Chapter 3

1072 Words
LAUREN'S P.O.V Pumikit ako sa sitwasyon na alam kong babagsak sa sahig nitong barko. Ito na yata ang nakakahiyang moment na mangyayari sa buong buhay ko. Sa hindi ko inakala ay may mga brasong sumalo sa akin. Nawalan ito ng balanse sa bigat ng aking katawan sa biglang pagsalo niya sa akin. Nakadagan ako sa matipuno niyang katawan. Nakayakap siya sa akin bilang proteka para hindi ako masaktan sa pagbagsak. I can feel his masculine body kahit nakapikit ako. His scents makes me feel relax. "Ahm... Miss are you alright?" tanong niya at medyo pilipit ang boses. Napamulat ako sa sandaling maisip na nasa ibabaw ako ng kanyang katawan. "Oh my...I'm Sorry, kaagad akong tumayo sa pagkakadagan sa kanya. Inayos ko ang sarili at baka magmukha akong katawa-tawa sa harapan ng lalaki. Hindi ko siya sinulyapan at patuloy lamang sa pag-aayos ng damit ko. Naka-casual dress pa naman ako. He was smiling staring at me when I looked at him. I saw his identical dimples. He has a brilliant smile. Ngiting nakakahumaling. I do not know how long I've been looking at him, without blinking my eyes. Until I realized he was waving in front of me. "Ms. Are you really alright?" muli niyang tanong. "Yeah, thank you," tugon ko at gusto ko siyang sumbatan dahil sa kanya ay nahulog ako. Kung hindi sana siya nagsisigaw kanina eh hindi nangyari ito. Tinalikuran ko siya at ayoko magkaroon kami ng hindi magandang ugnayan. Dahil kay Mr. Ray pinipigilan ko ang sariling magtaray lalo pa at lalaki ito. Hindi ako nakikipagmabutihan sa mga lalaki. Ayoko matulad sa aking ina na hindi kasama ang aking ama. Hindi ko man alam ang nakaraan nila ngunit takot ako sa isang relasyon. Takot akong masaktan, mas mabuti pa ang sarili na lamang ang mahalin. Baka hindi ko ito mapanindigan at sakit lamang ang idulot. Hinarap ko siyang muli para magpaalam. "Well I excuse me Mr. I have to go, but thank you for saving me," sabi ko sabay talikod at umalis na walang lingon. Narinig ko pa na tinatawag niya ako ngunit nagmamadali akong umalis. Bumalik ako sa cabin at inayos muli ang sarili. Nagpalit rin ako ng damit at ayoko na gamitin ang kakasuot lang. Baka mamalasin akong muli. Binago ko uli ang style ng pagkakaayos ng buhok. Sanay na akong ayusang ang sarili kaya madali lang para sa akin ang pagbago ng anyo. Kung kanina puting casual dress ang suot ko, ngayon naman ay kulay pula at may gold line sa laylayan nito. Pati na rin ang maliit na sinturon sa baywang ay kulay ginto din. Napili ko itong kulay dahil sa pagpatak ng hating-gabi ay kaarawan ko na. Hinintay ko muna lumipas ang dalawang oras bago lumabas. Siguro naman sa laki ng barkong ito at sa dami ng tao e'h hindi kami magtagpong muli. Matapos akong maghapunan ay tinungo ko ang hall na pagdadausan ng party. Hindi ko alam kung anong party ba ito? "Maybe they want to celebrate their success in business. Isang bilyonaryo si si sir Raymond kaya hindi nakakapagtaka na mapabilang siya sa mga nandito ngayon. Binihisan man niya ako ngayon ngunit ako pa rin si Lauren na isang dukha. Isang simpleng babae at mahirap lamang. Walang ari-arian na pag-aari kundi ang maliit na bahay na minana ng aking ina sa kanyang ama. Ganoon pa man sapat na sa akin ang lahat. Kahit ang aking ama ay hindi ko na hinanap. Napaisip naman ako bigla. Buhay pa kaya ang aking ama? Iwinaglit ko na lamang ang mga bagay-bagay at katanungan sa aking isipan. Dumeretso ako sa bar nitong hall. Nais ko lang subukang uminon ng alak bilang regalo sa sarili. Sasamantalahin ko ang kalayaan na mayroon ako ngayon. Umupo ako sa counter ng bar at nag-iisip kung ano ang iinumin. Nilapitan na ako ng barista ngunit sinabi ko na mamaya na lang ako o-order ng maiinom. Nagmasid-masid muna ako sa mga babaeng umu-order ng kanilang maiinom. First ko kaya ayoko magpahalata na walang alam sa ganitong bagay. Gumaya na lamang ako sa mga babae na nandito. Kaagad naman binigay sa akin ang inorder kong inumin. Sinulyapan ko muna ang relo na suot ko. Gusto ko inumin ito sa pagpatak ng saktong alas dose para sa ika-tatlumpu kong kaarawan. Bumilang pa ako at parang countdown ang dating sa pagsalubong ng aking kaarawan. 5, 4, 3, 2 ,1 sabay lagok ng wine. Napaubo ako bigla dahil hindi ako sanay uminon. Nagkunwari na lang akong tumitikhim para hindi mahahalata. Napapakilig pa ako ng malasahan ang wine. Pambihira naman talaga kapag hindi natin naranasan ang mga sosayalan na bagay. Kailangan din pala nating matutunan kung paano ang buhay mayaman para hindi tayo tatanga-tanga. Lumagok akong muli ng wine. Tulad ng nauna ay umubo akong muli pero hindi na nabigla ang aking lalamunan. May isang lalaki naman ang kadadating lang at umupo ito sa bakanteng upuan sa tabi ko. May inorder itong dalawang uri ng wine. Sa pag-akala ko ay may kasama ito. I didn't glance at him just ignore who is beside me. Inabala ko ang sarili sa pakikipagchat kay Zia. Nagulat na lamang ako nang inabot ng lalaki ang isang baso ng wine sa akin. "You better drink this! It's smooth and draughts," he said. Nakatitig lamang ako sa baso ng wine. Hes voice sounds familiar. I smelled the same scents the guy who save me awhile ago. I excitedly turned my head to look the guy, if he really was. My eyes widened and say to myself, siya na naman. "Bakit ba ako sinusundan nito? "Anak naman ng pating!" bulong ng aking isipan. He smiled again at para bang nang-aakit ito. I really admire his dimples and I admit he so handsome. Can you take please?" nangangawit ang braso ko," saad nito. Tinanggap ko na lang para pagbigyan siya. Bilang galang na rin ay ininom ko ito. Napapa-wow pa ang aking isipan dahil swabe itong inumin. Wala man lang ako nararamdamang pait na lasa nito. "Did you like it?" muli niya tanong. Nakatitig siya sa kanyang baso at nakatapik-tapik pa sa baso ang isang niyang daliri. "Yes, mahina kong tugon. At nasundan pa ng ilang baso ang iniinom ko. Ramdam ko na ang kaunting pagkahilo. Nagpaalam ako sa kanya na pupunta lamang ng toilet pero ang totoo ay tatakasan ko na naman siyang muli....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD