas lalo na kung mga sosyalera ang mga ito. Kailangan ko na rin maghanap ng seryosong relasyon for my future family. I admire my parents and I wanted to have a love life like them. Dalawa lamang kaming magkapatid at maituturing kong perfect family kami. Mom and Dad have a good foundation when it comes to the family. Muli akong bumalik sa realidad nang tinapik ni Xenon sa balikat. "So, what's your plan now? Bakit ka natahimik diyan? Mabuti pa at mag-aral ka na maging marine para lagi ka na lang sisisid," pagbibiro niyang muli. "Anong marine ang sinasabi mo?" "Naku, ang hina mo talaga! Syempre kapag marine ka na eh' wala ka ng ibang gawin kundi ang sumisid nang sumisid." "At bakit naman ako sisisid?" "Putcha! Maghunos-dili ka nga Ace at hindi mo na alam yung mga sinasabi ko. Ano nga ulit ang gagawin mo sa babaeng iyon?" Napapakamot si Xenon sa ulo nang hindi ko agad makuha ang ibig niyang sabihin. Naiirita na rin ito dahil humahaba ang aming usapan ngunit walang patutunguhan. "Gagawa ako ng patibong, I will set a party tomorrow night. Lahat ng mga babae ay anyayahan ko sa isang blind party. Ang lahat ng dadalo sa party ay magsusuot ng maskara," sagot ko at napapakagat labi pa ako sa naiisip. "Well, good luck Ace, aabangan ko iyan. Maiwan na muna kita, because I need to find a girl para makapagsisid ngayong gabi," natatawa niyang sabi at sabay tinapik pa ako sa balikat bago tumalikod. Napapailing na lang ako na tinatanaw si Xenon na papalayo. Ang mas mabuti siguro ay uminom na lang ako habang nakatanaw sa lahat ng guest. Matagumpay na naman ang aming adventure na nagbibigay lalo ng katanyagan sa aming kompanya. Its been five years now. Pinasa ng aking ama ang kompanyang ito para ako na ang mamahala. Nandiyan pa rin naman siya na umaalalay kapag kailangan ko siya lalo na sa mga problema sa kompanya. Ako ang panganay at sa akin ito inasa ng aking ama para matutunan kong palaguin ang kanyang pinaghirapan. "Ahm... Waiter, one more glass of wine please." "Yes sir, right away!" Agad na tumalima ang waiter para pagsilbihan ako. Hindi lahat ng staff sa barkong ito ay kilala ako bilang boss nila. Kailangan ko ring itago ang tinay kong pagkatao. Umiiwas lamang ako sa taong sinasabi nilang gold diggers. "Hi handsome! Are you alone? Maaari ba kitang samahan sa iyong pag-iisa?" It seems familiar ang boses na aking narinig. Ngunit hindi agad akong lumingon sa babaeng nagsalita sa aking likuran. Pilit ko munang inaalala kung sino ang ito. Kahit hindi pa ako sumagot ay naupo na ito sa aking tabi na bakanteng upuan. Doon lamang ako napatingin sa kanya. Abot taenga ang ngiti nitong nakatitig sa akin. Hindi ko alam na kasama pala siya sa aming adventure trip. "Esnabiro mo naman! Nagulat ka ano kung bakit ako nakasama sa trip na ito," aniya. "I'm sorry Janice, nabigla lang akong makita ka. Bakit nga ba nakasama ka at hindi ko naman nakita ang pangalan mo sa mga list ng guest?" Si Janice Ang ay isa sa mga kilala kong negosyante na nakabase sa Singapore. Kaibigan siya ng isa kasosyo ko sa negosyo. "Biglaan ang nangyari. Last minute na rin ipinaalam sa akin ng kaibigan ko na ako ang dadalo sa trip na sana ay siya ang sasama dito. Nagkaroon siya ng family emergency kaya ako na lang ang naging representative niya. I was excited too because this is my first time to join your adventure cruise trip," may ngiting paliwanag niya. "Kaya naman pala. I hope you enjoy your staying with us." "Yeah, I wish. Matagal na hindi kita nakita sa Singapore. Hindi mo na na sila dinadalaw," tanong niya. Napatigil ako sa pag-inom ng wine at nilapag ko ang baso sa mesa. Ayaw ko pag-usapan ang kahit ano lalo na kung parte ito sa buhay ko, kapag nasa adventure trip ako ay puro pagsasaya lamang ang aming ginagawa ni Xenon. Once a year lang naman ang trip na ito kay mas minamabuti namin ang mag-enjoy na lang. "Sorry, ngunit hindi ko pinag-uusapan dito ang personal kong buhay. We're here to enjoy right?" "I'm sorry!" Mapakla siyang nguniti sa akin. Hindi kami ganoon kalapit sa isa't isa para ibahagi ang personal kong buhay. Ang trabaho ko ay ang pasayahin ang lahat ng aming guest. "Hi Ace! Sorry to disturb you. Mayroon lumapit sa akin at sinabi niyang samahan raw kita dito para matanggal ang iyong inip," wika ng isang babae na ngayon ko pa lamang nakita. Nakakunot ang noo kong nakatitig sa kanya. Pareho kaming nagulat ni Janice sa paglapit ng isang babae na hindi ko kilala. Maganda at sexy siya na pasok naman sa criteria ko sa isang babae. Umupo siya sa kaliwang side at napagitnaan ako ng dalawang babae. "Miss, baka nagkamali ka lang," tugon ko. "A-Ahh... I think you should talk to him para magkaliwanagan kayong dalawa. Ang sabi niya ay kaibigan mo raw siya. Ayun siya..." Napalingon ako sa tinuturo ng babae. Isang lalaki na nililingkis ng isang babae habang sumasayaw sa dance floor. Kumakaway pa ito sa akin kahit ang kamay ay abala sa kakahaplos sa likod ng babae. Naningkit ang mga mata ko na nakatingin kay Xenon na patawa-tawa habang sumasayaw. Sinadya niya itong gawin para mamibang ako at makalimutan ang mesteryosang babae. Wala akong magawa kundi e-entertain na lang ang babae. As I look at her she's nice at very approachable. Hinarap ko siyang muli at bibigyan ng isang matamis na ngiti. Ayaw ko naman siya mapahiya at she is one of my guest. "Waiter, bigyan mo sila ng maiinom," utos ko dito. "By the way, I'm Ace Michael Pierre and you? Inilahad ko ang aking kamay sa babaeng kadadating lamang. Halos ma-out of place si Janice dahil sa bagong dating na babae. Tarantado talaga iting Xenon at nahirapan tuloy ako makipag-usa sa dalawa. "I'm Liann Villaflor, only child of Luis Villaflor. Ako ang nagmamay-ari ng Villaflor travel agency in UK," aniya. "Whoa! Nice to meet you Ms. Villaflor. Hindi ko alam na may ganito kagandang anak si Luis." Kilala ang pamilya niya sa UK dahil sa maraming branch ng kanilang travel agency. Si Xenon ang mas nakakakilala sa kanya dahil ito ang mas humuharap sa mga clients. Ang nakikita ko lang ay ang kanyang ama, kaya hindi ako familiar sa kanya. "Thank you Mr. Pierre, ikaw din ay hindi ko rin alam na may nakakaakit na kaibigan pala itong si Xenon," aniya. "Ahm... Mas mainam ay iwan ko muna kayong dalawa para mas makag-usap kayong dalawa," sabat ni Janice na nakalimutan ko ng kausapin. "I'm sorry Janice!" hingi kong tawad dito. "It's okay Ace, have fun!" aniya at tuluyan ng tumalikod sa amin. "Ako dapat humingi ng sorry sa kanya. Baka nagalit siya dahil naisturbo ko kayo," saad niya. "Huwag mo na iyon intindihin. Isa lamang siyang kakilala at unexpected ang aming pagkikita." "Okay good para may time akong masulo ka!" Tumalon ang puso ko dahil sa pagkakaroon ng laruan tonight. Mukhang maharot ang babaeng ito at hindi masasayang ang oras ko. Kahit pasaway itong kaibigan ko ay alam na alam niya ang mga bagay na gusto ko. "Maari ba kitang isayaw!" anyaya ko dito. "Yeah sure!" Nakipagsayaw ako para makalimot sa mesteryosang babae, ngunit hindi ko pa rin nakalimutan na hulihin siya sa susunod. Magsasaya muna ako sa iba para maibsan ang inis ko. Hinding-hindi ako papayag na walang mangyari sa amin, by hook or by crook.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD